Kabanata 7
Hindi maipaliwanag ni Vel ang antisipasyong nadarama sa puso. Magkahinang ang kanilang labi ni Zane subalit bakit tila kakaiba ngayon ang mga labi ng binata. She never had been excited like this in her whole life, as if she was a glutton hungrily sucking his lips. She was so eager to be conquered. It was a foreign feeling though but it felt so pure bliss. Mas mataas ngayon ang intensidad na nadarama niyang pagkayanig ng laman. Tila may kakaibang dulot ito sa kanya, tila may bagong sibol sa dibdib niya. It was ironic because she feels like it was her first time to be kiss by this man as a lover.
His lips continue brushing along her. His kiss was cosmic. She felt like floating in outer space. Hindi niya nadama ang ganoong sensasyong dulot ng halik nito noon. Ngayon lamang.
“Zane…” usal niya sa pagitan ng kanilang mga labi upang siguruhin kung ang nobyo nga ba talaga ang nagbibigay sa kanya ng ganoong kaiga-igayang saya.
“Just call me MOO, MOO… Vel, MOO.” Tila exasperated na wika nito. She ignores it because he claimed her mouth once again. She becomes permissive. She let his tounge play with her, tease with her. He tastes her and she does the same. It was sweeter than candies, more addictive than drugs. She wants more of it.
Tila nabasa nito ang nasa isip niya. His kiss moved deeper inside her mouth. His lips are very hypnotizing. She was mesmerized by that tender-hard kiss. It was French, it was torrid. It was the combination of the two and it was lovely.
He does multi-tasking. He was ambidextrous. His hands start roaming every part of her body. She couldn’t help but moan and call out his name when he started to bless her breast. His palm was like velvet into her skin. Vel was delighted. Now, she thought, it was her turn. So, she mimicked how his hands put fire in her. His kiss turns softly. The magnitude of the desires was still the same. Sa pamamagitan niyon ay nakasagap sila ng hangin para sa malapit ng ma-suffocate na mga baga nila. Afterwards, he starts to attack again with his inflamed passion.
Ang nag-aapoy nilang damdami’y tila mas lalong nangalit nang madama ng kanilang sari-sariling mga balat ang pagdaigti niyon sa balat ng minamahal. Hindi na niya matandaan kung paano nito nagawang tanggalin ang kanilang mga saplot. Ah, ano pa bang pakialam niya? Ang mahalaga’y magkalapat ang mga hubad nilang katawan.
Patuloy lamang ito sa paghalik sa kanya hanggang sa unti-unti nitong tikman ang tagong mga parte ng kanyang katawan. She couldn’t help but to scream in pleasures. Muli niyang natawag ang pangalan nito.
“MOO, Vel… MOO.” Muli ay paalala nito sa kanya na para bang hindi ang pangalan nito ang binigkas niya. Ano bang iniisip niya? She erased all her worries. Si Zane ito at wala ng iba pa. “I love you, Vel…I love you…” anas nito nang muling dumapo ang labi nito sa likod ng kanyang tainga. Hindi na siya nakaramdam ng hiyang mapansin nito ang pananayo ng kanyang balahibo sa batok. Muli ay dinampian nito ng halik ang kanyang leeg.
Idinikit niya ang kamay sa dibdib nito upang damhin ang t***k ng puso nito ngunit iba ang nakapa niya roon. His grown hair. Hindi niya alam na may ganoon si Zane. Ang alam niya ay hindi ito balbon. Subalit natuwa pa rin siya at pinaglaruan iyon ng mga daliri. Narinig niyang impit itong napahiyaw. “Be gentle, MOO. Masakit.” She laughs. He laughs, too. Angmga tawa nila’y may kakaibang dulot ding sensasyon.
“I love your hair here, MOO” muli siyang bumunot roon. Aliw na aliw.
“That’s yours forever.” Their eyes locked. His gaze froze her burning body. Punong-puno ng pagmamahal ang mga matang iyon. nasasalamin niya ang matinding pag-aasam, tila humihingi ito ng permiso. She nodded quickly.
Hinaplos nito ang kanyang pisngi at kinintalan ng magaang na halik ang kanyang labi. He made his first thrust. He stares at her. Bumakas ang pagkatuliro at pagkamangha sa mukha nito. She closed her eyes as the answer, she waits in agitation.
“I want to love you now, MOO”
“Then love me now.”
Hindi na nito pinaghintay pa ang kanilang mga sarili. Muli’y pinaghugpong nito ang kanilang mga labi. Masuyong nagsimula itong muli. Naipit lahat ng nais na kumawalang ungol sa kanilang mga labi ng ibaon nito ang sariling laman sa kanyang sariling laman. She feels the pain at first but everything gradually changed into wonderful feeling. He swayed gracefully, noong una ay hindi siya makasabay sa ritmo nito ngunit hindi kalauna’y naging parang iisa na lamang sila. She feels that she was like wearing him.
They both feel like riding in the cloud nine, reaching seventh heaven. It was breathtaking, it was sublime, it was treasurable that they will cherish in everymoment of their life. They’re smug.
Pinahid nito ang mga butil-butil na likido na tanda ng kakaibang init na pinagsaluhan nila kani-kanina lamang. Hinalikan naman niya ang tungki ng ilong nito at niyakap ito ng ubod ng higpit. Doon na siya inagaw ng antok.
She was blooming. Ganoon pala ang pakiramdam ng sinasabing bulaklak na nadiligan. Napahagikgik siya. Nang kapain niya ang katabi ay walang tao roon. Agad na nabura ang ngiti sa mga labi niya, pumanhik ang kaba sa dibdib niya. Tumayo siya’t nagbihis. Hinanap niya si Zane, tawag siya ng tawg dito. Wala ito sa banyo, sa komedor, sa salas, sa hardin, sa beranda. Lumabas na siya ng bahay. Wala roon ang kanyang sasakyan. Nagsimula na siyang matakot.
Hindi maaring isang panaginip lang ang lahat. Napakaimposible sapagkat damang-dama niya ang pagbabago ng katawan. She even saw the red stain on the comforter.Hindi kaya’y umalis na ito at iniwan siya? Hindi pupwede. Hindi magagawa ni Zane ang bagay na iyon sa kanya. Pero nasaan ito?
Tumawag siya sa guwardiya na nagbabantay sa entrada ng Heaven’s Paradise. Lumabas nga raw doon ang sasakyan niya. Napahagulgol na siya. Sana’y panaginip na lamang pala ang lahat ng iyon at hindi na siya nagising kahit kailanman sapagkat isang bangungot din pala ang magigisingan niya.
Baka naman may pinuntahan lamang ito o ginawa o baka may binili. Baka nagkaroon ng problema o hindi kaya’y may emergency at hindi na nito nagawang gisingin pa siya sa labis na pagmamadali. O baka, baka, hindi niya alam! Ano man ang gawin niyang pagpapakalma sa sarili’y hindi niya makaya. Iba ang kutob niya.
“Zane!” sa nanlalabong mata’y sigaw niya, hilam na ang mata niya sa luha. Pauli-ulit siyang sumigaw hanggang sa halos mapaos na siya. Tigib sa luha ang kanyang mga mata kaya nanlalabo na iyon. Hindi na niya napansin ang paghimpil ng isang sasakyan sa gate. Someone calls her. Napalingon siya roon.
Walang madamang pagsisisi ang budhi ni Calix. He loves what he and Vel shared together. She was like a precious crystal, very fragile. Sa totoo lang ay takot na takot siya kanina, pakiramdam niya’y anumang oras ay mababasag ito. Wala pa naman siyang anumang alam sa bagay na ganoon. He was indeed a first timer, too like she was.
Sinulyapan niya ang oras sa grandfather clock, it was close to nine. Inayos niya ang pagkakakumot ni Vel. Mabilis siyang nagbihis at lumabas. Sumakay siya sa kotse, umikot siya sa mga tindahang bukas ngunit wala roon ang hinahanap niya. Lumabas na lamang siya ng Heaven’s Paradise. He was consumed by excitement. Handang-handa niyang panagutan ang namagitan sa kanila ni Vel.
Nang makarating sa pinakamalapit na jewelry shop ay agad siyang umibis ng kotse. Nakita niyang papauwi na ang mga staff kaya nagmadali siyang lumapit sa mga ito.
“Sorry, sir but we’re already closed.” Anang isang babae.
“I’m going to buy the most expensive ring you had here, miss,” saglit lamang na bumadya ang pag-aalinlangan sa mukha nito. Lumingon ito sa mga kasamahan na pawang nasa anyo ang pagsang-ayon. Mabilis nitong inilabas ang isang singsing roon na nakahiwalay ang lalagyan kaysa sa iba. An elegant diamond ring! Malaki ang bato niyon at napakaganda ng pagkakatabas. It will surely fit to Vel’s finger. Hindi na siya nagdalawang salita at binili na iyon.
He headed back to the car picturing in his mind what would be Vel reaction when she saw his gift. She would be probably surprised. That was absolute. Pinagmasdan niyang muli ang singsing sa kahita. Are you sure? Vel called out Zane’s name to your so-called love making with her. Biglang sumulpot iyon sa kanyang isipan.
Mariin niyang naisara ang lalagyan ng singsing, nakamas niya iyon na nagdulot upang halos madurog iyon sa higpit ng pagkakakuyom niya. Isinuksok niya sa ignition hole ang susi at pinasibad ng ubod ng bilis ang sasakayan. Umiiyak ang gulong niyon sa karipas ng pagpapatakbo niya.
Walang tiyak na patutunguhan ang tumatakbong sasakyan na minamaniobra niya. Paano niya magagawang takasan ang katotohanan? Kung maaari lamang sanang pakialaman niya ang memorya ni Vel at tanggalin lahat ng alaala roon ni Zane ay ginawa na niya. Ah, selfishness.
Nang matapat siya sa isang bar ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa’t ipinarada sa harap niyon ang kotse. Nagtuloy siya sa loob at naupo sa bar stool roon kaharap ng bar tender. Umorder agad siya ng maiinom.
Cheers! Hiyaw niya sa isip. My first time to taste cerveza because two dead people have defeated me. Fate was very cruel. I lost my self because I found out that I’m not a real son, and the real son was buried six feet under the ground! He took away my identity. Oh, no, no, I’m the one who stole what he had own. He just claimed it back. Very ironic, siya itong nagnakaw, siya itong nawalan. Tinungga niya ang laman ng isang bote hanggang sa masaid iyon.
And the woman I love…He thinks about Vel, her beautiful Vel, his only one. Someone owns her and that someone was rotting with his skeleton and flesh. But what could I do? Zane owns my beloved Vel’s heart. What if I die, could I fight them? Could I defeat them? Uminom muli siya ng alak. Walang pakundangang sunod-sunod ang ginawa niyang pag-ubos sa bawat laman ng bote na para bang tubig lang iyon. Hindi na niya mabilang kung gaano karaming bottled beer ang natigang na niya.
I was lost. I shouldn’t have made a decision in a snap. Mama Clara was right; I should have asked her first before putting my feet on the situation. I won’t be here if I listen to her. Kamusta na kaya ito? I forgot to call her lately. I become busy with MOO. I need to call her.
Kinapa nga niya ang cellphone sa bulsa subalit dumulas iyon sa kanyang palad at nalaglag sa sahig. Hindi na niya iyon pinagkaabalahang pulutin pa. His vision got blurred. He was tipsy. Si Vel na lamang ang sumasakop sa isip niya.
I have to see he. I need to face the truth. We need to talk. I love her and I can’t let her go. Patuloy siyang nag-monolog sa isip hanggang sa lapitan na siya ng isang waiter doon. Pinatitigil na siya nitong uminom. Agad siyang nagalit at sininghalan ito. Tinabig niya ito palayo, napasama ang ilang bote dahilan upang mabasa ang waiter. Tumayo siya ngunit natigil at natutop ang bibig. Nasukahan niya ito. Isinandal siya ng iba pang waiter sa upuan subalit itinaboy niya ang mga ito. Inilabas niya lahat ng salapi sa bulsa at ibinagsak iyon sa mesa. Muli siyang pinigilan ng mga itong lumabas. Nagmatigas siya sa mga ito at susuray-suray na lumabas sa bar. Wala na siya sa sarili. Alak na lamang ang kumokontrol sa kanya.
Oh, Vel, MOO…Please doesn’t leave me. I’m coming…Pumasok siya sa kotse. Pinagrebolusyon niya ang sasakyan at pinaratsada iyon ng ubos ng tulin. Animo’y nakikipagkarera siya. Para siyang nasa championship ng isang car racing tournament at ang kalaban niya ay mga patay. Hanggang sa makarating siya sa pakurbang daan ay ganoon ang pagpapatakbo niya. Hindi niya napansin ang papasalubong na Van. Malakas na nagbusina ito. Hindi na niya naagapang tapakan ang preno subalit nakaiwas pa rin siya sa makakabunggong sasakyan. Pero wala na siyang kontrol sa sariling kotse, nagtuloy-tuloy iyon sa pagsadsad sa sementadong kalsada. Nagpagulong-gulong roon ng ilang ulit. Sa palagay niya ay bumaliktad ang daigdig. Para siyang trumpong pinaikot bago pinanawan ng malay.
Kulang ang salitang pagkagimbal at panlulumo upang ilarawang diwa ang nadarama ni Vel. Napasugod siya sa ospital sa oras na natapos ilahad ng pulis na nagtungo sa apartment house niya ang nangyaring pagkabunggo sa sasakyan niyang si Zane ang nagmamaneho. Her heart pounding in her ears but she could hardly feel her breathing. Nadama na rin niya ang kaparehong paninikip ng dibdib na iyon. It’s a de javu. Ayaw na niyang pagkaisipin pa ang malinaw pa ring imahe ni Zane habang nasa deathbed nito. It makes her shuddered.
Mas nagpapalala pa sa nadarama niya ang ginagawa ng ina nito. Tita Clarita doesn’t want her to see Zane. Subalit hindi siya susuko, maghihintay pa rin siya sa lobby ng ospital. Nasa recovery room na raw si Zane. Iyon lamang ang alam niya. Subalit hindi siya papayag na umalis na iyon lamang ang alam sa kalagayan ng nobyo. Napatayo siya ng dumating roon si Clarita.
“Who do you think you are to take my son’s life once again?! Hindi pa ba sapat sa’yo ang pagkawala ni Zane? My son loves you more than his life pero wala kang naitulong sa kanya. Huwag mo nang idamay si Zack. Leave us alone!” bungad sa kanya ni Clarita. Naglalabasan ang litid nito sa leeg, nawala ang sopistikasyon sa pigura nito.
“Tita Clarita, I’m so sorry…hindi ko gusto ang nangyari noon. You know how much I love your son. Pareho lang tayong nagluksa nang iwan niya tayo. I love Zane the way he loves me. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Please, tita let me stay, let me see him even just for a while.” Halo-halong emosyon ang pumanaog sa dibdib niya. She was begging her.
“You listen, Vel! He’s not Zane, he’s Zack! He’s my other son, Zane twin brother. Nakikiusap din ako sa’yong lubayan mo ang anak ko. Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya? Maaari siyang mabalda dahil sa kagagawan mo! You let him drove while drunk, o baka sinadya mo talaga siyang lasingin at pinagmaneho mo siya ng sasakyan!” akusa nito. She could see in her eyes that she could kill her mercilessly right in the moment!
But she continued pleasing her. “I don’t understand Tita Clarita. And, oh, I didn’t let him to do that. I can’t do that to him. God, I’m sorry! I didn’t know.”
“Stop acting, Vel! I know you have an innate talent about faking your emotions. Ano ba ang hinahabol mo kay Zack? Wala siyang kaugnayan sa’yo, so let him stay away from you. You’re so disastrous!” isang sampal pa ang nagawa nitong pakawalan sa kanya matapos ang masakit na akusa nito sa kanya. Napasadsad siya sa tiles na sahig.
Namanhid ang kanyang pisngi sa lakas ng lagapak ng palad nito. “I really don’t get it, Tita Clarita. Who’s Zack? I don’t know him. Please, Zane needs me right now in his side. He might be looking for me. I should be there.” pilit na tumayo siya’t sapilitang hiningi sa attendant ang numero ng private suite ni Zane. Wala namang maibigay sa kanya ang babae. Natutuliro ito. Napalingon siya ng bahaw na tumawa sa likuran niya si Clarita.
“Funny, Vel.” Anito at pagkatapos ay pinatawag ang mga guwardiya ng ospital. “Throw her out of the hospital. Nanggugulo lamang iyan dito.” Utos nito. Tumalima naman agad ang dalawang lalaki. Hindi siya makapalag sa mga ito dahil sadyang malalakas ang mga ito samantalang siya’y kanina pa nauubusan ng enerhiya.
“Zane is already gone and you kill him. You dumb murderer doctor! Don’t ever dare to come close to my Zack and I swear you’ll never like what I’ll do to you!” Isang matalim na tingin ang huling itinapon sa kanya ni Clarita bago tuluyang tumalikod sa kanya.
Hindi siya makapaniwalang pinangatawanan talaga nito ang pagbibigay ng bagong katauhan kay Zane. Ni hindi man lamang nito isinaalang-alang ang magiging damdamin niya, ayaw pa nitong makita man lamang niya ang anak nito. Labis ang pagkabagabag ng kanyang kalooban ng lisanin niya ang ospital.