"Excuse me. Can i talk to you, Fire?" Tanong ni Lesly. Nagpasalamat naman ako na sumingit siya dahil hanggang ngayun ay hindi parin binibitawan ni Aslin ang kamay ko kaya naiilang na talaga ako.
Binitawan naman ni Aslin ang kamay ko kaya nag-excuse ako para maka-usap si Lesly.
"What is he doing here?! Did you fucki'n tell him? " Bulong ko sa kanya ng makalayo na kami. Umilng naman siya.
"Hell no! Tatanungin sana kita eh kung bakit nandito yan dahil sa pagkakaalam ko tinawagan mo yang damuho mung ex-husband." Sagot niya sakin. Bumuntong hininga nalang ako at tinignan si Aslin sa likud na nakangiti na kinakausap si Madame.
"Okay, lets dropped this conversation dahil wala na tayong magagawa dahil nandito na siya." Mahinahon kung sabi habang nakatingin parin kay Aslin.
"Sos! Ang sabihin mo gusto mo rin na nandito yan!" Tinusok niya pa ang tagiliran ko kaya napa-atras ako.
"Tumigil ka nga, Lesly! Babatuka kita eh." Umismid naman siya.
"Edi shing!" Tumatawang tumalikud naman siya sakin kaya napa-iling nalang ako. Baliw talawa ang babaeng yun.
"You're still sexy." Nagulat naman ako sa narinig ko kaya napaharap ako sa kung sino ang nagsabi non. Nakita ko si Aslin at hindi na siya naka-shades kaya nakikita ko na ang light brown eyes niya. Kagat-kagat niya ang ibabang labi niya kaya napayuko ako.
Ninangat niya ang kamay niya hanggang sa nguso ko at pinatingin niya ako sa kanya. I can see longing on his eyes na nagpakunot ng noo ko.
"I miss you." Malambing na sabi niya sakin na tinawanan ko lang.
"Why are you laughing?" Inis na inis siya sa reaksyon ko.
"Bakit, anu ba dapat ang gagawin ko? I will welcome you with open arms and forget what you did to me and my baby?" Diin kung sagot sa kanya na nagpalambot sa ekspresyon ng mukha niya. Bakit siya ganito? Diba ayaw niya sakin at sa anak namin?
"You don't understand and you don't know. And this is not the right time but i want to tell you this. I truly miss my lovely wife." Hinalikan niya ang noo ko at umalis na habang ako ay natulala dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga siya na iintindihan.
Naglakad nalang ako palapit uli sa upuan na inuupuan ko kanina. Umupo na ako pero hindi parin mapalagay dahil sa nandito ang ama ng anak ko.
Maya-maya pa ay tinawag na ako ni Madame at nakita kung nakangisi si Aslin na nakatingin sakin. Umirap naman ako sa kanya at hindi nalang si pinansin pa.
"Fire and Aslin. Do your best shot in this pictorial. Do whatever you want but make it sexy. So go now and make me proud again, Fire." Tumango naman ako. Gagawin ko ang trabaho ko kahit na di-distract ako na nandito ang lalaking minsang sumira sa buhay ko. Mas una ako naglakad sa kany at umupo na nakatagilid sa bike so nakaharap ako sa kanya na naglalakad palang palapit rito.
He smirk and wink at me but i just ignored it. I was shocked when he open my closed legs and cupped my cheek with his one hand. Nasa gitna siya ng hita ko at ang lapit-lapit ng mukha niya sakin. Nahigit ko ang hininga ko ng hinapit niya ang bewang ko kaya nadampi ang labi ko sa labi niya at sabay don ang pag flash ng camera at ang pahtili ni Sia na tila ay kinikilig.
Nakikita kung nakapikit ang mga mata niya kaya pumikit narin ako. Hindi ko maipagkakaila na namiss ko ang mga halik niya sakin. Nakakapanibago lang dahil hindi marahas ang halik niya sakin na tila ay isang babasaging bagay ang mga labi ko. Inilayo niya ang mukha niya sakin at hinalikan ang noo ko. Pinatayo niya ako at pinatakud sa kanya. Naramdaman kung niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong ko ang kanang paa ko sa bike. Narinig ko na naman ang flash ng camera. Humarap na naman ako sa kanya at inilagay ang dalawang kamay ko sa dib-dib niya at idinampi ang tungki ng ilong ko sa kanya at nag flash na naman ang camera.
"You really make me proud, Fire!" Rinig kung sigaw ni Madame kaya lumayo na ako kay Aslin na nakatingin parin sakin. Naging proud din ako sa sarili ko dahil nakayanan ko ang ginagawa ko kanina na hindi man lang bumulagta sa sahig. Tumalikud na ako sa kanya at madiin na pumikit dahil sa kaba na naramdaman ko kanina. Nakahinga ma din ako ng maluwag dahil nakalayo narin ako sa kanya.
Naka ngising Lesly Anastasia ang bumungad sakin ng minulat ko ang mga mata ko. Hindi niya ba talaga ako titigilan?!
"F---uhmmm!" Tinakpan ko ang bunganga ng baliw na ito dahil alam kung may panibagong pang-aasar na naman siya.
"Pag hindi kapa tumigil ay sa labas ka ng bahay matutulog." Tutuhanin ko talaga ang banta ko sa kanya paghindi siya tumigil. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa sinabi ko kaya tumango siya at tinanggal ko na ang kamay ko sa pagkakatakip sa bunganga niya. Umupo ako sa iaang upuan at binigyan naman ako ni Claren ng tubig at towel.
"Magbihis kana don oh." Sabay turo nya sa isang maliit na dressing na pwedeng mafold lang.
Tumango naman ako at tumayo. Inabot naman sakin ni Sia ang bag kung saan nakalagay ang mga gamit pangbihis ko. Para akung nakunan ng energy kanina ng dahil lang sa lalaking yun. Pumasok na ako sa dresser at nagbihis. Kampante naman ako dahil nandyan naman si Lesly at kung may magtangka mang manilip sakin ay for sure mapapatay yan ng kapatid ko. Mahal kaya ako ng sakiting yan.
Nagbihis ako ng fitted skirt na hanggang sa ibabaw ng tuhod ko at fitted sleeveless na medyo malalim ang neck line kaya nakikita ang cleavage ko. Sinout ko lang ang flats ko dahil masakit narin ang paa ko kaka-heels kanina lang. Sinout ko ron ang shades ko dahil nakakasilaw si amang araw ngayun. Lumabas na ako at nakita ko si Lesly na inaasikaso ng make-up artist jiya at nakabihis ito ng fitted black short skirt, red sleeveless, black jacket at boots na hanggang tuhod.
"Don't tell me--" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ang baliw.
"Yes, hindi tayo magkakasamang uuwi ngayun." Cool na sabi niya sakin.
"Sino ang magdri-drive sakin? Hindi ako ng dala ng kotse!" Galit kung sagot sa kanya.
"Sakin ka sasabay dahil may pag-uusapan tayo." Napairap ako ng marinig ko ang boses ni Aslin mula sa likud.
Hinarap ko naman siya at tinaas ang isang kilay ko. " Manahimik ka dahil hindi ikaw amg kausap ko." Malamig na sabi ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako.
"Affected ka parin sakin." Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko mula sa kanya.
"Ngayun ko lang nalaman na feeler ko pala Mr, Heldon. Ako? Affected? Tsked."
"If you're not still affected to my presence why wont you just agree the idea of me driving you home and talk to you for a minute?" Napabuntong hininga nalang ako at walang nagawa kundi ang pumayag nalang.
Nandito na kami sa kotse niya at wala talaga kaming imikan. Bahala siya sa buhay niya.
"I want to see my Marcella. " Napatingin naman ako sa kanya na nakakunot-noo.
"Im his father so i have to right to see my daugther, Fad." Umiling ako.
"You want to see my daughter? Para ano? Para iparamdam mo sa kanya na isa lang siyang unwanted child tulad ng ina niya? Kung ipapamukha mo lang sakin na hindi mo talaga gusto ang anak ko ay mas mabuti pang wag kang magpakita sa anak ko! " Hindi ko mapigilang hindi pamasigaw sa galit. Naalala ko ang araw na ainabi niyang malas lang kami sa buhay niya nong nasa puder pa ako ni Seven.
"You don't umderstand! Mahirap sakin ang mapalayo sa anak ko! Kung pwede lang na ilayp ko kayo sa kapahamakan ay gagawin ko pero ang pesteng kapahamakan na yan ang kusang lumalapit satin! Just give me the chance to see my princess." Mahinahong sabi niya sakin.
"Magpaka-ama ka kay Marcella pero sa oras na may gawin kang hindi maganda ay hindi muna talaga siya makikita pa." Diin na sagot ko sa kanya. Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata niya pero hindi ko yon binigyan ng pansin.
*******
Hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Aslin kung bakit nandito pa siya at kung bakit gusto niyang makita si Marcella eh sinabi niyang ayaw niya sa anak ko at ngayun ay nagmamaka-awa siya sakin para ipakita ko sa kanya ang baby girl ko.
"Were here." Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin kaya kumonut ang noo ko.
"Di ko maalala na tinanong mo ako kung san ako nakatira." Kunot noonh tanong ko sa kanya. Pumikit naman siya.
"Bat naman ako magtatanong kung alam ko ang address ng bahay niyo?" Pilosopong sagot niya sakin.
"All of this days alam mo kung saan ako nakatira?!" Pagalit kung sabi sa kanya na hindi niya sinagot.
"You're imposible." Inirapan ko lang siya at bubuksan na sana ang pintuan ng kotse niya ng magsalita siya.
"No, Im Aslin Gunner Heldon." Sumilay sa mukha niya ang ngising mapang-asar. Bumaba na siya sa kotse at hindi ko na siya hinintay pang pagbuksan ako kaya napataas ang kilay niya.
"Wala tayo sa bahay ng mga magulang mo kaya wag mag umarte na gentleman ka." Matabang sabi ko sa kanya bago ko siya dinaanan at binuksan ang pintuan ng bahay. Agad naman hinanap ng mga mata ko si France.
"France?" Tawag ko sa kanya. Lumabas naman siya sa kusina.
"Where's my angel?" Agad kung tanong sa kanya.
"She's sleeping in your room. So we have a visitor?" Napatingin naman ako sa lalaking nasa likuran ko. Umismid lang ako at hinarap ulit si France na may nakakalokong ngiti sa labi niya. Bakit nagkalat ang mga baliw ngayung araw na ito?
"That guy is my new hired driver." Agad naman tumawa si France sa narinig niya.
"Yeah, Her driver in bed." Napalingon ako kay Aslin ng wala sa oras dahil sa narinig ko. Sinuntok ko siya sa tiyan niya kaya napaubo siya. Letseng lalaking 'to walang ginawa kundi ang painitin ang katawan---este ang ulo ko!
"Magtigil ka kung gusto mong makita ang anak ko." Hindi ko na siya pinasagot ko pa at diretso pumayak sa taas para puntahan ang anghel ko.
Nawala naman ang lahat ng stress ko ng dahil kay Aslin ng makita ko ang anak ko na nasa gitna ng kama na may mga unan sa magkabilang gilid. My daughter is my stress reliever. Dahan-dahan kung binaba ang bag na dala ko at hinubad ang sapatos at shades ko. Pumasok muna ako sa banyo para makaligo dahil ayaw kung lapitan ang anak ko na natuyuan ako ng pawis. Madali naman akung natapos at sinuot ang roba para hindi ako hubad na lumabas sa banyo. Tulog parin ang anak ko kaya nagmadali akung pumasok walk 'n closet ko para makabihis. Nagsout ako ng loose shirt at short shorts. Sinuklay ko muna ang buhok ko bago lumabas.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, malulungkot o magagalit sa nakita ko. Nasa gilid ng kama si Aslin habang hinahalikan ang tuktok ng ulo ni Marcella. Umiiyak siya kaya napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi niya naman ako napansin dahil patuloy lang siya sa paghaplos ng pisnge ni Marcella.
"Kung pwede ko lang ilayo kayo dito ng walang sumusunod na kapahamakan ay gagawin ko. My princess, Im so sorry. I will never leave and hurt you again." Garal-gal ang boses ni Aslin kaya nalungkot ako dahil ngayun ko lang siya nakitang ganito sa tanang buhay ko.
I fake cough. He wipe his tears using the back of his hand and look at me like he never cry infront of our daughter.
"You okay?" Yun lang ang lumabas sa bibig ko dahil hindi ko alam kung anu ang dapat kung sabihin sa kanya. Naglakad ako palapit sa kama at umupo. Hinalikan ko ang pisnge ni Marcella.
"Im broken." Halos malagutan ako ng hininga sa narinig ko. Hindi ko pa siya marinig na maging bulgar sa nararamdaman niya kasi pagtinatanong ko siya noon ay pinagtatabiyan lang naman ako.
"Why?" Mahinang tanong ko sa kanya. Ngumiti siya pero hindi naman abot sa mga mata niya. Umupo rin siya sa kabilang gilid ni Marcell at tinignan niya ako sa mga mata ko.
"Because i can't protect my own family. Im not brave enough to face the conseqeunces that is waiting for me. Ako ang dapat ang lumalayo sayo sa kapahamakan pero ako mismo ang nagpalit ng bagay na yun sayo kaya naging ganito ka kumplekado ang lahat."Mahinahon na saab niya pero nagawa nitong magpagalit sakin. Tumayo ako kaya nagulat naman siya.
"Lets talk out side." Lumabas ako sa kwarto at sumunod naman sakin si Aslin na mag pagtataka sa mga mata niya.
"Is there a problem?" Takang tanong niya sakin. Binigyan ko lang siya ng malamig bago nagsalita.
"Anu ba talaga ang plano mo at hindi ko na iintindihan ang mga sinasabi mong kapahamakan!" Halos sumigaw na ako sa galit pero agad sumagi sa isip ko na natutulog ang anak ko kaya hininahaan ko ang boses ko.
"I can't tell you! This is not the right time---"
"At kailan ang right time na yan? Baka dumating ang right time na yan at baka hindi muna makita pa ang anak mo dahil sa paghihintay sa RIGHT TIME na yan!" Galit kung sabi sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at bigla niya akung kinabig at niyakap ng mahigpit.
Bumilis naman ang t***k ng puso ko sa ginawa niya. Gusto kung umiiyak dahil ito ang unang yakap na binigay niya sakin na hindi niya binigay nong kasal pa kaming dalawa.
"I need you to wait for me and trust me. Thats all i want you to do for me, Fad." Hindi ko alam pero naging bato na ang puso ko sa kanya simula nong tinabuy niya kami ng anak niya.
"Bakit naman kita hihintayin at paniniwalaan eh sa una pala ah ikaw na ang tumalikod at nang-iwan sakin. Sobra mo akung nasaktan sa ginawa mo sakin Aslin. Kung hindi mo pa siguro ako tinabuy noon ay hindi mo sigura malalaman kung anu ang papel namin sa buhay mo." Dahan-dahan kung inalis ang kamay niya sa bewang ko at tinignan siya sa mga mata niya.
"Isa lang ang masasabi ko Aslin. Paghirapan mo ang tiwala ko." Hinalikan ko siya sa pisnge niya at tumalikud na para pumasok sa kwarto namin ni Marcell.
"Wait." Nilingon ko ulit si Aslin ng marinig ko ang boses niya. Tinignan ko lang siya ng walang ekspresyon sa mga mukha ko ang makikita.
"Can i sleep here tonight? You... knows its raining." Ngumisi na naman siya kaya umakyat na naman ang inis sa ulo ko.
"Wag mo nga akung bwenibweset! May kotse ka kaya makaka-uwi ka!" Inis kung bulyaw sa kanya pero nakangisi parin siya. Anu ba ang binabalak ng lalaking ito?!
"Flat ang dalawang gulong ko." Cool na sagot niya sakin. Mas nag-init na naman ang ulo ko. Hindi isa kundi dalawa pa talaga!
"Mag cab ka! May payung ako." Sohestyon ko sa kanya na inilingan niya lang.
"I dont use umbrella. Nakakabading yun." Sa inis ko pinikit ko nalang ang mga mata ko at pagbukas nito ay nakangisi na namang Demonyo ang nakita ko.
"Bakit ang arte mo!?" Bumuntong hininga nalang ako. " You can sleep here pero sa living room ka matutulog!" Saka ako pumasok sa kwarto namin na inis na inis.
Nakaka-inis ang demonyong may gwapong mukha na 'yon! Baka sunod na hihilingin niya ay tumira na dito at baka mapatay ko na talaga siya.
********
Mahimbing ang aking tulog ng maalimpungatan ako dahil gumalaw-galaw ang kama. Bumungad sakin ang anak kung gising na pala kaya bumangon ako at kinarga siya. Nakikita ko ng malinaw ang mukha niya dahil sa ilaw na nanggaling sa lampshade. Ala syete na ng gabie at napahaba pala ang tulog ko.
"Gutom naba ang baby honey ko?" Sinagot naman niya ako ng iyak kaya alam kung gutom na ito. Nilapag ko muna siya kama. Hinubad ko ang t-shirt ko at ang brassier ko at kinarga siya mula para painomin ng gatas galing sakin.
"Magpaka-busog ka baby honey..." Nakapikit ang mga mata niya habang ang isang kamay niya ay nasa dibdib ko.
"Kahawig mo talaga ang tatay mong may bala sa utak no?" Napatawa nalang ako ng mahina. Hindi ko naman pinagsisihan na naging magkamukha ang anak ko kay Aslin kasi tignan niyo, ang ganda-ganda ng anak ko.
"Kung sakin ka kaya nagmana, magiging kapariha kaya ng mga mata mo ang mga mata ko?" Tanong ko sa anak ko kahit na alam kung hindi naman ito sasagot.
Busy kung pinagmasdan ang mukha ng anak ko ng biglang bumukas ang pituan ng kwarto ko at iniluwan nito si Aslin.
Shit
"What are you doing!" Galit kung sigaw sa kanya habang tinatabunan ang isang dibdib ko sa freehand ko.
Nakatitig lang siya sa mukha ko ang bumaba ang tingin niya sa katawan ko at kay Marcella na nakadede sakin. Nakakahiya naman ito. Naglakad siya palapit samin pero hindi natanggal ang titig niya kay Marcella.
"I want to be with my princess." He huskily said. Inilapit niya at mukha niya sa anak ko ang hinalikan ang pisnge nito na nagpainit ng pisnge ko.
Nakakahiya kasi nakadede sakin si Marcella at nandito siya sa harapan ko!
He look at me and i can clearly see the longing and happy in his own eyes. Nakatingin lang din ako sa kanya kahit hindi ako kumportable na ng nandito siya. Im half naked for pete's sake!
Inilayo ni Marcella ang mga labi niya sa dibdib ko na palantandaan na tapos na siya. Bumaba na namaa ang tingin niya at nakita ko siya napalunok.
"Pwede ko ba siyang kargahin?" Mahinang tanong niya. Nararamdaman ko rin kinakabahan siya.
"Sure..." Binigay ko si Marcella sa kanya. Hindi ko alam kung iiyak ba ako ng makita ko ang luha sa mga mata niya ng makarga na niya si Marcella.
"Hey, Im your father. Your the girl version of me. Ang saya-saya ko ngayun na makita kung nakatingin karin sakin my princess. Tatay na talaga ako at hindi ito panaginip. Ikaw si Marcella Alexandra na binuo namin ni Alic." Hinalikan niya ang noo ni Marcella na ikinatawa nito. Pinagpatuloy lang siya ang paghalik kay Marcella hanggang sa mag-anggat ito ng tingin sakin. Napalunok naman siya at sinundan ko ang tingin niya at nakita kung nakatingin siya sa exposed na dibdib ko bago siya nag-anggat ng tingin sa mukha ko.
"Maniac!" Sigaw ko sa kanya at tinabunan ang dibdib ko ng comforter. Tumawa lang siya ng mahina.
"Hindi ako maniac! Ang maniac ay yung sumisilip eh hindi ko naman yan sinilip kusa siyang nagpakita!" Natatawang sabi niya sakin. Tinampal ko naman ang braso niya at sinabunotan siya.
"Aray naman! Baka nakalimutan mo na nasaakin si Marcella baka mapilayan to." Sabi niya at bahagyang lumayo sakin.
"Okay lang ba ang princess ni daddy? Pasensyahan muna ang mommy mo dahil sadyang hindi makapaghintay yan kasi miss na ako." At tumawa na naman siya. Hilig niga talagang painiisan ako!
"Lumayas ka nga! Puro ka bwesetan ang binibigay mo sakin ngayung araw Mr Heldon!" Akmang kukunin ko na sa bisig niya si Marcella ng tumayo ito kaya hindi ko nakuha sa kanya ang anak ko.
"Okay okay! Im sorry! I wont tease you again i promise. just-just let me have some time with my daughter. I want to be with her. Im begging." Seryosong saad niya sakin habang nakatayo siya sa harapan ko. He beg and thats the first time.
"You don't have to beg. I will let you have some time with Marcella if you stop bullshitting me." Diretsang kung sagot sa kanya. Tumayo na ako habang tinatakpan parin ng comforter and dibdib ko.
"Magbibihis lang ako. Kaya mo namang bantayan ang sarili mong anak diba?" Kinuha ko ang brassier at ang t-shirt ko sa kama bago siya binalinggan muli. Marahan naman siyang tumango at seryoso parin ang ekspresyon ng mukha niya.
"Aslin..Hindi mo naman-" Pumikit ako ng marahan dahil sa kadulasan ng dila ko. Sana naman wag nagungkatin pa ni Aslin.
"What?" Nakataas kilay niyang tanong sakin. Umiling lang ako at naglakad palapit sa banyo.
"Alam mong ayaw may bastos. Sagutin mo ako, alam kung may bumabagabag sayo." Diin niyang sabi . Napaharap naman ako sa kanya at ningitian siya ng kunti.
"Hindi mo naman siguro itatakas ang anak ko diba?" Para naman siyang natigilan sa tanong ko sa kanya kaya nagpatuloy pa ako.
"Pakiusap Aslin. Kung may balak kang ilayo sakin si Marcella ay wag mong ituloy. Mamamatay ako pagginawa mo yun. Siya na ang buhay ko at tiyak na mawawala ako sa katinuan ko pagginawa mo yun." Mahina kung saad sa kanya bago pumasok sa banyo para magbihis.
Ngayun na nagpakita na si Aslin sakin ay nakaramdam ako ng takot. Takot na ilayo niya sakin ang buhay ko. Naging madilim ang buhay ko noong teenager pa ako. Natuto akung uminom at migarilyo sa murang edad ng dahil sa hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal sakin ng sarili kung ina. Wala akung pakialam sa mga taong nasa paligid ko at tinuturing ko silang kaaway. Wala akung pinipiling tapakan noon at binansagan akung kambal ni Satanas dahil sa kademonyohan ko.
Nakilala ko si Aslin at minahal ko siya ng buong puso pero sa pangalawang pagkakataon ay kinamumuhian na naman ako ng taong mahal ko. Pinilit kung maging tao para mahalin niya alo pero pinagtatabuyan niya lang ako hanggang sa.......Hanggang sa nawala ang mga memorya ko at napalitan ito ng bago. Nalilala ko si Seven at ramdam kung mahal niya ako pero ako na naman ang mag mali dahil hindi ko na naman mahal ang taong mahal na ako. Sadyang mapaglaro ang tadhana at dumating na naman si Aslin at nagpakilalang kaibogan siya ni Seven at bago niya lang ako nakilala.
Nong malaman kung buntis ako sa panganay ko ay gusto kung tumalon sa mataas na building dahil sa galak. Sobra akung excited na makita ang anak ko. At ngayung alam ko na ang lahat ay sisiguraduhin kung, hindi niya mararanasan ang naranasan ko noon. Pupunuin ko siya ng pagmamahal na hindi ko kailan man maranasan sa aking sariling ina.
Kung may mga taong ayaw siya ay ilalayo ko siya sa mga taong yun. I don't want my daughter to suffer the pain that i felt before.