Hindi ko alam kung ilang oras ang nakalipas bago magising ang diwa ko. Unti-unti nang magmulat ako. Bumungad sa akin ang kulay puting kisame. Of course, hindi na ako magtataka kung nasa hospital ako. Iniangat ko ang isang kamay upang dungawin ang ilang nakatusok doon para patunayang nasa hospital nga ako. Dahan-dahan ko namang inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto kung saan ako naroon. Mula sa gilid ko ay naabutan ko si Paul Shin na siyang nakayuko. Gamit nito ang dalawang braso bilang unan niya. Sa malalim niyang paghinga ay natanto kong mahimbing ang kaniyang pagkakatulog. Maliit ang naging ngiti ko sa labi. Marahan kong dinama ang pisngi nito, kapagkuwan ay hinaplos pataas ang buhok niya. Sa mga oras na iyon ay hindi ko malaman kung ano ang una kong mararamdaman. Ngunit nauna nan

