By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ------------------------ Mainit ang ulo ni Timmy sa pagpasok niyang iyon sa eskuwelahan bunsod sa nangyari kina John at sa hindi na pagpasok ni John sa klase. Hindi niya lubos maisip kung ano ang dahilan ng kanyang pag-absent at kung may kinalaman ba siya rito. Iyon ang bumabagabag sa kanyang isip. “Tok... narinig mo ba ang balita na lilipat na raw ng eskuwelahan si John? Ang tanong ni Jeff sa kaibigang si Timmy sa umagang iyon ng unang subject nila. Pangatlong araw na kasi iyon na hindi pumapasok si John sa eskuwela. Isang masakit na tanong ang sumalubong kay Timmy sa araw na iyon. Mainit na nga ang kanyang ulo, ang impormasyon na iyon pa ang sumalubong sa kanya. Mistulang nilublob sa ilog ang kanyang puso at hindi

