EIGHT

2632 Words
Kabanata 8 Nang marinig ang pagtunog ng telepono ay agad iyong sinagot ni Vel. “Hello?” si Trixie sa kabilang linya. Nagkusa na itong magtungo sa ospital upang alamin ang kalagayan ni Zane sapagkat labis na siyang hindi mapalagay. She was also in shocked; to say the least when she found out that Zane was still alive. Nasa bahay siya nito ngayon sapagkat magpapatulong sana siyang mabisita si Zane dahil humiling na si Tita Clarita sa husgado na huwag siyang palapitin kay Zane. Tatlong buwan na siyang hindi nadadalaw ng ospital. “W-what h-happen-ned?” she said stammering. “He was drunk that day he was bumped ayon sa imbestigasyon ng mga pulis but he’s fine. He is in the state of recovering. Hindi naman grabe ang naging pinsala niya.” Balita nito sa kanya. She sighed in relief.  Nabunot na rin ang isang tinik sa libong nakabaon sa lalamunan niya. “Thank goodness!” bulalas niya. “When I can visit him?” she was trembling again, dagdag pa ang kanina pa niyang nadaramang pananakit ng ulo. She embraced the throw pillow. Malalim na napabuntong-hininga ito bago sumagot. “Walang kasiguraduhan na makakabisita ka sa kanya.” Napahagulgol siya sa palad. “I feel like dying for the second time, Trixie. I don’t know what to do. This is my entire fault! I should have known that he left. Kaming dalawa lang ang magkasama. I can’t forgive myself anymore if something bad happened tohim. I was really dumb!” pinagsasabunutan niya ang buhok sa labis na galit sa sarili. “Vel, what are you doing? Stop, everything will be alright.” Hindi na umabot pa sa kanyang tainga ang sinabi ni Trixie, nabitiwan na niya ang awditibo. Biglang nanakit ang ulo niya. Napakasakit. Nahilot niya ang sentido sa labis na pagkirot niyon. Pilit siyang tumayo at naglakad. I need medicine, any medicine for headache will do. Naghanap nga siya ng gamot. Wala pa namang kawaksi roon si Trixie. Wala siyang mahingan ng tulong. Lumipat sa kanyang tiyan ang kamay nang maramdamang tila hinahalukay iyon. Sa mga sumunod na minuto’y tila nangisay siya sa hapdi. Dulot ba iyon ng ilang lingo na niyang hindi pagkakatulog at pagkain ng tama? “Ahhhhhhhh!” napahiyaw na siya. Umiikot ang kanyang paligid. Nahihilo siya. Puwersahang tumayo parin siya. Tutumba-tumbang nagtungo siya sa medicine cabinet. Mula sa sulok ng namimigat ng mga mata niya’y nahagip niya ang mga gamot. Pilit siyang umaninag dahil sa nanlalabo na niyang mga mata. Pinalaki niya ang mga mata upang mabasa ang pangalan ng gamot. Nang makitang para iyon sa pananakit ng ulo’y kumuha siya niyon. She crawls heading to the kitchen. When she got a glass of water, she immediately drinks a spoon of it. Pakiramdam niya ay mas lalong bumigat ang ulo niya, tila pinalakol. Nangingilo siya sa pananakit ng tiyan. Napalugmok siya sa sahig sa pagtakas ng kanyang lakas. She lost her conscious.   Puting-puti ang buong paligid nang magmulat ng mga mata si Vel. Noong una ay hindi niya magawang buksan ang mga mata dahil sa nakasisilaw na liwanag. Ilang beses din siyang kumurap-kurap bago tuluyang nagamay ng kanyang paningin ang liwanag. Natatandaan niyang maraming beses din niyang sinubukang gawin iyon noon subalit lagi siyang nagagapi ng antok. Nakaramdam siya ng kariwasaan kahit papa’no nang maimulat ang mga mata. Sa pakiwari niya’y isang malaking bahagi ng kanyang katawan ang napilas. Tila nagkaroon ng puwang ang isang bahagi niya, hindi nga lamang niya matukoy kung saan. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng silid. Pamilyar na pamilyar siya sa anyong iyon. Bakit siya naroroon? Anong nangyari sa kanya? Si Zane! Napabalikwas siya ng bangon ng maalala ang kasintahan ngunit muli siyang napahiga ng makadama ng nakaliliyong sakit. Nadama niya rin ang dextrose na nakakabit sa kanyang pulso. Dahan-dahang bumangon siyang muli. Hindi niya inininda ang matinding sakit sa pagkakataong iyon. Inalis niya ang nakaturok na karayom sa kanya dahil nakasasagabal iyon sa paggalaw niya. Hungkag na hungkag ang kanyang pakiramdam. Lumipad ang tingin niya sa pintong bumukas. Si Zane ang niluwa niyon! “MOO!” nagagalak na tawag niya rito. Nagpapasalamat siya’t mukhang maayos na ito. “I’m so glad---.” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang mapansing nagbabaga sa galit ang mga mata nito. Ang bagang nito’y nagtatagis. Ang mga mata nito’y dikit na dikit, ang mga kilay ay salubong na salubong at ang noo’y kunot na kunot. He was mad as hell! “Why you have to abort my baby?!” shock is an understatement for what he had told. Aborted? His baby? Akmang sasakmalin siya nito ng kusang matigil sa ere ang mga kamay nito. Kitang-kita niyang mariing pagkontrol ang ginawa nito upang mapigil ang sarili. “Hindi ko aakalaing ganyan ka kaimoral, Vel. Oo, hindi ako si Zane, hindi ako ang nobyo mo pero anak ko pa rin ang pinatay mo at wala kang karapatang gawin ang bagay na iyon. Ipinagkait mo sa kanya ang mabuhay. God! Ni hindi man lamang niya nasilayan ang mundo, I didn’t even know what would my baby be, you’re so cruel!” nagsikawalaan ang mga luha nito sa mga mata subalit naroon pa rin ang ibayong galit at pagkasuklam. Hindi man lang nagbago ang anyo nito. What he talking about? Nasapo niya ang tiyan. Banayad niyang nahaplos iyon. Baby… My baby?! Napaiyak na rin siya ng mapagtanto kung bakit naroroon siya sa ospital. For pity’s sake, nakunan siya! Natigalgal siya sa kaalamang iyon. Hindi niya alam na buntis siya’t hindi pa man niya nalalamang may buhay nang pumipintig sa sinapuupunan niya’y kinuha na agad iyon sa kanya. God, anong nangyari? Bakit namatay ang baby niya? “Now acting like a concerned mother, huh? After you’ve drunk medicine that can induce my baby into your womb you will act like a mother? Where not in a stage play, Vel! Your drama won’t fool me!” mas lalong lumakas ang pagluha nito. His every word, lalong-lalo na ang pagbigkas nito ng my baby ay punong-puno ng possiveness. Walang lakas na sumandal ito sa barandilya ng pinto. He stared at her, no, it was a glared. His fist was closed tight, his teeth were clenching in so much hatred. Nagpatuloy silang dalawa sa pananaghoy para sa anak na hindi na nila magigisnan pa. They mend their own shattered heart. Yumupyop si Vel sa sulok at niyakap ang puting kumot. She can’t see anything nor hear anything. Pati ang pandama niya’y biglang naglaho. Parang binalot siya ng isang time warp, she feels like trapped in that forever. “I’ll sue you for killing my child!” mapait at puno ng igting na sigaw sa kanya nito. Iyon na lamang ang huling pangungusap na malinaw na naunawaan ng isip niya.  Her brain seems to be like a computer shutting down.   Malayo pa lamang ay sinalubong na si Calix ng kanyang inang si Clara sa entrada ng malaking bahay. Mababakas sa mukha nito ang labis na pagkagalak na muli siyang makita matapos ang halos apat na buwang pananatili niya sa Pilipinas. He’s back in Romania but he doesn’t feel like home anymore. Pilitin man niyang ngumiti sa harap ng ina’y hindi magawa ng kanyang mga labi. Labis ang nadarama niyang poot sa puso. Alam niyang hindi magandang magtanim ng sama ng loob sa dibdib sapagkat alam niyang patuloy siyang kakainin niyon. Subalit anong magagawa niya? He loves her. Ni hindi na niya naisip ang lahat ng maaring ibunga ng pag-ibig niya sapagkat ayaw niyang pakawalan si Vel. Pero anong ginawa nito? She aborted their baby. Kahit na may kamalian siya’y mas malaki ang kamalian nito. Ano ngayon kung hindi siya si Zane? Kailangan na ba nitong ipalaglag ang magiging anak dapat nila? In the first place, hindi niya ipinilit ang sarili rito. Maigting ang pagtanggi niyang siya ang nobyo nito. Ito ang hindi naniwala sa kanya. Oo, naroon na siya, nagpanggap na rin siya bilang kakambal niya, niloko niya ito. Inaamin niya ang kamaliang iyon subalit napakalaki ng kinuha nitong kabayaran sa nagawa niyang kasalanan. Hindi iyon makatarungan. Pero kahit na ganoon ang kinahinatnan ng lahat ng pangyayayri’y hindi pa rin niya magawang mapoot dito. Ang pagkapoot niya’y para sa sarili na minahal niya ang isang babaeng katulad ni Vel na pag-aari na ng iba. Nagpakatanga siya sa pag-ibig nito, naging estupido siya’t niloko ang sarili, he even learned how to drink upang saglit na pawiin ang problema niya, he also tried smoking because there were times that he was trembling in tense. And the wicked sin yet the most beautiful sin he had made in his whole life, he indulged in pre-marital s*x. Naglaho lahat ng pangarap niya. Nalihis na siya ng daan. Ayaw na niyang mag-pari. Hindi siya bagay sa ganoong gawain. Hindi siya nararapat bilang tagapaglingkod ng Panginoon. He intently looked in her mother’s eyes, trying to read what’s on her mind. Ah, he needs to settle his unfinish business with her. “What’s the problem, son?” pukaw nito sa kanya. “I already knew the truth, Ma. I’ve seen Clarita.” Walang pagpapatumpik-tumpik na saad niya. Kailangan niyang malaman ang buong istorya upang kahit papaano’y mabawasan ang pag-aalala niya sa isip. Naroon si Clarita sa ospital ng maaksidente siya.  Ito ang nagpaliwanag kay Vel na hindi siya si Zane kaya marahil kahit minsan ay hindi niya ito nakita sa ospital gayong sa bawat kirot na nadarama niya’y ito ang nais niyang magisnan, ito ang nais niyang mag-alaga sa kanya, nais niya itong makapiling habang nilalabanan ang gamuntikan niyang pagkakalumpo. Hinap-hanap pa niya ito sa mga panahong iyon subalit ng mga panahong iyon pala’y wala siyang kamuwang-muwang na pinapalaglag na pala nito ang anak nila. How he hated Clarita at that moment, inunahan siya nitong magtapat kay Vel at magpaliwanag. Nagawa na sana niya iyon kung hindi lamang siya naaksidente. Kibuin-dili niya ang tunay na ina kahit na araw-araw ay naroon ito at inaasikaso siya. The other reason is he can’t accept the fact that she abandoned him that easy habang si Zane ay inaalagan nito. Nagbalik ang atensyon niya sa ina ng bumagsak ang hawak-hawak nitong maleta niya. Ang inisyal na ngiti sa labi nito’y agad na nahalinhan ng takot, takot na nauwi sa isang matinding pagluha. Ilang saglit pa’y pinilit nitong magpaliwanag. “I’m sorry, Calix. Kaya ayaw kitang pauwiin ng Pilipinas ay dahil baka magtagpo kayo roon ng tunay mong ina. Ayaw kong mawala ka sa akin. Hindi ko kayang mawalang muli ng isa pang anak. I’ll die if that will happen.” “I understand, Ma pero bakit kailangan ninyong itago sa akin ang totoo. Nakita ko ang death certificate ng totoo ninyong anak ni Daddy, ang totoong Calix. Kaya nag-decide akong pumunta ng Pilipinas para tangkaing mahanap ang sarili ko.” Mukhang nagulat ito sa sinabi niya. Humikbi ito. “I should’ve burned that, hindi na sana umabot pa sa ganito. Oh, Calix, I’m really sorry…you’re right I’m not your real mother but…you’re your father real son…” ang munting luha nito’y muling lumakas dahil sa sinabi. Ikinabigla naman niya ang kaalamang iyon. “It’s a long story, son” “I’m ready to listen. I want to know everything, Ma. I need to find the real me. Gusto kong sa inyo mismo iyon magsimula. I trust you a lot more than anyone else.” Saglit na tumitig ito sa kanya bago nagsimulang maglitanya. “Clarita was my cousin. She was an orphan nang matagpuan siya ng mga magulang ko. She was twelve then, magkaedad lamang kami dahilan upang maging iisa ang hilig namin. We’re raised by my parents together. Kung anong mayroon ako’y mayroon din siya. We studied at the same school and we became best of friends dahil sa halos araw-araw na gawa ng Diyos ay lagi kaming magkasama. Until I finally met your Dad, I was eighteen. Debut party ko noon nang makilala ko siya. Anak siya ng mga kaibigan ng papa at mama. Mabilis na nahulog ang loob ko sa kanya at ganoon din naman ang papa mo. But we didn’t know that Clarita had a secret admiration to Zandro. Ginawa niyang sikreto iyon sa lahat. “Nang magpakasal kami ng daddy mo’y hindi pa rin pala nawawala ang pagtingin na iyon ni Clarita sa kanya. Sa matagal na pagsasama namin ng daddy mo, almost five years that we are losing hope na magkakaanak pa’y biniyayaan na rin kami ng anak sa wakas. Si Calix Jude. Subalit maaga rin siyang binawi sa amin dahil sa sakit sa puso. I was very devastated, I didn’t saw Zandro’s pain na kinikimkim lang pala niya. I blamed him for what happened to our child dahil may lahi talaga ang pamilya nila na mahihina ang puso. We didn’t talk for months or so. “Hindi ko alam na nagtatagpo na pala sila ni Clarita. She became your father confidant. Depressed na depressed noon si Zandro dahil hindi niya ako magawang makausap kaya lahat ng saloobin niya’y kay Clarita niya sinasabi. And she took advantage of Zandro’s lamentation, may nangyari sa kanila at doon ka na nabuo sa miminsanang pagkalimot na iyon. Clarita was really obsessed and even asked Zandro to annulled our marriage subalit hindi iyon magagawa ng Daddy mo dahil alam kong mahal na mahal niya ako. “Pinalayas siya sa bahay pero naawa kami sa batang dala-dala niya. She can’t support you dahil wala siyang trabaho. Pinabalik namin siya sa bahay subalit siya ang kusang hindi sumang-ayon. Humiling siya ng pera na ibinigay namin subalit naubos niya rin iyon sa hindi namin malamang dahilan. Nang magbalik siya sa bahay ay tangay-tangay ka na niya. Pinapaampon ka niya sa amin kapalit ng milyon. I was really glad ng makita kita, kamukhang-kamukha mo ang anak namin. So, we decided to legally adopt you at itinulad namin ang pangalan mo sa namatay naming anak.” “How did you know all of that? And why only me? Bakit hindi rin ninyo inampon ang kakambal ko? Si Zane.” Takang tanong niya. Naguluminahan naman ang mukha nito. “Clarita and your Dad admitted everything to me but she hasn’t told us about yourbrother. We really didn’t know that you had a twin brother. Nagpakalayo-layo na rin si Clarita sapagkat iyon ang napag-kasunduan namin. That is the truth, Calix. Ikaw talaga si Calix at kung may kakambal ka man well, that’s great.” “He died five years ago, same disease as your son, Ma.” Malungkot na pahayag niya. “Condolence for Clarita, alam kong nalulungkot ka rin. Basta, lagi mong tatandaang narito lang ako sa tabi mo. Mahal na mahal kita bilang tunay mong ina. Ngayong alam mo na ang lahat, will you leave me?” “Of course, I won’t leave you.” Nag-umapaw ang ngiti nito sa labi. He embraced her. Mamaya’y siya naman ang magkukwento rito ng lahat ng nangyari sa kanya. Kahit papaano’y matatahimik siya ngayong alam na niya ang lahat ng tungkol sa pagkatao niya. He sighed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD