CHAPTER 2

2150 Words
NARITO kami ngayon sa bahay nina Kristof. Wala ang mga magulang niya kaya malaya kaming gawin ang gusto namin. Pagkatapos kong maligo, itinapis ko sa aking katawan ang tuwalyang ipinahiram sa akin ni Kristof. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka muli ring iminulat bago dahan-dahan na inabot ang door knob. Pero sa halip na pihitin iyon pabukas ay mabilis ko ring binawi ang kamay at napaatras palayo sa pinto. Ginawa kong pamaypay sa sarili ang dalawa kong kamay dahil sa tensiyon na unti-unti na namang nabubuhay sa loob ko. Kinakabahan talaga ako. Ilang beses akong pumaroo’t parito ng lakad dito sa loob ng banyo habang nginangatngat ang aking hintuturo. Para tuloy akong ’di mapaanak na pusa. “Mahal, matagal ka pa ba riyan?” Napalundag ako dahil sa gulat nang marinig ang boses ni Kristof mula sa labas ng banyo. Sinundan niya iyon ng sunod-sunod na katok kaya lalo akong nataranta. “O-Oo, heto na, la-labas na!” Nasapok ko ang sarili kong noo. Lalo akong nakakaramdam ng kaba. Pero sa huli, ipinasya kong lumabas na rito. Pinuno ko muna nang maraming hangin ang aking dibdib bago ito ibinuga. Kahit nanginginig ang mga kamay ko’y pinihit ko ang door knob at bahagyang hinila pabukas ang pinto. Nakita ko si Kristof na nakaupo sa may sofa. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan habang nakatingala sa kisame na para bang kaylalim ng iniisip. Nang makita ako ay napatuwid siya ng upo habang sinusundan ang bawat kong kilos. “Gamitin mo nalang ang t-shirt at boxer short ko,” aniya kaya napatigil ako sa paghakbang patungo sa bag ko. Napatingin ako sa magkapatong na tela sa lamesita na nasa harap niya. Tumango na lamang ako at bahagyang ngumiti bago nilapitan ang damit. Pero gano’n na lamang ang gulat ko nang tumayo siya at hapitin ako sa baywang mula sa aking likuran. Tila nalunok ko pati na ang dila ko dahil hindi ako nakapagsalita. Halos pigilan ko ang aking paghinga dahil sa tensiyon na lumukob sa akin. “Hindi mo na kailangang magbihis, Mahal. Huhubarin ko rin naman ’yan,” pilyo niyang bulong sa aking tenga. Nahigit ko tuloy ang aking paghinga dahil sa simpleng pagdampi ng labi niya sa kapingulan ko. Maging ang mainit niyang hininga ay nagdala ng kakaibang kiliti sa aking kaibuturan. Mariin akong napalunok. Lalo pang bumibilis ang t***k ng puso ko. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa aking baywang at pinaharap ako sa kaniya. Yumuko ako at nag-iwas ng tingin dahil nahihiya ako. Hinawakan niya ako sa aking baba kaya nag-angat ako ng mukha. Nagkatitigan kami nang ilang segundo bago nalipat ang tingin niya sa aking kamay. Hinawakan niya ito at umupo siyang muli sa sofa habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Marahan niya akong hinila paupo nang nakabukaka sa kaniyang kandungan. Sa posisyon kong ito ay malaya niyang masisilip ang aking pagkababaé dahil wala akong suot na panty. Nagtangka akong tumayo para sana ibahin ang posisyon namin ngunit hindi niya ako hinayaan kaya wala akong nagawa kung hindi manatiling nakabukaka sa kaniyang harap. Inalalayan niya ang aking dalawang kamay patungo sa kaniyang leeg. Napansin niya yata ang panginginig ng mga iyon. Bumuntonghininga siya at tinitigan ako sa mga mata. Kahit tensiyonado ay nakipagtitigan din ako sa kaniya. “Let me ask you once again dahil kapag ginawa natin ’to, hindi na natin maibabalik pa ang nawala kapag tapos na.” Hinaplos niya ako sa mukha. Nanatili lang ang kamay niya roon habang hinahagod ng kaniyang hinlalaki ang aking pisngi. “Mahal kita, Sunshine . . . mahal na mahal. Kung nag-aalala ka at nag-aalangan na baka iwanan kita pagkatapos nito, nagkakamali ka. Mas lalo pa kitang mamahalin dahil sigurado na akong akin ka lang.” Naging hudyat ang sinabi niyang iyon para maalis ang agam-agam sa puso ko. Hinaplos ko rin siya sa kaniyang magkabilang pisngi. “Mahal din kita, Kristof.” Tipid siyang napangiti sa tinuran ko. Hinalikan niya ako sa aking palad na nakalapat parin sa kaniyang pisngi. Pagkatapos ay umakyat ang labi niya sa aking noo, sa ilong, pababa sa labi. “Sigurado ka na ba talaga rito, Mahal?” Para akong manikang de-susi na agad na tumango. Mas lumaki ang pagkakangiti niya at tumingin sa mga labi ko. Pagkatapos no’n ay bigla na lamang niya akong siniil nang maalab at mapusok na halik. Halos hindi ko masabayan ang galaw ng labi niya. Mistulang naging first time kong makipaghalikan dahil sa kapusukan ng paghalik niya. “S-Sandali lang, Kristof.” Kumalas ako sa aming halikan at bahagya siyang itinulak sa dibdib. Naiwan ang dalawa kong palad at itinukod doon para bigyang distansiya ang pagitan ng aming katawan. Pinakatitigan ako ni Kristof sa mga mata. Namumungay ang kaniyang mga mata at kababakasan iyon ng matinding pagnanasa. “May problema ba?” Hindi ako agad nakasagot dahil sa pinaghalo-halong damdamin na nararamdaman ko. “Mukhang napipilitan ka lang yata.” Napasandal si Kristof sa sandalan ng sofa. Lumuwag na rin ang pagkakahawak niya sa magkabilang baywang ko. Sa halip na magsalita ay muli kong inilapat ang aking labi sa kaniya. Desidido na ako. Siya lang naman ang natatanging lalaki na gusto kong pagkalooban ng sarili ko. Si Kristof lang ang nakikita kong kasama kong nakaharap sa altar at nakikipagpalitan ng pangakong magsasama sa hirap at ginhawa. Siya lang, wala nang iba. Tinugon niya ang aking halik. Banayad at magaan na hindi gaya ng nauna naming pinagsaluhan. Hindi na rin siya nagsalita pa at mas pinaglalim ang halik na aming pinagsasaluhan. Hinawakan niya ako sa magkabilang panga at patuloy sa ginagawang paggalugad sa loob ng aking bibig. Nang matamaan niya ang aking dila’y sinipsip niya iyon dahilan para makawala ang isang mahinang ungol mula sa aking bibig. “Uhmmm. . .” Unti-unti na akong nakararamdam ng init at tila ginagapangan ng kuryente patungo sa aking pagkababaé, lalo na nang magsimulang gumalaw ang kaniyang isang kamay sa aking buong katawan. Kung dati’y hanggang holding hands at yakap lang ang ginagawa namin, ngayon ay hinayaan kong haplusin niya ang bawat korte ng aking katawan na madadaanan ng kaniyang mainit na palad. Mula sa aking labi, napunta sa aking pisngi ang kaniyang labi. Bumaba pa iyon patungo sa aking panga, gilid ng tenga, pababa sa aking leeg, at dumausdos patungo sa itaas ng aking dibdib. Napaliyad tuloy ako at napatingala dahil sa kiliti at sarap ng kaniyang ginagawa. Tila ako lalagnatin dahil sa nararamdaman kong init. Lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko nang tanggalin niya ang pagkakabuhol ng tuwalya na tanging takip ng maseselang parte ng aking katawan habang patuloy pa rin siya sa ginagawang pagdila at paghalik sa aking balat. Tuluyan niyang inalis mula sa aking katawan ang tuwalya at basta na lamang inihagis iyon sa sahig. Kitang-kita ko ang makamundong pagnanasa mula sa kaniyang mga mata nang tuluyang lumantad sa kaniyang paningin ang kabuuan kong hubad. Ngayon ay wala na akong maitatago pa. “Ang ganda mo, Mahal,” aniya habang sinusuyod niya ng tingin ang aking kabuuan. Matapos niyang magsawa sa pagtingin ay muli niya akong siniil nang mas mapusok pang halik. Parang mawawalan na ako ng hangin. Mabuti na lamang at nalipat na ang halik niya sa isa kong dibdib. Isinubo niya ang isa kong n*pple, habang ang isa naman ay nilalaro ng kaniyang daliri. “Kristof . . .” tawag ko sa pangalan niya habang ninanamnam ang masarap na pakiramdam na dulot ng kaniyang ginagawa. Hindi ako umiinom ng alak, pero pakiramdam ko ay para akong lasing dahil sa kaniyang ipinaparanas sa akin. Humawak ako sa magkabila niyang balikat para doon kumuha ng suporta. Sunod-sunod ang ungol na kumawala sa aking bibig lalo na nang salitan niya sipsipin ang tuktok ng mga dibdib ko habang pumipisil at lumalas naman ang kaniyang kamay. Ilang sandali pa’y iniwan ng kaniyang kamay ang aking dibdib. Pinagapang niya iyon patungo sa aking puson hanggang sa maabot niya ang aking pagkababaé na kanina pa basa. Napalunok ako at mariing nakagat ang aking labi. Dumoble ang bilis ng aking paghinga nang paghiwalayin niya ang mga labi ng aking pagkababàe. Hinagod ng kaniyang daliri ang aking hiwa nang ilang beses. Pababa at pataas. Ilang ulit hanggang sa makagawa ng kakaibang tunog dahil sa sobrang pagkabasa. Ang isang daliri kanina ay naging dalawa na. Habang humahagod pataas at pababa ang gitnang daliri niya, ang hinlalaki naman niya ay ipinaikot-ikot sa nakausling parte na naroon. “Uhmmm . . . Kristof!” Impit akong napasigaw nang ipasok niya sa loob ko ang isa niyang daliri. Nakaramdam ako ng sakit dahil sa ginawa niya ngunit kalaunan ay unti-unting ring napalitan ng ibayonh sarap. Kasabay ng paglalabas-masok ng kaniyang daliri sa aking p********e ay ang pagsipsip niya sa tuktok ng aking dibdib. Lasing na lasing na ako sa sarap na ipinararanas niya sa akin kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang magpakawala ng sunod-sunod na ungol. “Basang-basa ka na, Mahal,” turan niya at tila hinahabol pa ang paghinga nang tumingala siya’t iwan ang aking dibdib. “Ready ka na para sa pagpasok ko.” Ang sumunod na pangyayari ay naging mabilis. Tumayo siya habang sapo ako sa magkabilang pisngi ng puwet. Ako naman ay yumakap sa kaniyang leeg para doon kumuha ng suporta. Binuhat niya ako patungo sa kama at dahan-dahan na ipinahiga. Muli kaming naghalikan. Hindi nagtagal nang kumalas siya sa halikan namin at tumayo para tanggalin ang mga saplot sa kaniyang katawan. Napaiwas ako ng tingin nang ibinaba niya ang kaniyang brief. Muli siyang lumapit sa akin matapos matanggal ang kahuli-hulihang saplot. Pinaghiwalay niya ang aking mga hita at umibabaw sa akin, saka ipinuwesto ang sarili sa aking gitna. Sunod-sunod akong napalunok. Ramdam ko ang pagbundol ng matigas niyang ari sa b****a ng aking pagkababaé kaya pakiramdam ko ay buhol-buhol na ang pintig ng aking puso. Itinukod niya ang isang kamay sa espasyo sa aking gilid. Ang isa naman niyang kamay ay humawak sa kaniyang p*********i at iginiya iyon patungo sa aking b****a. Ikiniskis niya ang ulo ng kaniyang pagkalalakí roon at sinasadyang bundulin ang aking clitorís. Mabagal lang ang galaw na tila tinatakam at ginugutom ako para sa bagay na gusto niyang ipasok sa aking lagusan. Pakiramdam ko ay may kung ano nang lalabas mula sa loob ko dahil sa kakaibang kiliti na kaniyang ipinaparanas. “Kristof, oohhh!” Napaangat ako ng katawan at kinagat ang kaniyang balikat nang ipasok niya ang pagkalalakí sa akin. Hindi pa man tuluyang nakakapasok ang buo pero pakiramdam ko ay parang mahahati ang katawan ko dahil sa sakit. Hinawakan niya ang isa kong binti at ipinatong iyon sa kaniyang balikat. Exposed na exposed tuloy ako sa paningin niya. Ngunit sa halip na makaramdam ng hiya ay mas nangingibabaw sa akin ang pinaghalong sakit at sarap na nararamdaman ko. “Fvck!” mura niya nang muli umulos. Napadiin ang pagkakahawak niya sa binti ko. Nanginginig ang kamay niya. Ang mga mata niya’y diretsong nakatingin sa akin. Punong-puno iyon ng pagnanasa. Muli na naman siyang gumalaw at umulos. “K-Kristof . . . tanggalin mo, ma-masakit!” Tuluyan na akong napaiyak dahil sa hapdi nang isagad niya ang pagkalalak*. Tunay ngang masakit kapag first time. Tumigil siya sa paggalaw nang marinig ang hikbi ko. Malalim ang bawat niyang paghinga na tila pagod na pagod. Tagaktak na ang pawis niya na para bang tumakbo ng pagkalayo-layo. “Masakit pa ba?” tanong niya. Pinahid niya ang mga luha na nalaglag sa aking mata. Tumango ako. Siya naman ay hindi muna gumalaw. Nakayakap lang siya sa akin habang nakabaon ang mukha sa gilid ng aking leeg. “Ituloy mo na,” tugon ko nang maramdamang hindi na gano’n kasakit. Agad naman siyang tumalima. Hinalikan niya ako sa mga labi at sagad na umulos habang hawak ang isa kong binti na nakapatong sa kaniyang balikat. Pakiramdam ko tuloy ay parang may bumaon na kutsilyo sa sentro ng aking pagkababaé. Mabagal lamang noong una ang galaw niya. Ngunit nang maglaon at hindi ko na masiyadong ramdam ang sakit ay bumilis ang kaniyang pag-ulos. “Shine . . . ang sikip, Mahal!” Labas ang ugat niya sa leeg at namumula ang kaniyang mukha habang tuloy-tuloy sa mabilis na paglalabas-masok. Maging ang kama ay lumalangitngit na dahil sa bilis niya. Pakiramdam ko rin ay parang maiihi na ako. Tila may namumuong kiliti sa aking puson na hindi ko maipaliwanag. “Uhmp . . . ” Kusa nang sumabay sa pag-indayog ang aking balakang para salubungin ang kaniyang pag-ulos. “Mahal, malapit. . . malapit na ako . . .” Ilang malalakas at sunod-sunod na pag-ulos pa ang ginawa ni Kristof hanggang sa tuluyang sumabog ang pinagsama naming katas sa aking loob. Parehas kaming habol ang aming hininga nang bumagsak siya sa aking ibabaw. Sa sobrang pagod ay nakatulugan na namin ang ganitong posisyon. Ngunit ilang sandali pa’y tila binuhusan ako nang malamig na tubig nang may maalala. Gumamit ba siya ng condom?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD