SIX

2238 Words
Kabanata 6 Disoriented pa si Calix buhat sa pagtulog. Madaling araw na siya dinalaw ng antok kaya ang mga mata niyang hindi pa kontento sa pag-idlip ay namimigat pa. Ang akala niya’y karugtong pa rin ng kanyang panaginip ang mga sumusunod na nagaganap. May mainit na dumadampi sa kanyang mukha. Ang init na iyon ay naghahatid ng laksa-laksang nag-aalab na sensayon. Ang banyagang damdaming bumabalot sa kanya ay unti-unti nang nagiging pamilyar sa kanyang sistema. Wala na siyang makapang pag-aalinlangan sa dibdib. Bukal na bukal sa kanyang loob ang bawat pangyayari. Fires are running through his veins until his lips met those blazing flames caressing him. His soul was in burning passion. He’s experiencing wonderful forest fire inside him. He returned that feeling satisfying him with equal tenderness like the morning sun. He heard silent gasps; he didn’t know if that were coming from him. But one thing he knew, it was pretty sounding in his ears. Fire starts moving all over his body. Now it was intertwined with electrifying thunder volts. He felt his manhood in extreme arousal; his wild flesh under his jeans is seeking for a wider space. Doon siya napamulat ng mga mata. Napagtanto niyang ang kaganapan ay literal niyang nadadama. Mulagat na napatitig siya kay Vel. She was very beautiful and it amazed him by knowing that this lady in front of him gave that heaven’s like happiness. Ah, he doesn’t have to wonder. “‘Morning! Breakfast was served, MOO. Bakit diyan ka natulog? Ikaw talaga.” tinapik nito ang balikat niya’t dinampian ng halik ang noo niya. “Come on, huwag nating paghintayin ang pagkain. Tanghali na kaya. Pasensya ka na kung nagulo ko ang gabi mo.” napahagikgik ito. “Fix yourself. I’ll wait you in the dining.” tumalikod na ito sa kanya matapos mag-iwan ng napakatamis na halik. Patayo na siya sa sofa ng muli itong lumingon. Nakakabit pa rin ang matamis nitong ngiti na mas lalo yatang tumamis pa. “I’ll tour you around later. You’ll enjoy it for sure.” “Alright” matipid na pagsang-ayon niya ngunit kaakibat niyon ang labis na galak at pananabik. She smiled once again then walks along the kitchen. Nagtungo naman siya sa banyo at lumabas na rin patungong komedor matapos maghilamos. Kakaiba ang aura niya ngayong umaga. He felt blithe.   Maganda ang kabuuan ng Heaven’s Paradise. Walang tulak-kabigin sa bawat bahagi niyon. Every piece was breathtaking. Calix enjoyed the tour and with Vel in his side he was really fulfilled. Her company was awesome, no one would ask for more. She was very humorous and her words are very comical. It warms his heart hearing her crunchy laughs. Kapag nagsalo ang kanilang mga tawa’y mas maganda iyon sa kanyang pandinig. Kumbaga sa mga singer ay may blending sila. Maybe they’re bound to be together. Wala naman sigurong masama kung hahayaan muna niya ang sariling lumigaya sa piling ng mahal. He stops denying. Para saan pa? Kailanman ay hindi niya nagawang talikuran ang katotohanan. He faced the truth every now and then. Subalit sa kaso niya ngayon, he needs to deceived his self to stop being indenial about the fact that he already loved Vel, the only woman who could make him show his throat while laughing. Maybe it was exaggeration but it’s true. There’s no word can describe what he felt. It was more than perfect! “Malayo pa ba?” angal ni Vel. Nakapiring ito habang inaalalayan niya. May sorpresa siya para rito. He didn’t know that he was capable of being a corny-romantic person. “Ang tagal naman!” inis nang turan nito. “Kanina pa tayo naglalakad, MOO. Pagod na pagod na ako.” angal nitong muli. “Bubuhatin na lang kita.” suhestiyon niya. Bago pa ito makapagprotesta ay inakay na niya ito. Napatili ito ng napakatinis. Nagpapasagpasag pa ito sa simula subalit tumigil din. Napakasarap talaga nitong ikulong sa mga bisig niya. Siya na yata ang pinakamasuwerteng lalaki sa lahat nang ginawa ng Panginoon. Ilang saglit pa’y dumating na sila sa daungan ng mga bangkang istilong gansa. Isinakay niya ito roon habang nakapiring pa rin ang mga mata. Napayakap ito ng mahigpit sa kanya nang magsimulang umusad ang sinasakyan nila. “Where are we, MOO?  Are we still far?” mayamaya’y untag nito sa kanya. “Don’t be scared, MOO. We are close. Just a minute.”  Ilang saglit pa nga ay narating na nila ang pavilion na nakalutang sa ilog. Mukha iyong espasyo sa isang kastilyo. Bawat sulok ay sumisigaw ng pag-ibig. Bawat bagay roon ay simbolo ng pagmamahal. Humahalimuyak ang mabangong samyo ng rosas sa buong paligid. Sa kabilang dako ng pavilion ay naroon ang isang maliit na orchestra na nakasakay sa isang maliit na barko habang tumutugtog.  Pagkatanggal niya ng takip sa mata nito’y nakita agad niya ang ligayang bumakas sa mukha nito. Yumakap ito sa kanya. Pinatataba nito ang puso niya sa pamamagitan ng ngiti nito. “I love you, MOO!” wika nito at hinagkan siya. “I love you, too, MOO.” aniya matapos maghinang ng kanilang mga labi. Iginiya niya ito sa mesa at pinaghila ng upuan. Pumuwesto na rin siya sa katapat nitong upuan nang makaupo na ito. “You’ve surprised me well.” “I owe you this. Thanks for the heart-warming tour, MOO.” “Kinikilig ako!” bulalas nito na agad na pinamulahan ng pisngi. He, too have blushed. They stare to each other. Naistorbo lamang sila ng lumapit ang waiter at ilapag ang mga pagkain sa mesa. Muli silang nagkatinginan. They both smiled and enjoyed the day.   Bihis na bihis si Calix. Hindi niya aakalaing poporma siya ng ganoon. Nakahip-hop siya subalit ang sabi ni Vel ay mas mukha raw siyang rapper. He was not offended, natawa pa nga siya sa sarili. May tendency pala siyang maging jologs na sobrang baduy. Mukha raw siyang geek noon anito pero ngayon ay papasa na raw siyang gangster. May pupuntahan sila kaya ganoon ang ayos niya. Hinihintay na lamang niya itong matapos magbihis. Lumabas na rin ito sa silid makailang sandali pa. Hindi niya magawang huwag itong ukulan ng pansin. Napakaganda nito. Mas lalo pa itong gumaganda sa kanyang paningin sa bawat nagdadaang mga araw. She was bliss personified. Nakatutuwang isipin na siya ang dahilan kung bakit ganoon ang disposisyon nito. Dahil kay Zane. Pagtatama ng isang bahagi ng isip niya. Hindi na lamang siya nakipagargumento pa. “Am I look good?” tanong nito at umikot upang mabistahan niya ang kabuuan nito. “Your stunning! You look very expensive,” he complimented.  Napangiti siya nang ngumiti ito. “Hindi yata tayo bagay. You’re wearing a beautiful dress while look at me, I’m on with a hip-hopper-c*m-rapper-c*m-jologs-c*m-gangster-outfit.” sukat tumawa ito ng malakas. “No, MOO, we fit together perfectly. Trust me. C’mon let’s go!” yakag nito sabay hila sa kanya palabas ng apartment house. Hindi niya alam kung saan na naman sila pupunta. Kaninang umaga ay nasa riding club sila, naglaro sila ng polo, nag-date sa yate, naglakad sa parke at nag-swimming sa beach. Gaano man siya ka-exhausted ay nare-recharged siya kapag nakikita niya itong masaya sa piling niya. Basta ang sabi nito sa kanya kanina’y sasayaw sila. Hindi naman siya tumanggi. Modesty aside, he was a good dancer but if Vel wants him to dance hip-hop he wouldn’t because he couldn’t. Sa folkdances at ballrooms lang ang forte niya. May ilan din siyang gamay na sayaw na modern subalit iilan lamang talaga. Naglakad lamang sila patungo sa pupuntahan nila. Malapit lamang daw iyon. Nang makarating sila sa pangatlong kanto ng kalsada’y huminto ito sa brick wall. Namangha siya ng itulak nito iyon at bumungad sa kanila ang malamlam na ilaw mula sa mga disco lights. Madilim sa paligid maliban sa natutukan ng spot light sa ibabaw ng entablado. “Hey, MOO, relax. They won’t bite you. People here are harmless.” natatawang pahayag nito. Hinatak siya nito palapit sa isang bakanteng lamesa. Dance club daw iyon. Hindi naman masyadong daring ang mga tao doon. May mga naka-angel gown pa. May mukhang cartoons at mukhang napagtripan. May matatanda rin doon at mga batang kasama ang mga magulang. Mukhang may costume party lang sapagkat lahat ng tao ay naka-costume. “Is this a costume party?” hindi niya napigilang itanong bunsod ng kuryosidad nang may makita pa siyang matandang nasa mid-eighties na nakasuot ng Cinderella gown. “Slight but it’s not. I told you it’s a dance club. We’ve been here few times ago, MOO. Nakapagtataka ka na talaga. May amnesia ka ba o ano?” biglang may bumundol na kaba sa kanyand dibdib subalit mablis din iyong nawaksi ng ngumiti ito. “Well, kahit ano pa iyon, I want you to fall in love to me again and this is the night.” sa pakiwari niya ay napalitan ang ngiti nito. It was meaningful, so mysterious but he like the way she smiled. Sa palagay niya’y iyon na ang magiging pinakapaborito niyang ngiti sa lahat ng ngiti nito. “Let’s take some food first, MOO. I’m starved.” tumayo ito at naglakad patungo sa buffet ng mga pagkain. Sinundan niya ito roon. “Is that for free?” pukaw niya rito nang makitang ang dami nitong inilagay na pagkain sa plato nito, should say, bandehado sapagkat napakalaki niyon. Kasinlaki ng bilao. “Nope but I already paid for it. We can eat all we can. So, eat up as much as you can sayang ang bayad.” dinagdagan pa nito ang mga pagkain sa bandehado nito.  Punong–puno na iyon ng tumigil ito sa pag-iimbak ng pagkain sa lalagyan nito. Hindi na siya kumuha ng para sa kanya nang makita niyang nakaismid na ang nagbabantay sa buffet table. “Mukhang sinulit mo.” aniya ng makabalik na sila sa inookupang mesa. “I become thinner these past few years in mourning for you but now that you’re miraculously alive I need to gain pounds. Mukha na akong ting-ting baka maghanap ka ng iba.” “Why would I do that? No one live in this world as wonderful as you. You were everything, Vel. My everything. My only one…” he was staring at her. His voice was in tender passion. “Asus, ang corny-corny mo na ngayon. Bakit hindi ka kumuha ng sa’yo? Bawal maki-share kulang ito sa akin.” “Mukhang inis na iyong bantay sa buffet, eh. Hindi rin naman ako gutom. Kapag nabusog ka diyan busog na rin ako.” “Ang sweet talaga ng boyfriend ko. ‘Love you!” hinagkan siya nito sa pisngi. Hindi naman siya naasiwa sa public display of affection. He was proud that Vel was with him. “Kain na! Maki-share ka na rito ang gwapo mo, eh. Ang gwapo-gwapo talaga ng boyfriend ko.” anito at kinurot pa ang magkabilang pisngi niya.    Katulad nga ng inaasahan niya’y hindi nito mauubos ang pagkain kahit nagtulungan pa sila sa paglantak doon. One-fourth pa ang natira. Babalikan na lamang daw nila iyon mamaya. Magtutunaw daw muna sila ng kinain. Dinala siya nito sa gitna ng bulwagan nang makapagpahinga sila. Napakalayo ng pagitan nila sa isa’t-isa. Nagtatakang tumingin ito sa kanya. Unti-unti itong humakbang palapit sa kanya. Hindi niya magawang umatras. Her movement was seduction itself. And he can’t resist but to succumb. “Scared, Zane?” napalunok siya. Bakit tila nagbago ang image nito mula sa pagiging wholesome ay naging daring? Hinaplos nito ang kanyang pisngi. The warmth in her palm makes him turn into spasms. “Oh, Zane…” Pinigil niya ang palad nito. “Please, don’t call me Zane. Just call me MOO. You’re my only one, Vel and I’m definitely yours.” hinagkan niya ang likod ng palad nito. Ang akala niya’y sweet music ang sunod na isasalang ng deejay subalit maharot na musika ang narinig niyang lumukob sa katahimikan ng dance floor. Mukhang balewala lamang iyon kay Vel. Nagsimula itong umindayog. Ang balakang nito’y nanghahalinang makigaya siya sa galaw nito. So, he danced. Malaya silang nakisabay sa tugtuging ngayon palamang niya nadinig. “We gotta get out of here, MOO.” bulong nito sa kanya pagkakuwan habang nakapangunyapit sa kanyang batok. Ang mainit na hininga nito’y dumadampi sa kanyang pisngi. Hindi na siya nagpapilit pa. Nagpatianod siya sa bugso ng damdamin. Lumabas sila ng dance club at pumara ng isang cab na eksklusibo lamang sa vicinity ng Heaven’s Paradise. Parang biglang lumipad ang takbo ng oras at sa isang kisap-mata’y narating nila ang apartment house. Sabay nilang binuksan ang pinto. Sa iisang silid doon ang naging destinasyon ng kanilang mga paa. Parang sa pugon sila pumasok. Napakaalinsangan sa loob. Tila sinilaban sila sa matinding init na lumalamon sa kanilang buong katawan. Hahayaan niya ang sarili ngayong gabi. This is his night. Their night. Bahala na… Bahala na…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD