Ayaw niya na makita ko siyang ganito, kaya kitang-kita ko ang galit sa mukha niya. Kaya okay lang din sa kaniya na bumalik ako ng Germany, na iwan ko siya ulit, kasi alam din niya sa sarili niyang hindi na kami pwede. Mangiyak-ngiyak kong pinapanood ang pag-punch niya sa kinuha kong bubble gum. Ilang sandali nang mapahinto siya. Tumitig ito sa Marlboro na hawak-hawak niya. Hindi niya marahil alam kung ipa-punch din ba niya iyon, parang ayaw niyang ipagbili. "Nagyoyosi ka pa rin pala hanggang ngayon?" casual niyang tanong, ang boses niya ay normal na nakikipag-usap sa isang customer. Suminghot ako at mabilis na sumagot. "Nga—ngayon na lang ulit... iyong huli ko ay noong unang araw ko sa Germany." Tumango-tango si Paul Shin. "So, naninibago ka rito sa Pilipinas, tama ba? Kagaya noong na

