NINE

3021 Words
Kabanata 9 Nakangiting iniabot ni ZJ ang isang bag na naglalaman ng samut-saring school supplies at isang sasakyang laruan sa musmos na kitang-kita ang masidhing pag-aasam at pananabik. Tila ba ginto ang mahahawakan ng mga palad nito sa anitisipasyong nasasalamin niya. Walang kapantay na ligaya ang rumehistro sa mala-kerubing mukha nito nang tuluyang makamit ang mga handog niyang regalo. Tuwang-tuwang umusal ito ng pasasalamat na mas nagpalapad sa kanyang pagkakangiti. His heart warmed. Nasa My House, Your Home Foundation siya.  A foundation that was more than a foundation. Dati itong mansion ng mga del Mario na ginawang bahay-ampunan at home for the aged na hindi kalauna’y naging tahanan din ng mga abused children at mga harassed and violated women. Ganoon din ng mga taong na-trauma at nagkaroon ng nervous breakdown. May mental hospital din sa loob ng foundation para sa mga wala sa katinuang palaboy-laboy sa lansangan. Nagbibigay rin ito ng libreng konsultasyon at operasyon at scholarships para sa mga taong salat sa salapi.  Karamihan sa mga nagpapatakbo nito’y mga padre at madre. Ang mga del Mario lamang ang sumasagot sa mga finances subalit na-bankrupt ang negosyo ng mga ito at napilitang mag-migrate sa Spain. Nang ialok sa kanya ang pamamahala sa maiiwang foundation ng pamilya del Mario’y walang pag-aalinlangan niya itong sinalo. He always dreamt of having his own foundation. But now that he finally reached his dream--- managing MHYHF ---he didn’t feel any satisfaction, even a little fulfillment wasn’t there in his heart. He was emptied. He knows that he needs to continue his own career and move on with his life but no matter attempts he did to forget everything seems futile because every second Vel is conquering his mind. He shouldn’t go on with tears and begrudgement he felt. Only he couldn’t help but remained foolish. God, I still love her! Sana’y maging instrumento ang foundation upang tuluyan siyang makalimot. He must leave everything in the past. He must face the future with a brighter light. Marami na ngayong buhay ang nakaatang sa kanya katulad ng batang inabutan niya ng regalo kanina. Wala naman siyang magiging problema sa finances dahil may sariling negosyo siyang ipapatayo sa foundation na ang magiging employee ay ang mismong magbe-benefits. Katulad na lamang ng paggawa ng handicrafts, tailoring, candies and cookies and etcetera. Makakahasa rin iyon ng abilidad ng mga ito at maaari niyang ipasok ang mga mag-o-OJT na scholars sa iba pang negosyong maiisipan niya. Wala na siyang magiging problema pa sa pananalapi. Isa pa’y anong ginagawa ng limpak-limpak na salaping iniwan ng Daddy Zandro niya? Itutulong na lamang niya iyon sa iba dahil kahit na abutin ng isandaang taon ang buhay nila ng Mama Clara niya’y hindi nila mauubos ang perang iyon na patuloy pang lumalago sa bawat araw. Napalingon siya sa kanyang likuran ng makarinig ng matinis subalit maliit na hagikgik. There was a baby girl laughing with joy. His heart swelled and melted at the same time. It was his Mama Clara and Mama Clarita who were playing with the baby. They’re helping him in running the foundation and moving in his life. They had some couple of conversations few weeks ago and that where starts the civil relationship between his two mothers. Time had healed their wounds, sana’y ganoon din ang mangyari sa kanya.  His heartaches couldn’t be mending for now or maybe forever, no one knows. Basta ngayo’y napakahapdi pa ng mga sugat niya sa puso. He just lost his baby. Pare-pareho na sila ngayong nawalan ng anak ng dalawang ina niya. Kaya siguro madali silang nakapagpatawad. Hindi na siya galit sa kanyang tuna na ina. He understood her though it was very difficult. Parang lumalabas na sakripisyo siya, pero anong masama sa sakripisyo? Dahil sa kanya ay nadugtungan ang buhay ni Zane noong bata pa ito mula sa nakuhang pera ng ina niya kanila Mama Clara. Love is sacrifice at sana sa pamamagitan ng nangyari’y napadama niya ang pagmamahal sa kapatid. Hindi na rin siya nagagalit rito sa pangunguna nitong magsaad ng katotohanan kay Vel. Dapat lamang siguro ang ginawa nito. Na kay Vel ang problema sapagkat hindi ito marunong umunawa. Hindi sana nawala ang baby nila kung malawak ang pag-iisip nito. He can’t fathom why Vel have to do that. Napakaliit na dahilan niyon upang wakasan nito ang buhay ng isang kawawang nilalang. Oh, Vel… she made scars in his heart, it was carved in him cruelly yet it was wonderful, yes, it was wonderful. Hindi na niya siguro makakalimutan pa si Vel. Ah, stops, stops, stops! Ang foundation na dapat ang pagtuunan niya ng pansin, nakangiting lumayo siya sa kumpol ng mga bata at lumapit sa kumpol ng mga laruan upang kumuha pa roon ng iba pang ipamamahaging regalo. Nagtaka siya sapagkat may babaeng nakatayo roon, nakatalikod sa kanya. She was in lavender dress. Nakaharap ito sa mga malalaking manyika. An erratic vibration of heart crossed him. It wasn’t strange. He already felt that, he had been memorized the entire emotions inside that feeling as if he felt it every day. Tila ba may nag-udyok sa kanyang haplusin ang itimang buhok nito, straight and glossy, as beautiful as the midnight sky. Ayon sa suot nito’y mula ito sa Women’s Haven, bahagi ng MHYHF para sa mga na-trauma at under ng nervous breakdown na mga kababaihan. Doon ang mga ito ginagamot ng mga espesyalista. Patuloy niyang hinaplos ang buhok nito, it was so soft. He was amused how this lady’s hair hypnotized him or was he really hypnotized? Siya lang naman ang parang baliw na nagsimulang humaplos sa buhok nito. Hindi pa rin ito lumilingon sa gawi niya. Hinahayaan lamang siya nito. Great astonishment strikes him when the lady with the beautiful dark hair took a glance on him. Hindi niya alam ang dapat na maging reaksyon. His body was glued in the wind. He can’t move. Naguluminahan siya ng tila balewalang inalis nito ang tingin sa kanya at muling pinagtuunan ng pansin ang mga magagandang manyika. “Shivelle…MOO…” he whispered softly.   Hindi pa nakakabawi sa mga pangyayari si ZJ nang takbuhin niya ang ospital na nasa loob din ng compound ng foundation matapos ipagkatiwala si Vel sa isang nars. Vel… Her eyes were in sorrow. God, what happened to her? Ang matang parang walang sumulyap lamang sa kanya’y ang mga matang una niyang nakita ng una niya itong makilala. Wala iyong buhay. Dahil ba napagtanto na nitong kahit kalian ay hindi na babalik si Zane kaya ito nagkakaganoon? He was hurt. Parang minaso ang puso niya. Bigla siyang napatayo ng pumasok sa loob ang isang doktor, Cardon Espinosa ayon sa nameplate nito. He was all in white like the fourbounded walls of the room. Ang maaliwalas na aura nito’y hindi nakapagbigay sa kanya ng kaginhawaan. He looked at him straight in the eyes, sanay na sanay na siya sa mga ganoong tingin. Lalong-lalo na sa mga taong nakakakilala sa kakambal niya. Maybe this man knew his brother, too. “Mr. Sandoval,” agap na pakilala niya sa sarili. Wala sa loob na nakipagkamay ito sa kanya. Tulala pa rin. “W-what can I offer you, sir?” his voice was in controlled stammering. Hindi nawawala ang tingin nito sa kanya. “I just want to know what happened to Vel, to Shivelle Cortez.” “I can’t tell my patient diagnosis to someone that is not realated to her. I know you understand, sir.” There’s a look of confusions on his face. Tila ba hindi nito alam ang sariling sinasabi. He lost his temper. How could he stay calm when he knows that something bad happened to his Vel? “Tell me now as the new president of this foundation!” he yelled in commanding tone. “I’m sorry, sir,” hindi pa siya nakakapag-ikot sa kabuuan ng MHYHF kaya marahil ay hindi pa siya kilala nito o nakita man lang. Iiling-iling na naupo ito sa swivel chair. “Relax, Mr. Sandoval. Have a seat, please. Naguguluhan ako sa nangyayari.” Napabuga siya ng hangin at naupo sa katapat nitong silya. “I’m Zane’s twin brother if that’s confused you, Dr. Espinosa. That explains the sheer likeness.” Bantulot na paliwanag niya. “Now tell me please about Vel.” Mukhang hindi pa rin ito makapaniwala ngunit nagpatuloy pa rin sa pagsasalita. “She’s under of nervous breakdown.” He paused. “Is that all? Can you please elaborate more?” Hindi humihiling ang paraan ng pagkakasabi niya. He was commanding again. “I think it’s personal, sir” he looks scared by the fury in ZJ’s eyes. “Will you just start to tell me everything? And I insist everything!” He shouted at the old man’s face. Lumunok ito bago muling nagsalita. “Actually, Mr. Sandoval, Vel grew up here at the foundation, she was here since she was eight. She had been in a traumatic experience at that time. Her mother killed her father in front of her and brought her after that. Her mother took suicidal. She bumped a truck with her own will while Vel was with her. Fortunately, Vel survived but her mother didn’t. After her parents were buried, her neighbor, Pastor David brought her here. The foundation took care of her. After years and years finally, she recovered. And she was able to study. She’s a very smart student and even accelerated twice, she finished her medicine course, this foundation was very proud of her. But no one had ever thought about what happened. Maybe you know the rest, sir.” He paused. Tumitig itong muli sa kanya. “No, I dont.” Saad niya na may pagdadalawang isip kung pipilitin pa ang napipilitang doktor na magkuwento. Sa huli’y nanaig ang pagnanais niyang malaman ang mga tungkol kay Vel. “Please continue, doc.” “Well, Zane had a heart disease, Vel tried to nurse him but eventually he died… Vel didn’t take it. We know how they love each other. We all witnessed how Vel mourned for him. She was so devastated and she blamed herself for Zane’s death. Once again, she’d back to Vel this foundation has first met. “She doesn’t want to stay here. She left the foundation even we don’t like her to be discharge from the Women’s Haven. But we know that we won’t help her if we do that, so we let her be. She became violent and wild. I send Nana Salve with her. The rest of these foundation directors want her to be put in mental but I disagree because I know that Vel can survived again, she was indeed a very strong woman. And I was right. I was very surprised when Nana Salve told me that she’d finally recovered again.” He paused again. Tila hirap na hirap itong magkuwento, nahapo ang mukha nito. “Until the day she was in Trixie’s house, they’re best of friends. She accidentally drank an inducing medicine, an injectable for abortion. Trixie was so sorry, she sent herself in prison. She was an abortionist and she felt badly that because of her, Vel lost her baby. Vel was like a daughter to me and I was really shocked to know about it. It was the saddest point of her life. It was her third time to experience nervous breakdown and I’m hoping to God that for third time Vel can cope.” lumumbay ang tinig nito pati ang mga mata nito. “How did you know all of that? And are you really sure that she didn’t intended to abort the baby?” “Yes, sir. I was her doctor since she was brought here.  I know Vel alot and I’m sure that she can’t do that.” Naihilamos niya ang palad sa mukha at napasabunot sa buhok. He felt helpless.   “You still got a hold on me… Please just let me go, love is sacrifice Vel but I don’t want you to sacrifice everything for me. Somebody is waiting for you and he deserves you. Set me free and free your self, too. I love you, Vel… Goodbye!” Unti-unting nawawala ang tinig na iyon sa kanyang tainga. Papalayo ng papalayo. Parang sa unang pagkakatao’y may nahawing mga ulap sa kanyang isipan at nasinagan siya ng araw. Walang katapusang liwanag ang natatanaw niya. Nadismaya siya ng walang ibang makita kundi pawang kulay puti. May hinahanap siya ngunit hindi niya alam kung ano ang hinahanap niya. Napabalikwas siya ng bangon ng tila hinigop siya palayo sa liwanag. Malinaw na naalala niya ang tinig ni Zane na para bang totoong-totoo ang panaginip niya. Marahan siyang luminga sa paligid. Same old home. Mula sa sulok ng kanyang mga mata’y nabistahan niya ang isang napakapamilyar na bulto. Parang natagpuan niya ang hinahanap nang magisnan ito. Ano na lamang ang pagtahip ng kanyang dibdib nang magsimulang lumaki ng lumaki ang larawan ng lalaki sa kanyang mga mata. When the man came into view her heart stop panting for a second and in a slow motion her heart race in her chest. He’s towering over her, he looked more matured. Whiskers and mustache grown beautifully in his face. Para bang kay tagal ng lumipas na sandali. His dazzling eyes were gazing at hers. He’s not Zane. He was absolutely not. She was very happy to see this man though she didn’t know him. But she feels kind a familiar to his whole being. Lagi niya itong nakikita sa tabi niya, she always feels his fondness, his love for her. Nanakit na ang sentido niya subalit hindi pa rin niya maapuhap sa isip ang pangalan nito. “It’s too early to wake up sleeping beauty.” Anito at inalalayan siyang sumandal sa headrest ng higaan. “Who are you?” she asked with innocence. “I’m glad you’ve asked,” ngumiti ito. Ang ngiting iyon ay naghatid ng kakaibang kiliti sa kanya. “I’m ZJ, Zack Jude Sandoval. I’m the new president of this foundation.” “Why are you here?” muling tanong niya. May sumulak na takot sa kanyang puso ngunit agad niyang inignora iyon. Bakit ganoon ang nadadarama niya? Ano ang dapat niyang ikatakot dito? He stretched his lips. Tuluyan ng nalunod ang lahat ng pag-aalala niya sa ngiting iyon. He caresses her cheek. She felt like touched by an angel. “Narito ako para bantayan ka’t alagaan.” Nanuot sa bawat himaymay niya ang tinig nito, it was in tender sincerity. “Would you care if we walk?” mahinang anas niya. “Your wish is my command, darling. Come on, para maabutan pa natin ang pagsikat ng araw. But you promise me that you will take a rest when we come back. You’re getting better but don’t abuse your self.” “Yes.” tugon niya. Ikinawit nito ang braso niya sa braso nito. Napakatahimik ng tinatahak nilang pasilyo. Madilim-dilim pa ang kalangitan. Pakiramdam niya’y patungo sila sa walang-hanggan. Animo’y tumigil ang oras at huminto ang pag-inog ng mundo. Tila silang dalawa lamang ang nabubuhay sa daigdig ng mga sandaling iyon. Ang mga ngiti nito’y hindi pa rin nawawalay sa mga labi nito and he keeps staring at her.  He held her hand. Hindi siya naaalangan sa ginawa nito. May kung anongdamdamin ang nabuhay sa kanyang sistema pero hindi niya mabigyang pangalan iyon. Ni hindi niya alam kung ano iyon at kung bakit niya iyon nadarama. Nang makarating sila sa pinakadulong silid ay pumitas siya rito at lumapit roon. Bahagya siyang nahinto at mula sa nakaawang na pinto ay isinungaw niya ang ulo. Napakaraming incubator sa loob niyon. Sa mga babasaging hugis kahon na iyon ay nasisilip niya ang mga sanggol. Bago pa niya namalayan ay nag-iinit na ang sulok ng kanyang mga mata. She felt the tears falling in her eyes. Binalot siya ng kahungkagan. Memories are pouring in her mind. Parang kay tagal niyang nawala sa sariling katawan at ngayo’y nagbalik na siya. Pinahid niya ng magkabilang likod ng palad ang mga luhang nagsisimulang bumalong. Nahinto siya sa ginagawa ng mula sa likod ay makaramdam ng mainit na yakap. Napalingon siya. It was ZJ. He was crying, too. “Everything will be fine, Vel, everything.” He whispered in her ear. Pinaharap siya nito at niyakap ng mahigpit. She longed to be imprisoned in these arms again. Ang pagdantay ng balat nila sa isa’t isa ay nagbibigay ng kasiguraduhan, sekyuridad at kapayapaan sa kalooban niya. Nang maghiwalay sila’y muli nitong hinawakan ang kanyang kamay. Sabay silang naglakad muli. Hinarap nila ang maliwanag na bukang-liwayway. Magkasamang sinaksihan nila ang panibagong umaga, tila isinilang muli ang kanilang mga puso nang masaksihan ang pagkalat ng liwanag sa buong kapaligiran na kaliligo pa lamang sa hamog. Nag-uumapaw ang pag-asa sa dibdib niya kasama ng walang kapantay na pag-ibig. Sinulyapan niya ang katabi. Nakatingin din ito sa kanya. May kakaibang ningning sa pagitan nila. Kung galing man iyon sa sinag ng araw ay hindi niya alam. Hinaplos nito ang kanyang buhok. “I don’t know what to say.” Basag niya sa katahimikan. “You don’t have to say anything.” Anito at hinagkan ng ubod ng init ang mga labi niya, tila binuhat siya pataas sa alapaap at naging katabi nila ang araw. Sheer bliss. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD