"Alam ba nila na kasama mo ako?" Tiningala ko si Paul Shin habang nag-aayos ito. Katatapos lang niyang maligo. Ako naman ay galing pa sa hotel, nakabihis na rin at hinihintay na lamang siyang matapos. Medyo napaaga lang ako ng dating at saktong kagigising lang niya kanina. Alas sais pa lang ngayon. Natapos ang duty niya sa Minishop ng alas otso kaninang umaga. Kahit papaano naman ay may sapat siyang tulog. "Hindi ko na sinabi," sagot ni Paul Shin, kapagkuwan ay tinanggal ang nakabalot na puting tuwalya sa kaniyang baywang. Nagpilantikan ang mga kilay ko nang makita ang pagkalàlaki niyang matigas. Natural na yata iyong matigas kahit ganitong normal na araw. Ganoon pa man, bawat paglalakad at galaw niya ay sumusunod iyon sa kaniya. Tila ba alam nito kung sino talaga ang amo niya. Isang

