Chapter 39

2161 Words

Sa nagdaang mga araw, sa araw-araw na paghahanap ko ng trabaho ay naging hatid-sundo ako ni Paul Shin. Walang palya iyon. Lahat ng pinupuntahan ko ay sinasamahan niya ako. Kahit papaano ay nakakatipid ako sa pamasahe, sa pagkain din dahil palaging siya ang nanlilibre. May parteng nakakahiya na, pero sinigurado kong babayaran ko lahat ng nagastos niya sa akin. Balang araw, masusuklian ko ang lahat ng kabutihang nagawa niya sa akin. Sa ngayon ay utang ko iyon lahat sa kaniya. Laking pasasalamat ko na narito siya. At parang hindi ko na rin kakayanin kapag bigla siyang nawala sa akin. Ngayon ko napatunayan na mas matimbang ang pagmamahal ko sa kaniya kumpara sa kagustuhan kong magkalayo kaming dalawa. Mas gusto ko na kasama ko siya, na nakikita at katabi ko siya. Mas panatag ako na malalamp

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD