By: Michael Juha Fb: Michael Juha Full -------------------------------- =========== Timmy’s POV =========== Pang-apat na araw ko na iyon sa bahay ni Papa Miguel, ang papa naming dalawa ni John. Sa Maynila na raw kasi ako mag-aaral base sa payo sa akin ng papa namin ni John, sa parehong eskuwelahan din na papasukan namin ni John at Jishin. Iyan ang plano bagamat hindi ko alam ang plano rin ni John para sa sarili. Alam ko naman kasing minsan ay kinokontra niya ang mga plano ng papa niya. Matigas ang ulo ni John, at hindi kayang kontrolin ng papa niya kapag nagmamatigas ito. Ngunit ako, buo na ang isip na sundin ang gusto ng papa namin. Maganda rin naman kasi ang eskuwelahang papasukan namin. Business Administration ang kurso na gusto ko at si Jishin naman ay ganoon din. Hindi ko l

