Episode 44 Bella Cion NAALALA ko na naman ang rason kung bakit nais kong kalimutan ang ibig sabihin ng pangalan ko. kung bakit nga ba gusto kong Ella na lang ang itawag nila sa akin. I am not ready for my past… “Nah, stop calling me that name too. Ella na lang ang itawag mo sa akin,” wika ko sa kanya dahilan upang mangunot pa lalo ang noo niya. “Ang dami mo naman palang pangalan,” reklamo niya sa akin. Masama ko naman siyang tinapunan ng tingin. “Hindi kita pinipilit na tawagin mo ako, I just hate the way you are calling me boss madam. At saka wala ka bang gagawin ngayon? Baka may trabaho ka or something para naman mawala ka man lang saglit sa paningin ko,” sita ko namans a kanya. “Grabe ka naman sa akin boss madam,” wika niya. “Ayan ka na naman sa tawag mo s

