Episode 39 Dirty Bella Alleja Cion “MALAKI naman ang pinagsamahan natin noon, Leon, bakit mo naman idadamay ang anak namin sa galit mo sa akin,” wika na nagmamakaawa ni Mr. Davies. “Bakit nga ba, Cris? Kasi nadamay rin ang anak ko rito! Dahil sa anak niyo ay namatay rin ang anak ko! Pero alisin na muna natin iyon, ang mahalaga ngayon ay ibigay niyo sa akin ang lahat ng pera na mayroon kayo, wala kayong ititira ni isa. Pakunswelo na lang ito sa lahat ng sakit na binigay niyo sa akin!” wika ng lalaki. Hindi ko maatim na masikmurang may tulad nilang halang talaga ang kaluluwa. Tila mas inuuna pa ang pera, kaysa sa namatay niyang anak. He is not even genuine in getting revenge for his daughter. “Naging best friend kita, Leo! Why can’t you spare my son?” Tito Cris tried to be

