Sunud-sunod kong pinakawalan ang bala mula sa hawak kong riffle. Lahat ng lata na naroon nakapatong sa katawan ng natumbang puno ay nasa lapag na ngayon. Ang ibang lata pa ay malayo na ang narating sa lakas nang pagtalsik nito. Kalaunan nang ibaba ko ang riffle at inilapag sa kalapit na lamesa. Tinanggal ko rin ang suot kong headgear at gloves. Inabot ko naman ang isang bottled water, saka pa inisang lagukan lahat ng laman nito. Tinanaw ko ang malawak na lupain ni Lolo mula rito sa likod-bahay niya. It's been almost four years. Kung ano iyong mangha ko noong bagong salta ako rito, nananatiling ganoon pa rin ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito kayaman ang pamilyang kinalakihan ni Daddy. At kahit pa nga siguro lumipas ang maraming taon, hindi pa rin ako masasanay sa ganitong y

