"Danke," dugtong ko habang nananatiling akap-akap si Lolo mula sa kaniyang likod. Malalim ang naging pagsinghap ni Lolo. "Is there anything I can do? Rather than seeing you cry, of course I still want you to be happy. Just promise me not to cry anymore." "I won't, Grandpa. I promise." "If he hurts you, tell me right away, I will cut off his díck," pagbabanta niya dahilan para mahina akong matawa. Dagli ko pang nilingon si Paul Shin kung saan ay nakatayo siya sa 'di kalayuan. Hindi niya narinig iyong sinabi ni Lolo kung kaya ay napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo dahil sa pagtawa kong iyon. Ngumiti ako rito, mabilis naman siyang ngumiti pabalik. Hindi nagtagal nang humiwalay din ako kay Lolo. Tumayo naman siya upang harapin ako at saglit pa siyang nagulat sa presensya ni Paul Shin

