By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ---------------------- Pabaling-baling si Timmy sa kanyang higaan. Bagamat inilatag niya si John sa pinakagilid ng kama upang magkaroon ng sapat na distansya sa pagitan nilang dalawa, hindi niya maiwasanng pagmasdan si John sa himbing sa himbing nitong pagtulog na nakatagilid paharap sa kanya. Kapag tinalo ng pagkaawa ang kanyang isip ay tatagilid siyang nakaharap kay John at kapag naaalala naman niya ang sakit ng ginawa ng daddy nito sa kanya ay tatalikod siya. At kapag nalilito naman ang isip niya ay titihaya siya at mag-isip, tititigan ang kawalan sa direksyon ng bubong na nipa. Tapos ay babalik na naman siya sa pagtagilid sa kaliwa, sa kanan... Nang naramdaman ni Timmy ang lamig ng simoy ng bukid sa madaling araw, t

