Chapter 75

2133 Words

"Magsimula tayo ng panibago," ulit ko nang hindi magsalita si Paul Shin. Ilang sandali, sa paninitig ko sa kaniya ay napanood ko ang paghulma ng labi niya sa isang ngisi, tila pa natatawa at kumawala ang mumunting pagtawa niya na naging mitsa para mangunot ang noo ko. Huminga siya nang malalim. Nagulat pa ako nang dahan-dahan niyang pinadulas ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Hanggang sa tuluyan iyong matanggal. Napakurap-kurap ako sa kaniya. "Paul Shin..." agap ko, tangkang hahawakan ko ulit siya nang humakbang siya paatras. "Kung aalis ka lang din, mabuti na huwag na nating lokohin ang sarili natin. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, Vanessa." "Hindi ako aalis! Hindi na ako aalis!" mabilis kong saad, kahit na alam kong hindi pa naman ako sigurado sa sagot kong iyon. Nguni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD