By: Michael Juhagetmybox@hotmail.com Fb: Michael Juha Full --------------------------------- WARNING: This episode contains scenes which are not suitable for readers under 18. Tila himatayin ako nang nabasa ko ang resulta, “% of Probability of Paternity: 99.5%” Nilingon ko si John. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang ibayong pagkadismaya. Pinunit niya ang papel at dali-daling lumabas ng apartment, ni hindi man lang nagpaalam sa Tito namin. Nang tiningnan ko si Tito, bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat sa inasta ni John. Syempre, nagtaka siya kung bakit galit iyong tao samantalang na-kumpirma naman na anak talaga siya ng kanyang ama. Napailing-iling na lang siya. “Alis na muna kami Tito. Sa bukid na lang din siguro kami matutulog,” ang pagpaalam ko. Sinundan ko

