Sa haba ng sinabi ni Trina ay literal na napanganga ako. Napakurap-kurap pa ako sa kawalan, ilang sandali nang marahan kong ibalik ang atensyon kay Paul Shin. Naabutan ko ang paninitig niya sa akin. Wala sa sarili nang mapasinghap ako. Sa nagdaang ilang minuto na magkausap kami ni Trina, ganoon siguro niya ako katagal na tinititigan. Kaya nang madatnan siya ay bigla itong nagbaba ng tingin. Marahan niyang inabot ang tasa nito ng kape, sumimsim siya roon at saka pa minabuting kalikutin ang kaniyang cellphone. Panay ang nguso nito, sumasabay ang paggalaw ng isa niyang binti habang nakadekwatro siya. Wala siyang emosyon, pero mukha naman siyang masaya. Parang hindi naman ito apektado sa apat na taong nagkahiwalay kami. O mas magandang sabihin na naka-move on na nga ito. "Naisip namin na b

