"Bastos ka! Hindi naman ikaw ang kinakausap!" singhal ng lalaki kay Paul Shin. "Bakit? Sino ka ba sa inaakala mo, huh? Boyfriend ka ba niya?" Mapag-amok na dinuro-duro ng lalaki ang balikat ni Paul Shin, niyayabangan at paminsan-minsan na dinidibdib niya ito. Sa gulat ko sa biglaang pasensya ni Paul Shin ay nakatulala lang ako sa likuran niya. Hindi ako makapagsalita para man lang awatin sila. Ganoon din si Paul Shin na walang imik. Nakatalikod man ay alam kong galit itong nakatitig sa lalaki. Kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. "Ano? Sumagot ka!" Isang tulak ulit sa balikat ni Paul Shin ang ginawa niya. "Boyfriend mo ba ito, Miss?" tanong naman ng isang lalaki na kasama nito dahilan para saglit ko silang tapunan ng tingin. Maging ang itsura ng dalawang lalaki ay nag-aamo

