Chapter 9

2099 Words

"Bakit ka ba kasi nagpunta pa roon sa sementeryo? Ayan tuloy at umulan!" palatak ko kay Paul Shin habang madiing pinupunasan ang kaniyang mukha. Sa inis pa niya ay marahas niyang kinuha sa akin ang tuwalya. Siya na ang nagpunas sa sarili niya. Galit na galit siya. Kitang-kita kong hindi na halos mapaghiwalay ang dalawang kilay niya. Kunot ang kaniyang noo. Ang mga mata naman ay matatalim. Sa sinabi ko pa ay hindi makapaniwala ang itsura niya. Kulang na lang ay mabugahan niya ako ng apoy dahil nakikinita ko na ang usok sa kaniyang ilong. "Anong kinalaman ng ulan sa pagpunta ko?!" balik singhal niya sa akin. Naisip ko lang naman kasi na baka nga totoong hinarangan siya nina Mommy at Daddy kaya umulan. Kung hindi sana siya nagpumilit na pumasok sa loob ng sementeryo, paniguradong hindi uu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD