Status: running coconut shell pala ang ganap ni Paul Shin ngayon, since tumatakbo ito para habulin ako at sa kadahilanan pang iisa lang naman ang patutunguhan namin ay wala rin akong naging kawala sa kaniya. Kaagad nitong nahablot ang leeg ko nang mapahinto ako sa tapat ng school para pumila sana papasok. Siya namang pilit niyang pagsakal kung saan ay ikinukulong ako nito sa kaniyang braso. Rason naman din para makailang ulit akong napaubo sa hangin habang marahas na tinatampal ang braso nito. Nang wala siyang balak na tanggalin ay ubod ng lakas kong inapakan ang isang paa nito. "Aray, Vanessa! Fvck!" singhal niya, madali rin ako nitong binitawan at saka siya nagtatatalon sa sakit. Sa bawat pagtalon pa nito ay kitang-kita ko ang pag-bounce ng mala-bunot niyang buhok sa ers kung kaya ay

