Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw galing sa bintana. Medyo na hawi kasi ang kurtina eh. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at tinignan ang paligid. Nakaramdam naman ako ng kaba at takot ng hindi ko nakita si Marcella sa crib niya.
Walang pang-alinlangang tumayo ako at kahit na naka pantulog lang ako ay lumabas ako sa kwarto ko at hindi na nag-abalang isuot ang stenilas ko. Halos matalisod ako sa hagdan ng dahil sa pagtatakbo ko pababa.
Hindi ko nakita si France at Aslin sa loob ng bahay kaya lumabas ako ng bahay at nakita ko si Aslin na nakatalikud sakin habang karga-karga si Marcella. Pinapa-arawan niya ang namin at tsaka naka-humm habang tinitignan si Marcella. Hinakbang ko ang mga paa ko palapit sa kanila.
"Akala ko kinuha mo na si Marcell."Mahinang sabi ko sa kanya. Binalingan naman niya ako at tinignan niya ako diretso sa mga mata ko.
"Hindi ko gagawin yun. Ikaw ang pinakamahalagang bagay na dapat kasama palagi ni Marcella." Seryosong sabi niya sakin. Malumanay ko lang siyang ningitian.
"Pumasok ka sa bahay." Tipid na sabi niya. Seryoso na naman ang mukha niya kaya napakunot ang noo ko.
"Ako ang drama mo?" Takang tanong ko. He press both of his lips simbulo na nagtitimpi siya ng galit niya. Anu bang nangyari sa lalaking ito.
"Pumasok kana at magbihis! Alic your just wearing loose shirt without a bra and panty shorts for pete's sake!" He said with a gritted teeth. Bigla ko namang naalala na ito lang pala ang sinout ko kaya walang pag-alinlangang pumasok ako sa kwarto para makaligo at makabihis.
Nakatapis na ako ng twalya at itinukod ko ang dalawang kamay ko sa sink at matamang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Sumalubong saking ang ibang kulay ng mga mata ko at ang nakikita ko lang sa mismong mga mata ko ay sakit at lungkot.
Sakit dahil alam kung hindi parin ako pinapatawad ng ama ko dahil sa nagawa ko. Lungkot dahil hindi alo mahal ng mga taong mahal ko. Wala sa sariling hinubad ko ang twalya ang tumumbad sakin ang mga maliliit na piklat ko sa kawatan. Nagtataka ba kayo kung bakit ako natanggap na maging modelo eh may tattoo at mga piklat naman ako sa katawan? Simple lang, tinatakpan muna ni Lesly ng make up ang mga ito bago kami umalis para sa photoshoot.
Isusuot ko na sana ang roba ko ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo at nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita ko si Aslin. Bumaba lang ang tingin niya sa katawan ko at pabalik sa mukha ko. Isinara niya ang pintuan at nilock at naglakad palapit sakin.
"Luma--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng lumapat ang mga labi noya sa labi ko. Nakapikit lang ang siya na tila niraramdam ang mga labi kung nakalapat sa labi niya habang ako ay dilat na dilat dahil sa ginawa niya.
I can't deny that i miss his lips, not just his lips but his entire body. Love the way his lips kiss mine. Ibang-iba ang pamaraan ng paghalik niya ngayun kaysa noon. Maypag-iingat ang mga halik ngayun na tila isang babasagin na bagay ang mga labi ko.
Inilayo niya ang mga labi niya sakin. Ikinulong niya ang mukha ko gamit ang isang palad niya.
"Please give a chance, Alic. I swear i wont hurt you anymore." Mapupungay ang mga mata niya pero alam kung seryoso siya sa mga sinasabi niya. Wala namang mawawala kung bibigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon diba?
"I've been your wife. I give you all but in return you give yourself to your other women. You've been a husband to someone else and that someone else is not me. So im giving a second chance kaya wag na wag muna akung bibiguin, Mr Aslin Gunner." Mahinahon kung sagot sa kanya. Ningitian niya naman ako at dinampian niya muli ang mga labo ko gamit ang labi niya.
"Hinding-hindi na, Mrs. Heldon." Pagak naman akung napatawa sa sinabi niya.
"Nakalimutan mo ba? Divorce na tayo." Taas kilay kung sabi sa kanya na nagpatawa naman sa kanya.
"Did you know that the annulment papers are fake? Kaya asawa parin kita." Hindi ko alam kung bakit ko nagawa ang bagay na yun. Nasampal ko sa ng napakalakas na nagpagulat sa kanya.
"You trick me? Anu pang kasinungalingan ang ginawa mo sakin?! Tell me now! Ilang kasinungalingan pa?" Pagalit kung tanong sa kanya. Hinalikan niya ang noo at mataman akung tinigna pero masama ko siyang tignan pabalik.
"May isa pa." Sabi niya.
"Anu yun?! Sabihin mo para alam ko na! Anung kasinungalingan ba na naman yan?" Hinanda ko ang sarili ko sa maririnig ko. Ayaw ko ng pinagsisimungalingan ako. Nakakapakshet yun.
"Nagsinungaling ako na hindi kita mahal noon eh ang totoo naman ay mahal na kita." Yung feeling na huminto rin ang mundo ng dahil sa salitang binitawan ni Aslin. Hindi ko alam kung iiyak ba ako, sasapakin ko ba siya, papatayin ko ba siya, tatawa ba ako o yayakapin siya. Pero ang ginawa ko ay wala don sa sinabi ko.
Sinampal ko siya ng malakas. Nagulat naman siya.
"What was that for?! Aren't you happy that i love you too?!" Pasigaw niyang sabi pero hanggang ngayunay hindi parin ako makabawi sa gulat ng dahil sa sinabi niya.
"Slap of joy yun! Kung may tears of joy, ako naman ay may slap. Bakit di mo sinabi sakin? Akala ko isa lang akung babaeng wala lang sayo. Bakit ka ganito Aslin?" Umiiyak na tanong ko sa kanya. Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya.
"Nalaamn kung mahal na pala kita nong ilang buwan na ang lumipas nong kinahu ka namin ni Seven sa Canada. Babawi-in na sana kita pero hindi ko naman kayo mahanap. Alam mo ba kung bakit ikaw ang pinili kung ibang bayad kay Seven? Dahil alam kung maproprotektahan ka niya . Sorry sa lahat ng mga ginawa ko Fad. Hinding-hindi ko na kayo iiwan ni Marcella. Hindi ako papayag na mabalik ang nangyari kay Ian noon ay sayo yun mangyari." Ako na naman ang nagulat sa sinabi niya. Don't tell me--
"Hindi ko nga alam kung bakit. Partner ako ng mafia leader pero hindi naman siya ang pinakasalan ko peep bakit sinusundan ka nila eh hindi naman ikaw yun." Napa-awang ang mga labi ko sa narinig ko. Kaya pala pilit niya akung nilalayo sa kanya noon dahil sa panganib na dadating. Panganib ma ginawa ko at nakalimutan ko na. Hindi pweding maglatuluyan ang mafia leader at ang kanyang gangleader partner. Maraming consequences ang haharapin namin dahil sa batas na nilabag namin. Hindi pa niya alam na ako ang mafia leader na partner niya kaya magtataka pa siya. Hindi ko alam kung kailan ko sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung magagalit ba sya o wala lang siyang pakialam.
"Hey, you're spacing out." Mahina niyang tinapik ang pisnge ko kaya napatingin ako sa kanya.
"What?" Mahinang tanong ko. He just tsked.
"Sabi ko, Anung oras ang flight natin mamaya." Bigla ko namang naalala na ngayun na pala ang uwi namin pabalik sa pinas.
"Mamayang gabi na. Kaya pwede bang umalis kana kasi magbibihis na ako at magi-empake narin." Tumango naman siya at bago siya umalis ay hinalikan muna niya ako sa labi.
********
"Ang mga damit ni Marcell, napasok mo na ba?" Tanong ni Aslin sakin ng bumaba na ako dala-dala ang maleta kung saan nandon ang mga gamit ni Marcella.
"Mr, Heldon. Pang ilang tanong mo naba yan?" Inikutan ko siya ng mata at kinuha si Marcella sa bisig ni Lesly.
"Baby, are you excited to see your tita and tito's again?" I kiss her cheseks that make my baby giggle. Kinagat ko ang kamay niya pero hindi yung kagat na magpapaiyak sa anak ko no! Yung playful bite lang.
"So we have to go now." Nauna na si Lesly na lumabas at sumunod naman si France na dala ang isang maleta niya.
"Tara na?" Tumango naman ako kay Aslin at naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko pero isinangtabi ko nalang dahil binigyan ko na siya ng chance eh.
"I love you both." Aslin kiss my temple. Napaawang naman ang mga labi ko dahil sa narinig ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko.
"Don't worry. Hindi naman kita minamadali." At hinalikan na naman ang pisnge ko. Bago lahat ng gesture niyang ito dahil hindi naman kasi siya ganito dati eh. Mas naging sweet na si Aslin ngayun at nararamdamn kung nag-eeffort siya ng husto para makuha niya uli ang tiwala ko.
"Mag cab nalang tayo. Walang magdri-drive sa kotse natin pauwi pag ang kotse natin ang ginamit natin." Sohestyon ni Lesly na sinangayunan naman namin. Tama naman kasi siya.
Magkasama sa isang cab si Lesly at France at kami naman ni Aslin sa isa. Habang nasa biyahe kami at natatawa at napapangise lang ako pag tumawatawa si Marcell dahil sa pagmi-make face ng tatay niyang may tama sa ulo. Pero ang cute ni Aslin grabe. Hindi ko alam na mahilig pala siya sa mga bata.
"My baby princess is so gorgeous like her mom." Napatingin naman ako kay Aslin sa sinabi niya pero pinatali ko ang ekspresyon ng mukha ko kahit gusto ko ng tumawa sa kilig.
"Manahimik ka kung ayaw mong pababain kita." Ngisi lang ang mukong.
"Sos. Ang maldita mo naman, ang sabihin mo kinikilig ka at ayaw mo lang ipakita." He teased.
"Can you drop this man here, Mister?" Sabi ko sa driver na nagpagulat naman sa driver at kay Aslin.
"No! Okay, Im sorry." Taas kamay niyang sabi sakin. I fake smile at binalingan ng tingin ang anak kung 1 month na.
"Your dad is crazy." Nakatingin lang si Marcell sakin. Hinalikan naman siya ni Aslin sa labi niya.
"Your mom is my life." Nakailang puntos naba itong si Aslin ngayung araw at namumuro na tong gagong ito ah. Tinampal ko ang braso niya at masama siyang tinignan.
"Don't kiss her on the lips, Naninigarilyo ka pa!" Galit kung sabi sa kanya. Pinunasan ko ang labi ni Marcella gamit ang malinis handkerchief ko.
"Simula nong nalaman kung buntis ka ay tinigilan ko na ang paninigarilyo kaya nga sumisige na ako sa pagghalik ng mga labi mo." Hindi ko na kaya ang ginawa niya kaya siniksik ko ang mukha ko sa leeg ni Marcella at kinagat ang ibabaang labi ko para mapigilan ang pagngisi.
"Your cute. Para kang teenager na kinikilig, love." My gawd! Lord bakit ganito si Aslin at sumige pa siya sa ginagawa niya.
"Tumigil kana nga Aslin." Inayos ko ang pagkakakagar kay Marcella dahil inaantok na kasi siya eh at nandito na kami sa Airport kaya binayaran na ni Aslin ang driver at una ng lumabas. Tinabunan niya ang ulo ni Marcella paglabas namin para hindi ito mauntog. Magiging mabuting ama talaga siya kay Marcella at sana naman ay hindi na siya sumpungin ng kapestihan.
Umikot siya at kinuha ang tatlong maleta sa likud ng cab at siya na ang nagdala nito dahil nakatulog na talaga si Marcella sa bisig ko. Pagpasok palang namin sa Airport ay pinagtitinginan na kami ng mga tao at alam kung namumukhaan nila kami dahil isa kaming international model dito.
"Aslin. Bakit hindi ka ng disguise? Maraming makakakita sayo at baka malaman nilang may anak kana." May halong pagkabitter na sabi ko sa kanya. Kahiy diretso lang akung nakatingin sa unahan ay naramdaman ko ang titig niya sakin.
"Why should i? Im proud. Im proud that im your husband and the father of our child." Cool niyang sagot sabay kidhat sakin. Itinaas naman niya kamay niya at nakita ko ang wedding ring namin.
"I love you both. I will never do the same mistake again. On s**t mistake is enough." Yumuko siya at hinalikan ako sa labi ko na tinugunan ko naman. I saw his lusty eyes looking at me and kiss my forehead.
"Hoy kayong dalawa! Tama na nga yang sweet- sweet niyo at baka maiwan pa tayo." Sabay irap samin. Itong babaeng 'to ay napakabitter talaga.
Sumunid nalang kami ni Aslin kay Lesly at France. Habang naglalakad siya ay may biglang humarang sa harapan niya at ningitian siya.
"Hi, Miss. Need help?" Napataas ang kilay ko ng kinidhatan ng lalaki ang kapatid ko. Huminto naman si Lesly sa paglalakad kaya napahinto rin kami ni Aslin. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya.
"Stop flirting." Rinig kung sabi ni Lesly sa lalaki sabau irap dito at naglakad ulit. Lalagpasan na sana namin ang lalaking kumausap kay Lesly ng humarang ito sa harapan ko na nagpagulat at nagpahinto sakin at kay Aslin sa paglalakad.
"Your Fire Hunters, right? F*ck! Your so hella hot and beautiful." Hindi niga ba nakikita na may dala akung bata at kung makapagmura siya ay parang kami lang dalawa ang nandito?!
"Get out of our way or i will cut your tongue for cussing and blacking our way. Didn't you see? May bata kaming kasama." Pagalit na saad ni Aslin. Ngayun ay nasa likuran ko na siya at naramdaman kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.
Ang iba ang nagbubulungan ang iba naman ay tumitili sa kilig kesyo daw ang gwapo ng asawa ko! Sarap lang isigaw na may anak na kami at misis niya ako!
"Why do hella care?" Angas na sagot ng lalaki kay Aslin na nagpagalit naman kay Aslin. Napasinghap ako ng biglang suntukin ni Aslin ang lalaki at sabay naman don ang pagsigaw ng mga tao. Biglang umiyak si Marcella dahil sa gulat kaya pinatahan ko pero iyak lang siya ng iyak. Letseng mga lalaking ito!
"Don't mess with my wife!" Dahil sa nagalit ako dahil umiyak ang anak ko ay naglakad na ako palayo sa kanilang dalawa pero umiiyak parin ang anak ko.
"Baby, stop crying na please. Don't worry sasabunotan ko ang tatay mo mamaya." Ang lambing na tinig ko ay naging diin ng mas umiyak pa lalo ang anak ko. Mapapatay ko talaga ang tatay niya! Nagpaka war freak pa kasi eh.
Nakapasok na kami sa Eroplano pero walang humpay parin ang iyak ni Marcella. Namumula na ang mga mata at ilong niya sa kaka-iyak.
"Why is my baby Marcella crying?" Alalang tanong ni Lesly sakin na sinundan naman ni France na nag-aalala rin.
"Tatay niya nagpaka-hero. Sinuntok ang lalaking kumausap sayo kanina,nagsigawan ang mga tao kaya nagulat si Marcella at ito iyak ng iyak at di mapatahan!" Galit kung sagot kay Lesly. Pinapatahan ko si Marcella hinihele ko siya pero umiiyak parin siya at ang nagpa-inis pasakin ay naghe-headbang pa siya! Kaya ayaw ko itong umiiyak eh!
"Baby tahan na." Ganito talaga kasi si Marcella pagginigisin mo sa masarap niyang tulog nagiging wild ang palangiti kung anak! Parang tatay niya, Lion kung magalit.
"Where's Alic?" Rinig kung tanong ni Aslin. Nakita niya namn ako kaya napakunot ang noo niya.
"Bakit umiiyak ang prinsesa ko?" Diin na tanong niya sakin. Masama ko siyang tinignan at saka sinuntok sa tyan niya.
"Ikaw ang may dahilan kung bakit umiiyak tong si Marcell?! Nagsigawan ang mga tao kanina nong sinuntok mo ang lalaking yun. Nagising si Marcella dahil sa sigawan nila kaya patahanin mo ang anak ko kung gusto mong sumama samin pauwi!" Binigay ko si Marcella sa kanya at bahala siyang magpatahan sa prinsesa ko.
"Pagdi mo yan napatahan hindi mo makikita at makakasama ng tatlong araw si Marcella." Seryosong sabi ko at tinakuran na para maka-upo. Na-stress ako sa ginawa niya!
Bumuntong hininga ako at sinouy ang headset ko at nakinig nalang ng music at pinikit ang mga mata ko. Paggalit kasi ako ay hindi ko hinahawakan ang anak ko dahil alam kung mararamdaman niya iyon at mas magpapa-iyak lang sa kanya. Pag nagalit kasi ako ay nanginginig ang katawan ko kaya ayaw kung hinahawakan ang anak ko paggalit ako. Sa lahat ng ayaw ko ay makitang umiiyak ang anak ko. I want her to be happy at ayaw kung umiiyak siya. Pagbakikita kung umiiyak ang anak ko sa harapan ko ay natatakot ako na baka hindi ko siya mapatahan. Ipinangako ko sa sarili ko magiging mabuting ina ako, gagawin ko lahat para sa anak ko.
Naramdaman kung may umupo sa bakanteng upuan na nasakilid ko. Hindi mo man tignan ay sa baho palang ang alam ko na kung sino.
"Love, im sorry. Ayaw ko lang na may umaaligid sayo maliban sakin." Naramdaman kung inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko pero nanatili akung nakapikit.
"Bakit kasi ang gandan at sexy mo. May anak at asawa kana pero marami paring nagkakagusto sayo. Hindi ba nila na iintindihan na akin ka lang?" Palihim kung kinagat ang mga labi ko. Nakaheadset na nga ako pero bakit naririnig ko parin ang sinabi niya? Yan tuloy kinikilig na naman ako imbes na magalit pa ako sa kanya.
"Princess, pinatahan na kita sa pamamagitan ng hele ko sayo pero itong nanay mo na naman ang dapat kung asikasuhin dahil parang mag-memenupause na eh. Pero alam mo princess, feeling ko nagtutulog-tulogan lang yang mommy mo. Gusto lang niya siguro ng kiss para magising siya dahil feeling niya prinsesa din siya. Prinsesa ng mga menopausal." Dahil sa narinig mo ay sinabunotan ko siya na navpasigaw naman sa kanya. Binitawan ko na ang buhok niya at pinalo sa brado niya. Narinig ko namang humagikhik si Marcella dahil sa ginawa ko sa tarantado niyang ama.
"Ang brutal mo naman." Masama ko lang siyang tinignan at kinuha sa bisig niya si Marcella. Nakalimutan ko na dapat umiinom na si Marcella ng gatas na galing sakin.
"Pupunta muna ako sa breastfeeding section." Tumayo na ako dadaanan ko na sana siya ng bigla siyang magsalita.
"Patikim naman ng milk mo, mommy." He said it with a husky tone. Look at him but i just caught him starring at my breast na parang may x-ray ang mga mata niya at nakikita niya ito.
"Magtigil ka nga, Heldon!
_______________________________________________
Nagising ako dahil sa may tumapik-tapik sa mga pisnge ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Aslin na may dalang pagkain.
"Kumain ka muna. Umaga na at may limang oras pa tayo bago tayo makarating sa pinas." Sabi niya sakin habang hinahanda ang pagkain. Wala akung magawa at tinignan lang siya. Ito ang kauna-unahang ginawa sakin to ni Aslin ang paghanda.an ako ng pagkain.
"Si Marcell?" Mahinang tanong ko sa kanya. He glance at me at kahit ilang minuto lang niya akung tinignan ay naaninag ko parin ang kagwapuhan niya.
"Binigay ko muna kay, France, para mapa-inom niya ng gatas. Kumain kana." Kumunot naman ang noo ko ng hindi niya binigay sakin ang kutsara at siya mismo ang naglapit ng kutsara sa baba ko ng may pagkain na.
"Susubuan kita. Gusto kung alagaan ang misis ko na hindi ko ginawa noon." Nakita ko lungkot sa mga mata niya pero agad siyang ngumiti pero hindi naman abot sa mga mata niya ang ngiti niya eh.
"Tumigil ka nga sa ka engotan mo! Kahit hindi mo ako alagaan, Aslin ay okay lang basta wag mo lang akung lokohin." Seryoso kung sabi sa kanya at kinuha ang kutsara at kumain na. Hindi naman siya sumagot pero hinalikan niya ako sa pisnge ko. Sinabayan na niya ako sa pagkain at pilit niya akung sinusuboan kaya sa huli ay nagpasubo na ako.
"Aslin." Tawag ko sa kanya ng malunok ko na ang pagkain sa bibig ko. Tinignan naman niya ako kaya nagpatuloy ako sa pagsalita.
"Tungkol sa humahabol--" Hindi ko pa man natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang ng salita.
"Ayaw ko munang isipin yun. May panahan at ibang oras para dyan. " Ramdam ko ang pagkadiin ng bawat salitang binitawan niya kaya hindi nalang ako nagpumilit nasabihin sa kanya ang totoo. Napagdisesyonan ko kasi na sabihin sa kanya habang maaga pa baka kasi magalit siya sakin pag sa iba niya malaman.