Episode 38 Bad News Bella Alleja Cion I STARTED to think if I have done so much wrong on my past and present life, and they are giving me this much of a punishment. Akala ko ay sapat ng kabayaran ang sakit na natamo ko mula kay Cromford, pero hindi ko aakalain na maski si Jameson ay iiwan ako nang durog na durog. Nagkulong ako sa silid ko. Gusto kong habulin si Jameson, at sabihin na baka naman pwede naming pagbigyan ang isa’t-isa. O baka kasalanan ko rin na sumuko siya dahil hindi ko agad na nilinaw ang gusto ko. Nagsawa na nga lang ba siya? O masisisi ko ba siya? Dahil tulad ko ay sumuko na rin naman ako kay Cromford hindi ba? I want to cry so much that I can be empty now. Hindi ko na alam kung saan ulit ako magsisimula. Dahil ang unang hakbang ko sana ay iniwa

