[4]
Mistula akong naging estatwa sa kinauupuan ko dahil sa sinambit niya. Subalit bago pa ako tuluyang makatayo at makaalis, binalot ng kanyang mga halakhak ang lugar na kinaroroonan namin.
Unti unting kumunot ang aking noo sa pagtataka. Nagkasira na ba ito sa ulo at bigla na lang tumatawa?
Parang magic na nagbago iyong aura niya. Kung kanina ay matatae na 'ko sa kaba dahil sa itsura niya, ngayon naman ay halos malaglag ang panga ko sa ka-wirdohan niya.
Ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa lamesa at bahagyang tumayo. He slightly moved his face forward, suot ang napakalapad na ngiting matagal kong hindi nakita.
"Hindi ka man lang ba tinablan ng klima ng Canada?" aniya habang pinapasadahan ng tingin ang balat ko. Aba! Anong gustong iparating sa 'kin ng damuhong ito?
Natuluyan na sa pagsasalubong iyong mga kilay ko at pinukulan ko siya ng matalim na tingin. "Bulag ka ba? Nag-lighten daw kaya iyong skin ko!"
"Saan banda?" talagang hinanap niya kung saang part! "Ang tibay talaga ng epidermis ng balat mo." naiiling niyang tugon. Subalit imbes na mairita ako lalo, para akong lumulutang ngayon sa tuwa. I didn't expect this. Binatukan ko siya habang hindi pa niya nailalayo ang mukha niya.
"Aray!" daing niya.
"Pinakaba mo pa 'kong abnormal ka."
"Bakit ka naman kakabahan? Pero in fairness lumakas ka. Mas masakit ka ng mambatok ngayon." aniya habang hinahaplos ang parteng tinamaan ko. Umikot ang mga mata ko kahit medyo natatawa ako.
"Alam mo bang ako ang ka-meeting mo ngayon?" tanong ko.
"No. I'm actually surprised with your sudden presence." he said.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Eh bakit kung makapag-act ka kanina parang expected mo ng ako ang makikita mo?"
"Best actor eh. Ngayon mo pa ba pagdududahan ang mga inborn talents ko?" ang yabang pa rin talaga!
"Hindi man lang nabawasan 'yang kayabangan mo." singhal ko at sinipa ko ang paa niya mula sa ilalim ng lamesa.
"Aray ko! Napaka bayolente mo talaga!" hinaplos niya iyong paa niyang sinipa ko. Ang arte ha! "Tungkol doon sa pag-su-supply, I swear hindi ko talaga alam ang nangyari kung bakit nahinto." sabi niya na parang walang muwang talaga sa nangyayari.
"Ha?? Sabi nung notice na natanggap namin mula sa inyo, ikaw daw ang nag-utos. May pirma mo pa nga." pag-klaro ko. Dinouble check ko pa nga iyong posisyon ng pumirma.
Napakamot siya sa likod ng ulo niya. "Hehehe. Baka isa yun sa mga pinapirma sa 'kin na 'di ko nabasa."
Muntik ng literal na sumayad ang panga ko sa sahig.
"Hindi nabasa, o hindi ka talaga nagbabasa? Pa'no na lang kung kasulatan 'yon na maghihirap ka na? Edi mamumulubi ka pala nang walang muwang." sabi ko. Hindi ko man siya gustong tarayan eh hindi ko na mapigilan dahil sa ka-engotan niya.
"Ibang usapan naman 'yan syempre. Kapag kasi mga ganyan lang pinapapirma sa 'kin 'di ko na binabasa. Tiwala naman ako sa mga empleyado ko." aniya.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ano pa ba ang aasahan ko sa happy go lucky na lalaking 'to?
"Tsk. So ano na? Bati na tayo?" tanong ko.
"You're my mortal enemy since birth. Hindi magbabago 'yon." pag-iinarte niyang sagot.
Inirapan ko siya. "Whatever. So okay na? Pati iyong supply?" kinagat ko ang ibabang labi ko.
Pinaningkitan niya ako ng mata. "Sa isang kondisyon." aniya. Umayos siya ng upo at bahagyang inilapit ang mukha niya sa 'kin.
"Sure. Anything." I said.
Katulad pa rin ng dati, mukha pa rin siyang walang matinong sasabihin. Si Jasper kase ang tipo ng taong puro kalokohan kaya feeling ko ay walang seryoso sa mga pinagsasabi niya ni isa.
"Grant me 3 wishes. I'll call you when I need them."
Saglit akong natameme at napaisip kung ano naman kaya ang hihilingin niya sa 'kin. Literal na nasa kanya na ang lahat. Oh gosh di kaya.... no way! Hinding hindi ko ibibigay sa kanya 'yon magkamatayan na kami!
"Basta siguraduhin mong walang halong kalokohan 'yan." taas noo kong sagot.
"I swear." sabay taas pa niya ng kanang kamay.
Kinuha niya ang menu book na nasa table.
"At dahil may kasama akong balikbayan, nararapat lang yata na ilibre mo 'ko ngayon. Hindi mo naman siguro ako kinalimutang bilhan ng pasalubong?" litanya niya habang namimili ng pagkain sa menu.
"Meron sa condo." kahit papaano I made sure na may pasalubong ako sa kanilang lahat kahit hindi ko sure kung magkikita pa kami. "Bakit hindi mo 'ko pinansin kagabi kung hindi ka galit sa 'kin?" tanong ko.
"Kagabi?" tanong niya pabalik sa 'kin na para walang siya alam.
"Sa elevator."
"I was drunk last night. Hindi ko na namumukhaan mga nakakasalubong ko. My bad isa ka pala. Sorry okay?"
"As if na may magagawa pa 'ko." I said in dismay and rolled my eyes.
"Teka. You live in the same building?"
"Same floor actually."
"Sinusundan mo 'ko ano?" tila nambibintang ang tono ng kanyang boses. Ang kapal ng face!
"Kapal mo ha! Malay ko bang doon ka nakatira." depensa ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko. "Sus. Aminin mo nang may crush ka pa rin sa 'kin."
"Hanggang ngayon ba hindi pa rin nababawasan 'yang kahanginan mo? Wala ka na talagang lunas, Jasper."
"Kapag nawala 'yon sa pagkatao ko, hindi na ako ang Jasper na nakilala mo. Tsaka gwapo ako. "
Ano konek? Tsk.
Sinenyasan kong lumapit iyong isang waiter na nasa gilid namin bago ko pa masaksak ng tinidor itong kausap ko. Binigay ko iyong orders ko at gano'n din si Jasper.
Kinakabahan pa rin ako sa kilos niya. Nasaan na ang tapang mo, Cinderella? Ngayon ka pa ba maduduwag na ipagpatuloy 'tong meeting na 'to? Kung kelan alam mong okay naman kayong dalawa?
May mumunting boses pa rin ang sumisigaw sa utak ko. Okay na nga kami, pero nagkalinawan na ba? Ugh. Hindi ito ang right time para mag-isip ako ng mga ganitong bagay. Enjoy the moment, Cinderella!
Ay! May moment, teh?
Napailing na lang ako sa mga naiisip ko.
"Pinagpapantasyahan mo 'ko ano?" aniya nang mahuli yata akong sinasapok ang sarili ko.
"Kung hindi rin talagang makapal ang kalyo ng utak mo para maisip 'yan ano?"
He half-shrugged. "Just saying. Okay lang naman hindi ako umaangal. Kahit nga reypin mo 'ko pwede kong pag-isipan at bigyan ka ng chance."
Huminga ako ng malalim. Kalma, Cindy. Kalma.
"Manahimik ka kung gusto mo pang makalabas dito ng may sampung daliri sa kamay." banta ko.
He shrugged his shoulder again as he continued browsing his phone.
Kung tunay nga lang talagang nakakahaba ng ilong ang pagsisinungaling ay siguradong pointed na ang nose ko.
Kahit nasa harapan ko na siya ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya. Para kasing nananaginip pa rin ako. Kahit mala-demonyo pa rin ang ugali niya, iyong itsura naman niya ay lalong naging guwapo! Sobrang pogi pa rin talaga ng mukha ng lokong ito. Kung may nagbago man sa kanyang buong pagkatao, iyon ay ang mas naging guwapo pa siya. Wait. Bakit ba kanina pa ko guwapo ng guwapo sa kanya? Anak pa rin siya ni Satanas!
Nang dumating iyong mga pagkain ay tahimik lang kaming kumain. Nakakagaan talaga ng feeling kapag nakakakita ako ng rice. Lalo't mapuputi sila at malalaki ang butil. Nabawasan ng slight ang tension sa sistema ko.
"Ang laki mo pa ring sumubo ano? Pang-construction worker." tirada niya habang payapa akong kumakain. Wala talagang pinipiling pagkakataon ang brubo na 'to!
"Pwede ba mind your own food?"
"Hindi ko naman pinapakelaman pagkain mo. Nagco-comment lang ako sa laki ng subo mo."
Nakakapanggigil talaga lahat ng lumalabas sa bunganga nito!
"I don't need your comment. Nakakasira ka ng appetite."
"Baka gusto mong bawiin ko ang deal natin?"
Winagayway ko agad ang puting bandera. Ang bandera ng pagsuko.
"Ay no no no. Sige lang po ipagpatuloy mo ang panlalait sa 'kin. Dagdagan mo pa para mas masiyahan ka." halos ilabas ko na lahat ng ngipin kong kulay perlas ng silanganan sa sobrang ngiti 'wag lang niyang bawiin ang deal namin.
Nakita ko na naman ang makalaglag panty niyang smirk. Jusko bakit imbes na maimbyerna ako sa ngisi niya ay parang naghahallucinate ako? May problema na yata sa aking human body!
Napalunok tuloy ako at naitungga ang wine sa aking baso.
"Easy. Baka malasing ka diyan at gahasain mo 'ko."
Pinikit ko ang mga mata ko. Kalma, Cindy. Kalma ka ulit.
"Don't worry, hindi ako nalalasing sa ganitong uri ng alcoholic drink." sabi ko sabay inom ng isa pang glass.
Nagkwentuhan kami habang kumakain or better say nag-asaran. We had a little catching up before we decided to go back to work. Kailangan ko pang bumalik sa office para asikasuhin iyong ibang kailangan sa resto. Samantalang siya ay may meeting pa pala at late na siya ng 5 minutes.
"You sure you don't want me to send you back?" alok niya ulit.
"Wag na nga kasi. May dala naman akong sasakyan so no need. Salamat na lang sa offer."
"Alright. Hoping not to see you again tho."
Sandali akong napatigil sa sinambit niya. Dang! Masakit iyon ah! Gago ka pa rin talaga.
Tumawa na lang ako ng bahagya to lessen the awkwardness I suddenly felt.
"Same here. Ayokong magkaroon ng makasalanang araw tuwing nakikita ka."
Kasi tuwing nakikita kita, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko noon sa 'yo. Kaso huli na para ngayon pa 'ko magsisi.
Tumango lang siya bago sumakay sa kanyang Hypersport. Hindi talaga kumukupas ang taste niya sa pagpili ng sasakyan.
Pinagmasdan ko siya papalayo hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
***