FIVE

1909 Words
Kabanata 5 Hindi makapaniwala si Vel na makadarama siya ng ganito katinding ligaya sa pagtitig lamang sa gwapong mukha ni Zane. Mahimbing itong natutulog sa tabi niya. Napunong muli ng kulay ang mundo niya ng makasama itong muli. Ngayon ay mas tumindi ang pag-ibig niya rito. She will defy time and death for him. Inapakan niya ang brake nang madaan sila sa Jollibee drive thru. Bahagyang naalog ito sa kinauupuan subalit nanatili pa ring tulog. Umorder na siya at pinatakbong muli ang sasakyan. Mayamaya pa’y nagsimula na itong maggagagalaw tanda na malapit na itong magkamalay. Ilang saglit pa nga’y nagising na ito. Namumungay pa ang mga mata nito. She finds it cute. A smile escapes from her lips. Pupungas-pungas na lumingon ito sa kanya. Nilaparan niya ang pagkakangiti. Mukhang nabigla naman ito. “What am I doing here? Aaaaah…” napadaing ito ng malakas at nahilot ang batok. “Anong ginawa mo sa akin? Paano ako nakarating dito? Saan tayo pupunta?” “One question at a time, Zane mahina ang kalaban. Sa una mong tanong, tinurukan kita ng pampatulog. Sa pangalawa, nagpatulong ako sa guwardiya. And third, we’ll go in Heaven’s Paradise.” “You simply kidnapped me! I can sue you for this kasama ang kakuntsaba mong gwardya!” inis na turan nito. “Stop the car running. I’ll get out of this! Don’t try my temper!” singhal nito.  Hindi naman siya nagpatinag. Nanggagalaiting pilit nitong binuksan ang pinto ng kotse. “Try harder, Zane naka-power lock ang kotse,” she grinned. Napakasarap talagang asarin ng boyfriend niya. How she missed to call him like that again. She missed every single moment like the way before--- teasing each other, act like children and end up being a very excited teen. “Nakakapikon ka, Shivelle!” Iningusan lamang niya ito. Nagpapadyak ito sa sahig ng kotse. Tawa naman siya ng tawa samantalang ito ay nagkukulay makopa na ang mukha. Mayamaya’y inagaw nito ang manibela sa kanyang kontrol. Hindi na siya nakipag-agawan dito. Napilitan siyang itabi sa gilid ng daan ang kotse bago pa sila maaksidente. She must be careful. Ayaw na niyang maulit pa ang nakaraan. Pagkahinto ng sasakyan ay binitiwan na nito ang manibela. Binuksan naman niya ang glove compartment at kinapa roon ang posas. Dali-daling itinali niya iyon sa kamay nito. Dala marahil ng kabiglaanan ay hindi ito nakapalag upang makaiwas sa ginawa niya. “Be a good boy,” she said with a silly smile. Inalayan niya ito ng isang kindat pagkatapos. “What the--- ugh! Let me free from this handcuff crazy woman. You’re insatiable! This is violation of human rights!” “It’s a call of love.” Hindi na niya tinanggal ang nakapaskil na ngiti sa mga labi. Hindi naman ito nagsalita pa subalit alam niyang nagngingitngit ito. Tumingin ito sa bintana kahit wala naman itong matatanaw dahil napakadilim ng labas. Ilang minuto pa’y natanaw na niya ang arkong may nakaukit na Heaven’s Paradise. “Do you still remember this, MOO?” untag niya rito. Nagbaling naman ito ng pansin at sinulyapan ang arko sa itaas na sumasalubong sa lahat ng panauhing nagtutungo roon. “Nope. This is the first time I’ve been here and what did you call me? MOO?” Malungkot na hinagod niya ito ng tingin. “We spent a month here, Zane celebrating our first anniversary. And MOO… it’s our endearment. It means My Only One. Have you really forgotten everything?” Hindi na niya itinago ang pagtatampo sa tinig. Simula pa noong ipagtabuyan siya nito at itangging nobya nito ay labis ang kirot niyon sa puso niya. Minsan na niyang naranasan iyon sa mga kamag-anakan subalit hindi niya aakalaing sa pagkakataong ito ay ang sariling pinakamamahal ang magtatatatwa sa kanya. “Well, listen, Shivelle. Hindi ako si Zane. Ako si Zack, ang kakambal niya. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na iyon. I formerly knew myself as Calix. Patay na si Zane. Hindi na siya babalik. Magpakatotoo ka naman sa sarili mo.” Dumagsa ang lumbay sa puso niya sa sinabi nito. Gumawa na pala ito ng panibagong identity. Iniutos marahil iyon ng ina nito. Mukhang handa na nga talaga itong limutin siya. Nagsimula na ito ng panibagong buhay kung saan hindi na siya kabilang pa sa larawan… Sinikap pa rin niyang huwag maiyak kahit sobrang nasasaktan siya. “No, Zane, you listen to me. We’re here for you to fall in love with me again. Just let me do what I want at kung sakaling wala ka na talagang madama para sa akin, I’ll set you free.” Hindi ito tumugon. Pinagpatuloy na lamang niya ang paghihimpil ng kotse sa parking area ng tutuluyan nila. Sinusian na niya ang posas sa kamay nito. “Come, let’s go inside. Mahamog na rin sa paligid,” yakag niya rito. Sabay pa silang nagbukas ng magkabilang pinto ng sasakyan. Nagpatiuna na siya sa loob ng bahay. “This house is cozy.” Kahit papano’y napangiti siyang muli sa komento nito. Naupo ito sa sofa. Siya naman ay nagtungo sa komedor at inilipat sa plato ang mga inorder niya sa drive thru. Nang matapos siya ay nagbalik siya sa sala. Ipinatong niya ang tray sa mesita. “Umorder ako sa Jollibee kaninang tulog ka. Gabi na rin, nakakatamad nang magluto.” Tumango lamang ito. “O, tara, kain na!” Nauna na siyang sumubo.   Habang pinagmamasdan ni Calix si Shivelle na sarap na sarap kumain ay hindi niya malaman kung ano ang dapat maramdaman. May espisipikong bahagi naman ng isip niya ang tila litong-lito, para iyong tinatangay ng ipo-ipo. Nang sumipsip ito ng softdrinks sa straw ay napasunod ang mga mata niya. Sana ako na lang ang straw. Nasamid siya sa biglang nahiling. “Dahan-dahan lang kasi sa pagkain.” Inabutan siya nito ng tubig. “Thank you!” tipid na saad niya. Nababaliw na talaga siya. Ang banyagang pakiramdam na may hatid na kaiga-igayang sensasyon ay muling sumisibol sa kanyang dibdib. Tanging ang babaeng ito lamang ang nakapagdulot sa kanya ng ganoon. Ang matamis nitong ngiti ay init ang ibinibigay sa kanya. Lihim na muling sinaway niya ang sarili sa pinag-iisip. Ito raw ang may dahilan ng pagkamatay ng kakambal niya subalit hindi naman ito mukhang mamamatay tao. Baka hindi kaya ay nagkamali lang si Clarita nang sabi sa kanya sapagkat nasa mild shock pa ito? But looks can be deceiving. Isa pa rin itong estranghera sa buhay niya. Hindi niya ito lubusang kilala. Pero kung ito nga ang pumatay kay Zane ay bakit napaka-affectionate nito sa kanya sa pag-aakalang siya ang nobyo nito? Baka naman nagsisisi ito sa pagpanaw ni Zane kaya bumabawi? Ang daming gumugulo sa isipan niya. Ngayon pa nga’y ‘kinidnap’ siya nito kaya mas lalong nabulabog ang sistema niya. Pero may kapanatagan siyang kasama ito. Wala siyang eksplanasyon kung bakit. Basta alam niyang wala itong balak na masama sa kanya. Nais lamang talaga siguro nitong makasama siya dahil kawangis na kawangis niya ang kakambal. Dumaan ang palad nito sa harap ng mukha niya. Bahagya pa siyang naduling. “Ang lalim ng iniisip mo. Bilisan mo na dahil may ipapakita ako sa’yo,” excited na imporma nito. Binilisan na nga niyang tapusin ang pagkain. Matapos nilang mag-imis ay saglit na nawala ito at pagbalik ay madala na itong libro. Naupo ito sa tabi niya. It felt nice to be near her. Nakapaskil na naman ang matamis nitong ngiti. Binuklat nito ang pahina nang inakala niyang libro. Photo album pala iyon. May tatlo pang photo album na nakapatong sa mesita. Inisa-isa nito sa kanya ang mga larawan. Sinabi nito kung saan iyon kinuhaan at kung ano ang ginagawa ng mga ito roon. Inilipat pa nito ang mga pahina hanggang sa marating nila ang huling pahina. Namumula ang mukhang sumulyap ito sa kanya. Bigla itong nahiya at naumid ang dila. Samantalang siya ay may kung anong nakakapang ano sa damdamin. Selos ba iyon? Do you have any right? Nanliit ang tingin niya sa sarili. Bakit nga ba siya hindi pa lumayo rito? Muli niyang pinasadahan ng tingin ang huling larawan. Naroon si Vel katabi si Zane na natatakluban ng kumot ang hanggang dibdib. Ayaw na niyang isipin kung ano ang ginawa ng mga ito roon. Masakit kasing isipan pa. Everything turns quietly abnormal. Kailangan na niya sigurong magpatingin sa doktor. To a psychiatrist, perhaps. Itinabi na nito ang unang photo album at kinuha naman ang isa pa. Muli nitong binuklat at inisa –isa sa kanya. All of a sudden, he got bored, he got tired. He wants to escape right away from this beautiful mess. Nais man niyang isipin na siya ang lalaki sa larawan na kasama nito’y hindi niya magawa dahil hindi naman talaga siya iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya’y nais niyang magmukmok para sa isang babae. Mayamaya pa’y ang isa namang photo album ang kinuha nito at ang isa pa hanggang sa maubos nilang tingnan lahat ng mga larawan. Sumisikdo ang kalooban niya. Naroroon ang ibayong paninibugho na kahit kailanma’y hindi niya aakalaing madadama niya. Naghikab ito pagkakuwan at sumandal sa kanyang dibdib. Ipinaikot nito ang braso sa baywang niya. It destroys all the envies he felt. Subalit kailangan na niyang tumigil sa kahibangang iyon. Tumayo siya at kumalas dito. He needs to say goodbye for they’ll both get hurt at the end if he not does it so. Tumayo rin ito. Ngiting-ngiti sa kanya. Hinila siya nito sa mga kamay. Para naman siyang de-dos na pako na madaling namagneto ng isang dambuhalang bato-balani. His attraction for her was so intense he ignored all what he had planned. He desires to be with her forever. Hindi na niya namalayang nasa kuwarto na sila kung hindi niya lang nadama ang paglundo ng kutson. Her shoulders wrapped around his nape. It was refreshing. By staring on her eyes, he thought of doing stargazing in the sky. It was amazing. The feeling was really wonderful. “Tulog na tayo!” basag nito sa katahimikan ng kanyang pagpapantasya. Hindi siya tumugon dito. Wala rin siyang ginawang aksyon. Kung iba sana ang sinabi nito, like what he was thinking a while ago, ay baka may ginawa pa siya. “Shy?” pilyang ngumiti ito at hinagkan siya sa pisngi. Kulang na kulang iyon. Bitin na bitin. “Kung ayaw mong humiga we’ll sleep with this position.” anito at humilig sa kanyang dibdib. Natakot siyang bigla na baka marinig nito ang eratikong pagtambol ng puso niya. He felt relieved when she commented nothing. Her hand down on his back, caress it for a few minutes and stop. She was asleep. Musika sa kanyang pandinig ang payapa nitong paghinga. Inihiga niya ito sa kama. Ang pagdantay ng balat nito’y nagdulot ng pagdagsa ng bolta-boltaheng sensayong nagpatikim sa kanya kung paano madama ang kiliting pumapaimbulong sa kanyang gulugod. Ayaw man niya’y may binubuhay ang marikit na dilag na ito sa kanyang sistema. At patuloy iyon sa pag-usbong sa pinakamabilis na paraan. Hindi niya makayang patayin o sadyang hindi niya nais patayin ang damdaming iyon. Lumabas na siya ng silid na iyon at doon namaluktot sa sofa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD