Saktong alas dies noong dumating si Paul Shin sa shop bilang kapalitan ni Nathalie. Nagulat pa ito nang masilayan akong nakaupo malapit sa counter. Nagbaba siya ng tingin sa lamesa kong puno ng kalat. Paano at sa kahihintay ko sa kaniya ay ang dami ko nang nabiling pagkain. Cup noodles, ice cream at junk food, sinubukan ko rin iyong corn dog nila na bagong labas daw. Mayroong bottled water, soft drink at kung anu-ano pang pwedeng nguyain. Iyon na ang ginawa kong dinner ko. Nabusog din naman ako kaya walang problema. Nang mapansin ang pagkunot ng kaniyang noo ay madali akong tumayo. Nilinis ko ang table, inipon ko lahat ng kalat sa kamay ko at dinala iyon sa malapit na trash bin. Sa ganap na alas dies ay kaunti na lang ang tao sa 24/7 Minishop. Wala ng mga estudyante, naiwan na lang iyon

