By: Michael Juha getmybox@h*********m Fb: Michael Juha Full ------------------------------ ========= John’s POV ========= Dali-dali akong pumara ng tricycle at imbes na tumungo sa airport, inatasan ko ang driver na sa terminal ng bus ako ihatid. Sinabi ko kasi sa checker ng ticket na sa magchance passenger ako sa eroplano. Baka iyon din ang sasabihin niya sa mga taong maghahanap sa akin at iyon din ang tutumbukin ng mga police. Habang nasa tricycle ako, dali-dali akong nagpalit ng t-shirt. Tamag-tama naman na pagkatapos kong magpalit ng t-shirt ay may nakita akong mga pulis na mistulang nagbabantay sa kalsada, nagmanman sa mga taong dumadaan, parang may hinahanap. Hindi lang ako sigurado kung ako ba talaga ang hinahanap o may iba silang pakay. Ngunit hindi ko maiwasan ang hindi k

