TEN

3456 Words
Kabanata 10 Carnation says my heart is yours, right? Did ZJ mean the same, too why he sent all this flowers to me? Did he mean he loves me three dozen times? Ah, wishful thinking. Gabi na’y nakatungayaw pa rin si Shivelle sa tatlong dosenang bulaklak na ipinadala ni ZJ. Mag-iisang lingo na siyang nakalabas sa Women’s Haven, ayaw na niyang manatili pa roon kahit na ipinayo sa kanya ni Dr. Espinosa na magtagal pa roon ng isang lingo. Mas lalo kasi siyang nababalisa roon, isa pa’y magdadalawang linggo na ring hindi dumadalaw sa kanya ang binata simula nang sabihin ng doctor na maayos na ang kalagayan niya. Sa nakalipas na tatlong linggo’y pulos bulaklak na lamang ang natatanggap niya mula rito. Aanhin naman niya ang tatlong dosenang carnation araw-araw gayong kinabukasa’y malalanta rin ang mga iyon? Ang kailangan niya’y ito mismo, ang presensiya nito sa tabi niya. Naalala niya bigla ang pag-aalaga nito sa kanya habang nagpa-progress pa lamang ang kalagayan niya. Ang sarap balik-balikan niyon. Zack Jude Sandoval. Usal niya sa isip. Naliwanagan na siya. Pilit niyang ipinaintindi sa sariling hindi ito si Zane kahit na sa simula’y hirap na hirap siyang tanggapin ang bagay na iyon. Magkatulad na magkatulad ang mga ito. But now, she could easily distinguish Zack from Zane and Zane from Zack. She can tell every piece of difference between them. Kahit na siguro nakapikit lamang siya’y matutukoy niya kung sino si Zack o si Zane gamit lamang ang kanyang pandama. Muli siyang napabuga ng hangin sa bibig. She starts comparing Zack from Zane at sa lahat ng pagkakatao’y laging lumalamang ang una. Kahit na alam na niyang hindi ito ang nobyo niya’y hindi pa rin niya maialis ang pagnananais at pananabik na makita ito sa bawat umaga ng buhay niya. Hindi niya maiwaksi sa sistema ang estrangherong damdaming binuhay nito sa kanya.  Dinama niya ang labi. Parang naroon pa rin ang init ng halik nito. Damang-dama niya ang paggapang ng init na iyon sa kanyang katawan. The feeling wasn’t s****l, hindi niya maipaliwanag ang sensasyong hatid ng apoy na iyon. It’s very enigmatic. Nagpasya na lamng siyang lumabas upang magpahangin. Nakasalubong niya si Nana Salve sa hagdan. “Hija, sa’n ka pupunta? Gabing-gabi na.” bumakas agad ang pag-aalala sa mukha nito. “Diyan lang po sa labas, Nana. Magpapahangin lang po.” “Bumalik ka kaagad at mahamog na.” “Opo.” Tugon niya’t nagtuloy nang pumanaog pababa. Malamig na haplos ng simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya. It calmed the fires in her. Hindi pa man siya nagtatagal sa kinatatayuan ay nakaulinig na siya ng mahihinang bulong. Tila may nag-uusap ngunit iisang tinig lamang ang naririnig niya. Marahan siyang lumapit patungong entrada at sinilip sa pagitan ng mga grills ng gate ang taong pinagmumulan niyon. Lumukso ang puso niya ng mamukhaan kung sino iyon. Napadaan lang ako. Kamusta ka na? Natanggap mo ba iyong mga bulaklak na ipinadala ko sa’yo? Pagpapatuloy ni ZJ sa pagkausap sa sarili.  Napakamot ito sa ulo pagkakuwan, then he went on talking his self. May gift-giving sa foundation baka gusto mong pumunta. Hinahanap ka na rin ng iba roon. Muli itong napakamot sa ulo, tila litong-lito. He sighs wearily. Nang akmang tatalikod na ito palayo’y awtomatikong naitulak niya ang nakabukas na entrada. Lumikha iyon ng ingay na nagpalingon sa binata. Pareho silang nabato-balani. Tila parehong nahihiya kung sino ang unang magsasalita. “Kanina ka pa ba riyan?” “Kanina ka pa ba riyan?” Magkasabay na saad nila. “Hindi naman masyado.” “Hindi naman masyado.” Magkapanabay na tugon naman nila. “Anong ginagawa mo?” “Anong ginagawa mo?” Sa pangatlong pagkakatao’y synchronized na synchronized na tanong nila sa bawat isa. Sa huli’y nauwi sila sa malakas na tawanan. “Nagpapahangin lang. E, ikaw?” ani Vel na unang nakagapi ng tawa. “Bumibisita lang.” sagot ni ZJ na umaalog pa rin ang mga balikat. “Tara pasok ka muna.” Yakag niya na nilapitan ito. “Ah, e, gabi na. Mauuna na ako.” Nahihiyang tanggi nito. “Ang dami-dami mong pinraktis kanina tapos uuwi ka na?” sukat namula ang pisngi nito na kitang-kita sa puting liwanag ng streetlight. Napakamot ito sa ulo. “Uhm, pwede ba tayong mag-picnic.” Nagmukha itong binatilyo sa pagyayaya sa kanya. Nagkaroon naman ng piyesta sa dibdib niya. “Kailan ba?” Buong pananabik na tanong niya. “Tonight. Okay lang ba?” Napangiti ito, a boyish smile. “Sure! Sure!” walang pag-aatubiling pagpayag niya. “Magpapaalam lang ako kay Nana. Pasok kamuna sa loob.” Hinaklit niya ang braso nito at hinila papasok. Nagkukumahog na inakyat niya ang matanda sa silid nito. Mukhang panatag naman itong sumang-ayon nang malamang si ZJ ang kasama niya. Halos talunin na niya ang walong baiting na hagdan pagbabasa sobrang pananbik. Sa soccer field daw sila tutungo. Limang kanto lamang iyon mula sa bahay nila. Naglakad lamang sila papunta roon. Naka-abrisiyete siya rito. Well-secured naman ang lugar nila kaya hindi siya nangangambang tambangan sila ng mga masasamang loob. Maliwanag din ang daan sapagkat maraming streetlights ang subdivision kaya hindi nakakatakot maglakad-lakad. Wala silang imikan. Tila ninanamnam nila ang bawat paghakbang. Dinig na dinig niya maging ang paghinga nito. It sounds pretty delighting. Pagdating nila sa soccer field ay bukas lahat ng ilaw roon. May pick-up din roon na sa hula niya ay pag-aari nito. Hindi nga siya nagkamali, mula roon ay inilabas nito ang mga pagkain at inumin na nakalagak sa isang buslo. Naglabas din ito ng mantle na ibinanig nito sa damuhan. Nang matapos ito’y naupo roon. “Come on, seat beside me.” sumunod nga siya rito. “What are we going to do? Puro liwanag ang nakikita ko. Hindi rin ako marunong mag-soccer.” “We’ll do stargazing.” Napatingala siya sa langit sa tinuran nito. Makapal ang kulay itim nang mga ulap sa madilim na kalangitan. Wala siyang matanaw ni isang bituin. Natatakpan maging niyon ang buwan. Nang bumalik ang tingin niya rito’y napangiwi ito. “Lalabas din sila mamaya.” Anito na mukhang hindi rin kumbinsido sa sinabi. “Okay,” she grinned. Binuksan niya ang isang junk food at itinusok sa juice na nasa tetra pack ang straw. Ganoon din ang ginawa nito. He was half-grinning, half-smiling at her. Bawat subo nila’y mapapasulyap sila sa kasama. Hindi nila namalayang naubos na pala ang mga pagkain. Hindi rin niya alam na ganito pala kasaya ang ideyang mag-picnic sa gabi’t pagbabalak mag-stargazing kahit na walang tala sa langit. His gestures were too simple yet it impacts at her savagely sweet in the heart. Kapag pinupunasan nito ang bibig niyang may dumi ay tila kinikiliti siya sa sobrang ligaya. Minsa’y hahaplusin nito ang buhok niya which kind a very romantic for her, kakaiba kasi. Halos wala rin naman silang naging palitan ng mga kuwento. Buong oras ay nagtitigan lamang sila at ipinagtataka ni Vel kung bakit hindi pa sila natutunaw. “Are you sleepy? Come,” saad nito na ibinuka ang mga bisig upang anyayahan siyang lumapit. Tila may dalang salamangka ang aktuwasyong iyon ng binata na nagdulot upang kusang umisod siya papalapit pa rito. Humulig siya sa dibdib nito. Kaya marahil sinasabing women’s greatest pillows are in men’s chest ay dahil napakasarap sumandal doon. It was hard but it was cozy. Hindi na niya namalayang nakatulog siya. Naalimpungatan lamang si Vel nang maalog ang katawan sa paghinto ng pick-up. Ang bilis nga naman ng oras. Nakauwi na pala sila. “Sorry kung nakatulog ako.” Aniya habang inaalalayan nitong bumaba. “No, it’s alright. I enjoyed watching you sleep.” She blushed. At the same time, she felt shy. Ang sarap-sarap kasi sa dibdib nito paanong hindi siya aantukin? “So, see you at the foundation’s thanksgiving.” Napakamot ito sa ulo. Pareho na sila ngayong namumula. “It’s just my alibi,” pag-amin nito. “Pero may plano naman talaga wala pa nga lang date. Don’t worry I’ll invite you.” Mabilis nitong habol. Napahalakhak siya. Mas lalo naman itong namula subalit hindi kalauna’y nakihalakhak na rin. “Paano, naabala ko na ang gabi mo. Take care, goodnight. Sweet dreams.” Anito nang matigil. Hindi siya nakahuma nang pasadahan nito ng labi ang labi niya. Saglit na saglit lamang iyon pero sapat na upang manindig ang balahibo niya dulot ng bolta-boltaheng kuryenteng dumaloy sa ugat niya. “Te iubesc…la revedere.” He coos in her ear then he went on. Hanggang sa tumakbo at tuluyang maglaho ang sasakyan nito’y nakatulala lamang siya. Deep inside her core she was very confuse. Nagambala na ang buong gabi niya ng bagay na iyon.   Natapos at natapos ang thanksgiving sa MHYHF ay walang ZJ na dumalo roon. Nasa ibang bansa na pala ito at mag-iisang buwan na roon. Ang akala niya kaya papadalang ng papadalang ang pagdating ng mga bulaklak sa bahay nila’y dahil abala ito sa programang ilulunsad sa foundation. Subalit hindi pala, umalis na ito ng walng paalam. Nagpaalam nga pala ito subalit hindi niya naintindihan iyon. Hindi mapigilan ni Vel na sumama ang loob. Ang akala niyang bumubuting samahan nila’y mauuwi lamang pala sa pag-alis nito. Yes, she loves him. She wouldn’t waste another second being far away from him. It’s just so happened that realization swatted her head late in time. But now that she already justified her feelings, he wouldn’t let ZJ get out of her life. There are only few people who had given a chance to experience true love and for her, one of the fortunate, she wouldn’t let that chance run through her fingers. And she wouldn’t waste God’s second chance for her to love someone and to be loved by someone. So, here she was now, crossing their boundaries. Minahal niya si Zack bilang si Calix, kung sino ito noon at hindi bilang si Zane. Dahil kahit kailanma’y hindi ito nagpakita ng mga ugali ni Zane, just only the look they possessed are the same. Ang ipinakita nito sa kanya’y ang totoong ito. At sa mga ipinakita nito sa kanyang pagmamahal ay nahulog ang loob niya. Minahal niya ito ng hindi niya namamalayan. Love moves really in mysterious way. Hindi niya hahayaang masayang ang lahat. Paano na ang nangyari sa kanila? Ganoon-ganoon na lamang ba iyon? Banayad na hinalpos niya ang tiyan. Kahit na wala na roon ang baby nila’y mananatili pa rin ito sa puso niya. Help your mommy, baby. Usal niya. She had a strong belief that they can surpassed all the struggles that brought by the past. Mula sa labas ng mala-kastilyong bahay na nakatirik sa pinakamataas na bahagi ng kinaroroonan niya’y pinindot niya ang doorbell ng dambuhalang entrada. Isang unipormadong kawaksi ang nagbukas niyon. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito. “I---I’m looking for---.” “Who’s that?” anang bagong dating na pumutol sa nais niyang sabihin. Nag-usap ito at ang kawaksi sa lengguwaheng hindi niya alam, Romanian marahil. Nang matapos ang mga ito’y pumasok na ang katulong sa loob. Hinarap naman siya ng babae. “Who are you?” nabigla man siya ay maagap pa rin siyang nakatugon. “Vel, ma’am. Shivelle Cortez.” Umaliwalas ang mukha nito na nagpataka sa kanya. Mukhang kilala siya nito. Agad nitong binuksan ang gate at ginagap ang mga palad niya. Mukhang hindi ito magkandatuto sa sasabihin. “I’m glad you came!” Said she in unmeasurable enthusiasm, her voice was in triumph. It obscures Vel all the more. “Calix---I mean Zack is in the garden. I’m sorry I used to call him that. By the way, he’s also waiting for you.” Nais pa sana niyang magtanong kung paano nito nalaman ang pakay niya subalit hinila na siya nito papasok sa loob. Karangyaan ang sumalubong sa kanila. Hindi na niya napagtuunan pa iyon sapagkat tila hinahabol sila ng sampung kabayo sa pagmamadali. Ang dami nilang nilagusang pinto bago narating ang isang antigong pinto na kakaiba ang disenyo kaysa sa iba. Huminto sila roon. Ginagap nitong muli ang kanyang palad. “Love him, Vel. Love him as I loved him or more than the way I loved him as his mother. I know you can love him as much as infinity. I know he will love you back limitless. I give my blessing to the both of you.” Hinagkan nito ang pisngi niya’t binuksan ang pinto. She was amazed, no, it was an understatement. She was lost for words. The place was exquisitely beautiful. It made her heart breathlessly. Tinahak niya ang mga mabababang damo sa daanan. Ang kagandahan ng lugar na iyon ay tila replica ng isang paraiso. The place looked very sacred. Umikot ang tingin niya sa kabuuan niyon. Her heart skipped a beat when she saw that familiar mien sitting on a huge rock in front of a small pond. Wala itong kamalay-malay na nilapitan niya. Inilapat niya sa balikat nito ang palad niya. She heard him gasped when he glimpsed at her. He looked shocked. He blinked several times.  “Coward.” Akusa niya rito sabay ingos. “Why are you here?” Hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. “You don’t have any right to asked me, coward. Just listen to what I’m goin’ to say then you can decide.” Diretsahang pahayag niya na hinuli ang mga mata nito. Hindi peke ang pagdaramdam sa tinig niya. Sinamantala niya ang hindi nito pagtugon at humugot ng lakas sa puso bago muling nagsalita. “I love you, Zack, Calix or whatever! If you’re going to ask me when, where, why and how, I don’t know the answer, too. I just feel it. Naramdaman ko na lang isang araw na parang mababaliw ako dahil hindi kita nakikita, nakakasama o nakakausap man lang sa telepono. Hindi ko kayang---.” “You don’t know what you’re saying.” He cut her off. Walang emosyong masasalamin dito. Nilagpasan siya nito. “Zane will be here in my heart forever…” habol na turan niya. Bumaling ito sa kanya. Bumalatay ang sakit sa mukha nito. Nilapitan niya ito. Dinama niya ang puso nito ng mga palad at isinandal ang tainga sa dibdib nito upang marinig ang t***k doon. “Now I realized, my love for Zane was already a part of yesterday and it would remain as memories and memories really have no chance against reality. And you are my reality. I promised to your heart Zack that it will always be and the only better-half of my heart. You’re my today, my tomorrow ang my forever. Te iubesc… I love you and I can’t accept your goodbye.” Narinig niya ang pagluha nito. That was awesome in her ears because she knows that it was a cry of joy and happiness. Iginapos siya nito sa mga bisig nito. Gumanti naman siya ng mahigpit na yakap. “Yeah, I’ve been a coward. I’m scared. I tried to escape from the things that I thought was mess. I was all wrong. Duwag lang talaga akong harapin ang katotohanan na mahal na mahal mo si Zane na kahit na anong gawin ko’y hindi mo siya makakalimutan. “I made a blunder. Akala ko’y ipinalaglag mo ang anak natin, hindi ko alam nagdurusa ka rin pala. Hindi ko muna inalam kasi, nagpadala ako sa galit. Naging ibang tao ako dahil sa pagmamahal ko sa’yo. All of my dreams and goals in life had been changed because of you. I thought you’re a bad influence. Patawarin mo ako Vel sa katangahan ko. “I’m now ready to face all the fears na akala ko’y naharap ko na. I’m ready to risk my heart on loving you. Hindi ko malalamang mamahalin mo rin ako kung hindi ko susubukan at huhusayan. Ako itong lalaki ako itong tumatakbo at nagtatago. Lumayo ako sa’yo kasi alam kong wala akong pag-asa sa pagmamahal mo, pero hindi pala dapat. Hindi ako ang dapat habulin ako dapat ang maghabol sa’yo.” “Stop, Zack. Mahal mo rin ba ako? Iyon lang ang kailangan mong sagutin.” Pigil niya sa litanya nito. “I would be dumb if I say no, you’re the greatest woman I’ve ever found in my whole life. And I’m so thankful to God that He gave me you.” Kinintalan nito ng halik ang labi niya and run until met her lips. The kiss was overwhelming. “I will die loving you, Shivelle Cortez.” Pangako nito ng humiwalay sa kanya then once again he claimed her lips.    Payapa sa buong paligid. Banayad na humahaplos sa kanyang pisngi ang mainit na dampi ng hangin. Isang tuyong dahon ang unti-unting bumabagsak sa lapida. Yumuko siya roon at dinama ang nakaukit na pangalan. Nilingon niya si Vel na larawan ng kaligayahan. Hindi siya talunan. Hindi siya tinalo ng mga kapatid dahil hindi naman ang mga ito nakipagkompentensiya sa kanya. Dahil sa pagkakatuklas niya sa katauhan ng kapatid na si Calix Jude ay natunton niya ang kakambal na si Zane at dahil naman dito’y nakilala niya si Vel, ang babaeng pakakasalan niya. Nagpapasalamat siya sa mga ito. Sayang, hindi man lamang niya nakita ang mga ito. Nagsimula na naman itong umiyak. “Sshh… Vel don’t cry.” Alo niya rito’t pinagsalikop ang mga kamay sa mukha nito. Pinahid niya ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa mga mata nito. “I know the place ain’t romantic pero gusto kong dito mismo sa harap ng kapatid ko sabihin ang noon ko pa dapat nasabi.” He paused. Dinukot niya ang isang kahita sa bulsa. Who would ever thought na makakaligtas din ang singsing na walang pinsala? Binuksan niya ang kahita. Nanlalaking mga matang matamang napatitig doon si Vel. “Ito ang pangako ko, Vel. Isinusumpa ko sa kapatid kong mamahalin kitang kapantay ng pagmamahal na inalay niya. Iingatan kita higit sa anumang bagay, aalagaan kita at hindi ko hahayaan ang sinumang saktan ka. Mahal na mahal kita, Vel. I want to spend my lifetime with you. Will you marry me?” she was speechless. She just nodded He slides the ring in her finger with tender gaze in his eyes. It fits to her perfectly and it looks so beautiful. Napalakas ang hikbi nito. “I will Zack, I’ll marry you.” She exclaimed between her tears. Inagapan ng mga labi niya ang muli sanang paghikbi nito. Mayamaya pa’y dumating naroon ang Mama Clarita at Mama Clara niya. Itinaas niya ang kamay ni Vel upang ipakita ang singsing. Gumuhit ang kaligayan sa dalawang ina niya. Luhaang lumapit si Clarita sa kanila. Niyakap nito si Vel. “Sorry for everything wrong that I’ve done to you. Hindi dapat kita sinisi. Ni hindi ko man lang naisip na nasaktan ka rin sa pagkawala ni Zane. Just tell me what to do for you to forgive me.” Basag ang tinig nito. “Wala po kayong dapat gawin, Tita. Pinapatawad ko po kayo.” “Now I know kung anong mayro’n ka at minahal ka ng mga anak ko. You’re such a wonderful person Vel. I should’ve known before blaming you.” “Tapos na po iyon. Let’s just forget the past.” ilang saglit pa’y ang kanyang Mama Clara naman ang yumakap dito. “Thanks for loving my son.” She murmured. She took a glimpse on him. And he was crying out loud for joy, bliss and love that dwell in his heart and make it swell in happiness. He embraced her fiancée, and soon his wife and mother of his children. After they learned to forgive and to forget they leave Zane’s tomb and visit Calix Jude tomb and he knows that his brothers were having feast in heaven with their father.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD