Episode 43 Bella Allen's Cion HINDI naman ako makapaniwala na mattoon pala inuman na magaganap dito sa hardin ng mansion. Madalas naman daw nilang ginagawa ito at wala namang gulo. Pumayag naman ako dahil ayaw ko namangaging Kill Joy. Matapos kong makuha ang maraming box ng pizza at chicken ay ibinigay ko na ito kay Natan na mukhang masyadong masaya. May alak na, may pulutan pa. "Okay na ba? I will just take a shower, and rest na rin siguro. Kayo na bahala rito, at huwag na lang masyadong maingay." "Yes, senyora!" Kailan kaya sila masasanay na huwag akong tawagin sa pangalan na iyon ano? Bago pa ako makaalis at pumasok sa loob ay pinigilan muna ako ni Natan at dinala sa isang banda malayo sa kumpol ng mga nag-iinuman. "Maraming salamat sa palibre. Malaking tulong ito sa amin. Sobra

