By: Michael Juha getmybox@h*********m Fb: Michael Juha Full *** ========= John’s POV ========= Alas 11:30 lang ng umaga ngunit pawis na pawis na ako. Nagsimula nang magparamdam ang tag-init. Nagsiliparan din ang mga alikabok sa bawat pagdaan ng mga sasakyan lalo na’t hindi pa sementado ang lugar. Kalagitnaan na kasi ng Marso, panahon ng pagtatapos ng klase at pagdadaos ng graduation. Sa katunayan ay kararaos ko lang ng graduation sa eskuwelahan namin. Nalalanghap ko pa ang amoy ng mga kalachuching garland para sa mga gumraduates na nanginbabaw na samyo sa venue ng graduation. Ang masaklap lang ay hindi ko na tinapos ang seremonya. Gustuhin ko mang tapusin, hindi ko magawa. Tila hindi ko na alam kung nabelong pa ako sa lugar na iyon. Pakiwari ko ay itinakwil na ako ng mga taong m

