Gaano man naiinis sa akin si Paul Shin ay nagawa pa rin niya akong pasakayin sa kotse niya. Inihatid ako nito sa isang bank company sa BGC. Huminto lang din noong nasa tapat na kami ng building. Kaagad akong umahon sa pagkakaupo ko mula sa passenger's seat. Matapos ding tanggalin ang seatbelt ay nilingon ko si Paul Shin. Buong biyahe namin ay tahimik siya, itsurang nagtatampo pa rin. "Huwag mo na akong hintayin. Umuwi ka na. Magko-commute na lang ako," pahayag ko, kapagkuwan ay binuksan ang pinto sa gilid ko ngunit nananatiling wala siyang imik. Akmang pababa na ako nang matigilan ako kalagitnaan. Bumuntong hininga ako bago muling hinarap si Paul Shin. Maski ang tingnan ako ay ayaw niyang gawin. Deretso lang siyang nakatanaw sa harapan. Dagli akong napairap sa ere. Umangat ako mula sa

