chapter seventeen: Home

3126 Words
"Ma iba tayo. Pano mo napatahan si Marcella kagabi?" Naalala ko ng hindi na umiyak si Marcella nong lumapit at mas nang-asar pa sakin kagabi. "Dinaan ko rin sa paglalambing at pagkiss sa mukha niya. Nagmake face rin ako kaya naman di nagtagal ay tumahan narin ang prinsesa ko." Walang halong yabang na sagot niya sakin habang patuloy parin sa pagkain. Kahit kumakain siya ay ang sext niya parin! Shemay naman, Aslin. Anu ba itong ginagawa mo sakin at naging ganito ako mag-isip? Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Naging tahimik naman kaming dalawa hanggang sa lumapit si Lesly samin na dala-dala si Marcella. "Fire." Mahinang tawag sakin ni Lesly. Pinunasan ko ng tissue ang gilid ng labi ko uminom ako ng tubig at si Aslin ng ang nagligpit ng pinagkainan namin. "Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya at kinuha sa bisig niya ang anak ko. "Si Baby kasi eh nagpopo." Sabi niya habang nakangiwi. Kaya pala binigay niya sakin at di mapinta ang mukha niya. Napatawa naman ako." Sige lilinisan ko muna si Marcella sa cr, kayo muna dito." Kumuha ako ng diaper at pulbos sa bag ni Marcella bago naglakad palapit sa cr. Pagkapasok ko ay hinubad ko na ang diaper ni Marcella at napangiwi ako. "Baby naman ang lakas ng perfume mo." She just giggle so i laugh at her reaction. Nilinisan ko si Marcella gamit ang baby wipes at inulbusan siya. Sinuotan ko narin siya ng diaper niya. Hindi naman kami nagtagal sa banyo at lumabas na kami. Pagkalabas ko ang may nabangga akung lalaki na may dalang baby rin. "Sor-- ZALH?" Nagulat ako ng makita dito ang pinsan ko at dala-dala niya ang pamangkin ko. "Why are you here? This is Aslin's private plane." Takang tanong ko sa kanya habang pabalik-balik ang tingin ko sa anak niya at sa kanya. "So, the bastad didn't tell you? Pinasabay na niya ako kanina ng magkasalabong kami airport. Bibili pa sana ako ng ticket." Paliwanag niya sakin. "Don muna tayo at may pag-uusapan tayo Mr Hunters." Seryosong sabi ko sa kanya bago nagmartsa pabalik sa kinauupuan ko. Naramdaman ko namang sumunod siya sakin. Nakita kami ni Aslin kaya tumayo siya sa pagkaka-upo niya at binigay ko si Marcella sa kanya. "Mag-uusap muna kami ng pinsan ko." Tumango naman siya at umupo sa ibang upuan. Umupo ako sa tabi ng bintana at sumunod naman si Zalh habang nasa bisig niya pa ang baby girl nila ni Allison. Kinuha ko sa kanya ang pamangkin ko and good thing the baby didn't and just smiled at me. "Explain." Walang halong emosyon na sabi ko sa kanya na nagpakunot ng noo niya. "Explain what?" Walang emosyon niya ding tanong sakin. Pagak akung napatawa bago nagsalita muli. "You caused to much pain to your own wife! You didn't listen to her explaination and you just drag your daughter with you not minding if you hurt your wife! And you're here like nothing happened? Are seriously?!" Hindi ko napigilan ang hindi mapasigaw sa galit dahil parang wala lang siya! "Fire, akin muna ang baby, mukhang iiyak na eh." Singit samin ni Lesly kaya bbinigay ko muna sa kanya ang pamangkin ko. Nakaalis na si Lesly kaya bumalik ang tingin ko sa pinsan kung hindi ko alam na gago rin. "And why would i listen to that slut?! She spread her dirty legs for another guy! She don't deserve my love and to mothered my daughter." Ramdam ko ang galit sa mga mata niya pero ang galit niya ay wala sa lugar kaya kawawa siya dahil wala siyang alam. "I pity you. You hurt your wife by listening and seeing the lies. Hindi ako magtataka kung balang araw ay si Allison na naman ang mang-iiwan sayo. You don't know anything, nakakatawa dahil sa panahong yun ay wala ako pero ako pa mismo ang nakaalam sa katotohanan na dapat ikaw mismo ang unang nakaalam. Sana pag-awi natin sa pinas ay di mo pagsisisihan ang ginawa mong pagpa-iyak at pag-iwan mo sa inosente mong asawa." I clench my jaw. Masasaktan ako dahil angyayari to sa kanilang dalawa. Parihas ko silang mahal eh. "I bet you don't have a single clue about your wife's situation right now. My trauma siya ngayun dahil sa kagaguhan." Tulala ko siyang iniwan at hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. Kahit pinsan ko pa siya ay hindi ko ikukunsinting tama ang ginawa niya. Kabit man noon si Allison ay may karapatan pa din siyang maging masaya. Naging kaibigan ko siya kahit sinasabi ng mga kapatid ko na mali ang magkaroon ng koneksyon sa babaing naging kabiy ng asawa ko pero mabait siya at hindi ako nagkamaling ituring siyang kaibigan. Alam ko lahat ang nangyari kay Allison at sa pinsan ko. Naaawa ako kay Allison dahil naranasan niya pa ito. She deserved to be happy. Umupo ako sa tabi ni Lesly na inaaliw ang pamangkin kung 7 months na. Limang buwan narin siyang hindi nakikita ng mommy niya. Sana pag-uwi namin sa pinas ay gumaling na mommy niya. "Fire, mix ang ganda ng baby nila, Allison no? Ang mata at ilong niya ay kay Zalh samantalang ang labi, face shape at buhok niya ay sa mommy niya." Sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Lesly at greenish ang mata niya. "Anu pala ang pangalan niya?" Tanong ko kay Lesly na tinaasan lang ako nh kilay. "Pamangkin mo ito at di mo alam ang pangalan niya? Grabe ha." Pagtataray sakin ng bruha. "Sisihin mo sila dahil hindi nila sinabi sakin." Tumayo nalang ako at iniwan muna si Lesly. Nakita ko naman si France na natutulog sa kabilang upuan habang may headeset na tainga niya. Narinig ko ang boses ni Aslin sa dulo kaya napag-isipan kung puntahan siya. Nakita ko siyang inaaliw ang anak namin na nasa bisig niya. Ang gwapo talaga niya. "Staring is rude." Masama ko nalang siyang tinignan bago umupo sa bakenting upuan sa tabi niya. "Anung pinag-usap niyo?" "I was trying to wake him from his anger. Sinabi ko sa kanyang na pagsisisihan niya ang ginawa niya sa asawa niya." Diin kung sagot kay Aslin ng maalala ko ang kalagayan ng kaibigan ko. Na trauma siya at siya lang ang makakatulong sa sarili niya. "Nakakasira ng bait pag mismo ang asawang babae na lumayo. Alam mo yun?" Napatingin naman ako kay Aslin na mapakla lang ngumiti na nakatingin kay Marcella. "B-bakit naman?" Tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga muna siya bago ng salita. "Pag yang si Zalh nalaman ang totoo at pagsi Allison ay gumising na, for sure magsisisi talaga si Zalh. Kaming mga lalaki kasi ay kahit sa tingin ng iba na matibay kami ay sa kaloob-looban naman namin ay mas durog pa kami sa pira-pirasong salamin. Buhay na namin ang asawa namin, handa kaming mamatay para lang sa asawa namin. Gagawin namin lahat kahit buhay pa ang kapalit mapasaya lang at mabigyan lang namin ng matiwasay na pamumuhay ang asawa't anak namin." Napalunok ako para hindi tumulo ang nagbabadyang luha na gusto ng tumulo. Tinapik ko ang likura niya kaya napatingin siya sakin. I can see pain in his eyes. "P-pinagsisihan mo ba ang ginawa mo sakin noon?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan niya pisnge ko gamit ang isang kamay at marahan itong hinaplos. "I regret everything. Pinagsisihan kung sinayang ko ang oras nong malaya pa tayo yung walang mga taong gusto tayong saktan. Kung hindi ko lang yun sinayangan ay baka naka limang anak na tayo at pang-lima itong si Marcella at may upcoming pa." ******** Kakababa lang namin sa private plane ni Aslin. Nasa unahan sina Lesly at France. Si Zalh naman at ang baby niya ay nasa kilid ni Aslin at hanggang ngayun ay hindi ko parin siya kinikibo. Napatingin ako kay Aslin na nasa tabi ko na karga si Marcella habang nasa likud namin ang ibang staff ng airport na may dala ng ibang bagahe namin. Isang buwan rin mula ng umalis ako at ngayun ay nandito muli ako sa pinas kung saan isinilang ko ang anak ko. Hindi kasi ito ang birth place pero nakabuo naman ako ng masasayang alaala dito kasama ang mga pinsa at mga kaibigan ko. "Nandyan na ang sundo natin." Mahinang saad ni Aslin na nakatingin lang sa unahan. Nakita ko naman si Jeph na nakasandal sa kotse niya kasama si Kehv na kapatid niya at si Jhaiye. "Si Ian?" Tanong ko ng makalapit na kami sa kanya. Nag bro fist naman sila ni Aslin bago niya ako binalingan. "Nasa bahay, makalaki na kasi ang tyan eh kaya hindi ko na pinasama pa." Sagot niya sakin. Ningisihan ko naman sya na nagpakunot sa noo niya. "Ikaw kasi! Hirit ka ng hirit kaya every year ay palaging na bubuntis ang pinsan ko eh." Pabiro kung sabi sa kanya na inismidan niya lang. "Hoy, Baril. Tong asawa mong si Apoy ay nagseselos, buntisin mo din." Nagpintig ang tainga ko sa narinig ko galing sa teteng na si Jhaiye. "Manahimik ka nga! Sumasabot ka eh." Sigaw ko sa kanya na tinawanan niya lang. "Oh, Jhaiye sayo sasakay si Lesly at yung kasama niya at si Zalh. Sakin naman si Baril at Apoy." Nawala naman ang ngiti ni Jhaiye sa mukha niya ng binalungan noya ng tingin si Lesly. Magtatanong sana ako kung ano ang problema ng pumasok na siya sa kotse niya. Pinagbuksan ako ni Aslin ng pinto at binigay muna sakin ang natutulog na si Marcella bago ako pumasok sa kotse ni Jeph at umupo. Inilagay muna ni Aslin ang mga gamit naman sa likud ng kotse ni Jeph at si Kehv naman ang naglagay ng mga gamit nila France sa likud ng kotse ni Jhaiye. "Sa bahay daw muna kayo sabi ni Kulog. " Sabi ni Jeph. "Kulog? Walang tumatawag kay Ian na kulog ah." Sabi ko ng maalala kung walang tumatawag kay Ian na kulog. "Ngayun meron na." Cool na sagot niya. -*-*-*-* "MY GAWD, APOY! Namiss kitang babae ka!" Nasa labas palang kami ng bahay nila Jeph at Ian ng narinig ko na ang sigaw ng taong megaphone- Jonna. Dali-daling kinuha ni Aslin si Marcella sakin kaya nagulat ako pero mas nagulat ako ng may dumagan sakin yun pala tumatakbo pala itong megaphone na ito. "Ang bigat mo, JONNA!" Sigaw ko sakanya. Bumitaw naman siya at kinurot ang pisngi ko. "Jonna! Mag ingat ka nga, baka mapahamak ka sa ginagawa mo eh." Inis na sigaw ni Hero habang naglalakad palapit samin. "Pagpasensyahan muna yan, Apoy. Buntis kasi yang megaphone na yan kaya may baby microphone ng dadating." Sabi naman sakin ni Jeph kaya napatingin naman ako kay Jonna na may umbok sa tyan niya. "Na wala lang ako dito at pag dating ko ay may bola na kayo. " nagulat kasi ako dahil hindi pa sila kasal! "Ang libog mo talaga, Jonna mas inuna mo pa ang honeymoon kaysa sa kasal!" "Hoy FYI! Late kana, Apoy at kasal na kami ni Hero ko." Sabay yakap kay Hero. Ang dami talagang nangyari nong nawala ako. Napailing nalang ako dahil talagang napakalate ko na talaga. Tinignan ko naman si Aslin na hinahalikan si Marcella sa noo niya ang cute niyang tignan at tumataba ang puso ko sa nakikita ko. "Aslin, May tinatago ka palang kasweetan." Ismid na sabi ni Jonna kay Aslin. Tinignan lang siya ng malamig ni Aslin bago niya hapitin ang bewang ko. "Jeph, si Ian?" Tanong ko kay Jeph na abalang nakikipag-usap kay Zalh. "Nasa sa taas kasama ang kambal at si Light." Sagot naman ni Jonna na nakayakap parin sa asawa niya. Ang asawa niya siguro ang pinaglihian niya. Bagay naman silang dalawa at halatang mahal nila ang isa't isa nakikita ko yun sa mga mata nilang dalawa. "Ihatid ko na kayong dalawa sa kwarto niyo." Sumunod na kami kay Jeph ng pumasok na siya sa bahay. Nakakapanibago lang dahil hindi ko naririnig ang boses ni Lesly . Hindi naman siya nahihiya dahil kilala na niya lahat ang nandito eh. Habang umaakyat kami sa hagdanan ay nasa bewang ko parin ang kamay ni Aslin kaya tinignan ko aiya pero kinindatan lang ako ng asong to. "Lesly dito kayo--" pinutol ko si Jeph ng may maalala ako. "Ah Jeph sorry, Si France Dobschner pala katulog ko sa pagbabantay at pagaalaga kay Marcella." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawang nagshake-hands naman sila at mabuti pa si Jeph at di tulad ng lalaking nasa tabi ko! Napakalamig niya talaga pero pagdating kay Marcella ay halos luluhod na. Pinapasok na ni Jeph si Lesly at France sa guesto room para makapagpahinga at kami naman ang hinatid niya sa ibang kwarto para makapagpahinga narin. "Ah, Jeph?" Tawag ko sa kanya ng papalabas na sana siya ng kwarto. "Hmm?" "San ang kwarto ni Allison?" Tanong ko ng maalala kung dito sa bajay nila nakatira si Allison. Nagtalo pa nga si Lia at Ohlin kung sang bahay tutuloy si Allison pero si Ian ay si Ian kaya napapayag niya si Ohlin na dito nalang patirahin si Allison. "Nasa pinakadulo ang kwarto." Maikling sagot niya sakin. "May nagbago ba?" Umaasa ako na sana ay meron na kahiy kunting magandang pagbabago lang. Umiling siya at pilit na ngumiti." Wala, mas grumabe ang nangyari sa kanya noong nakaraang buwan. Ni rereject na ng katawan niya ang mga medisinang tinuturok sa kanya." Nawasak naman ang puso ko dahil sa narinig ko kay Jeph. Hindi na niya ako pinasagot pa at lumabas na siya. Naramdaman ko naman na may yumakap sakin at alam kung si Aslin yun. "Matulog ka na muna at paggumising ka na ay dadalawin natin si Allison. Gagaling din siya kaya wag kanang mag-aalala. Hindi na ako nagprotesta pa at tumango nalang ako. Tinalikuran ko na siya at kumuha ng damit pamalit sa maleta at pumasok na sa banyo. Naligo muna ako at pinatuyo ang buhok ko bago nagbihis at lumabas sa banyo. Nakita ko si Aslin na nakatagilid at nakapikit ang mga mata niya. Nakaharap siya kay Marcella na natulog na rin. Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at kinuhanan silang dalawa ng litrato bago ito ginawang wallpaper. Ang gwapo ni Aslin kahit nakapikit ang mga mata at ang cute din ni Marcella. Napangiti nalang ako at inilagay ulit ang phone ko sa bedside table at tumabi kay Marcella sa right side dahil nasa left side niya ang tatay niya. Bago ko pinikit ang mga mata ko ay nagdasal muna ako at natulog na. -*-*-*-*- "Red lumapit ka, pakurot ng cheeks mo." Utos ni Ian kay Red. Bumuntong hininga naman si Red bago lumapit kay Ian at nagpakurot sa pisnge niya. Si Red kasi ang pinaglilihian niya kaya walang nagawa si Jeph at matalim lang na nakatingin kay Red. "Hoy kulog! Tama na nga 'yan. Kumain kana." Masungit na sabi ni Jeph sa asawa niya. Umirap nalang si Ian bago kumain ulit at si Red naman ay bumalik sa kinauupuan niya at nagsimulang kumain ulit. Limang buwan ng buntis si Ian at magkakaroon na silang kambal na babae kaya tuwang-tuwa si Ian dahil may baby girl na daw siya. Sa peripheral ko ay nakita ko si Zalh na sinusuboan si Zalina. Zalina Mikaela pala ang pangalan ng anak nila ni Allison at nakikita kung mahal na mahal ni Zalh ang anak niya. "Urgine si Ellyn?" Tanong ni Jonna kay Urgine na katabi ng girlfriend niyang si Jhaille. "Ewan ko sa batang yun. Ginayuma siguro ni Green." Natawa nalang ng mahina si Jonna sa narinig niya. May Ellyn at Green na pala ha? May sekreto din pala yung maganda na yun sakin. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng humahangos na pumasok sa kusina ang isang babaeng nakauniform na nurse. "Nerisa bakit?" Kunot noong tanong ni Zaylyx na kambal na lalaki ni Ian. "S-si Ma'am- Allison po... Nagwawala." Agad na napatayo si Zaylyx at diretsong tumakbo. Nakita kung tumayo rin si Ian pero pinigilan siya ni Jeph. "No, stay here. Kami muma ang bahala sa kanya." Sabi ni Ian na parang iiyak na. Hinalikan ni Jeph si Ian sa noo at umalis na din. Masama kung tinignan si Zalh na parang hindi nakahinga sa narinig niya.  ___________________________________________ "Hin-di na niya ako ma-mahal!" Paulit-ulit na sigaw ni Allison habang pilit na kumakawala sa pagkagapus ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ng kama. Nasasaktan akung nakikita siyang ganito, labag man sa loob naming lahat na gapusin ang mga kamay niya ay wala na kaming ibang choice kun 'di igapus ang mga kamay niya. Pilit niya kasing sasakin ang sarili niya ng isang malaking gunting. "Bakit! Bakit... Bakit niyo ako pinipigilan na saksakin ang sarili ko! Wala ng say-say ang buhay ko-o... Iniwan na ako ng asawa't anak ko." Umiiyak na sabi ni Allison. Humiga siya na senyales na pagod na. Ilang sandali pa ay bigla siyang bumalik sa dati yung tulala at nakatingin lang sa malayo habang ang mga mata niya ay may mga luha. "Rasty, may progress na ba?" Tanong ni Ian.Nakikita ko sa mga mata niya na umaasa na sana ay meron na dahil nagawa na ni Allison ang magsalita. Pero nanlamo agad ang mukha ko at ang mukha ng pinsan ko ng umiling si Rasty at bumuntong hininga. "She's getting worse. She's trying to stab herself using the scissor not minding what will going to happen next. Kahit ilang turok pa ng gamot ang iturok ko sa kanya ay nirereject lang ng katawan niya. Pangpakalma lang ang tumatalab sa kanya." Pagkatapos na sabihin ni Rasty yun ay umalis na ang iba dahil sabi ni Ian ay ayaw daw ni Allison na maraming tao sa kwarto niya. Nagulat ako ng biglang sumulpot si Zalh sa haparan ko. Naglakad siya palapit sa asawa niya at tinignan ito. Ang dalawang kamay niya ay nasa bulsa niya at walang emosyon lang siyang nakatingin sa asawa niya. Bakit na sisikmura niyang hindi mag-alala sa sarili niyang asawa? "Did you now that Allison almost die the day you left her? Hindi na siya kumakain o lumalabas man lang sa kwarto niya para siyang natutulog na nakabukas ang dalawang mata. Walang oras na hindi mo makikitang may luha ang mga mata niya. She commetted suicide several times and now look at her... She's staring into nothing and looks like she's blind and she eat her tongue. Naging ganyan siya nong iniwan mo siya. She suffured too much depression so she choose to hide herself in her own emotion. Hindi nakayanan ng utak at katawan niya ang mga nangyayari sa kanya so she shut down herself and im sorry to tell you because a case like this only Allison can help herself." Hindi ko alam na umiiyak na pala ako habang sinasabi sa kanya yun. Tinignan ko siya at nakita ko ang sisi sa mukha niya at walang sabing lumuhod sa asawa niyang nakahiga at niyakap ito. Narinig ko ang mga iyak niya at ilang minuto palang ang lumipas ng narinig ko ang sigaw niya. Naganito siya pag-umiiyak siya, sumisigaw at nagpapahiwatig yun na nasasaktan siya o nagsisisi sa nagawa niya. Ganyan din siya noong namatay ang si Tita Thunlia, ang nanay nila ni Ian. Huminga ako ng malalim sabay sabing " Ang pagkakamali mo ay pwede mo pang itama pero ang sakit na nagawa mo sa sarili mong asawa ay hindi muna mababawi." Pagkatapos kung sabihin sa kanya yun ay lumabas na ako at nagtungo sa kwarto kung saan kami natulog kagabi ni Aslin at ni Marcella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD