Napabangon ako sa sakit ng tyan ko. Hindi ko alam kung bakit dahil wala naman akung kinain na hindi pwede para sakin at sa baby ko. Tinignan ko si Seven na nasa tabi ko na nakatopless natulog. Niyugyog ko siya at minulat naman niya ang mga mata bago siya umupo sa kama at siniksik ang mukha niya sa leeg ko. Sa nagdaang buwan ay mas naging sweet siya sakin at hindi ko mapigilang hindi matawa sa pinapakita niya kahit masakit ang tyan ko.
"Sweetheart. Paki kuha ang gel please. Masakit ang tyan ko eh." May binigay kasi ang OB ko na gel para kung sumakit ang tyan ko ay ilalagay ko ito para mabawasan daw ang sakit. Kabuwanan ko na kasi eh kaua tudo alalay si Seven sakin.
Bumangon siya at naglakad papasok sa banyo para kunin ang gel. Hinimas-himas ko ang tyan ko sa sakit.
"Sweetheart, Lay down." Sinunod ko naman siya at itinaas niya ang sout kung dress at niligyan ng gel ang tyan ko. Ramdam ko ang lamig galing sa gel at ang gaan ng kamay ni Seven.
"Lumalaki na si baby natin, Sweetheart." Nakangiting saad ni Seven sakin. Ningitian ko naman siya. I know that seven will going to be a great father to our daughter.
"You're right and i can't wait to see my baby girl." Ilang himas pa ang ginagawa niya bago siya dumagan sakin ng hindi iniipit ang tyan ko.
"You're so beautiful." Inilapit niya mukha niya sakin bago niya ako halikan sa labi ko na tinugon ko naman. Agad umangkla ang kamay ko sa batok niya. His kisses went down to my neck, sucking the soft spot before kissing my lips again.
Humiwalay siya sakin at humiga sa tabi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"I have to stop. Malapit ka ng manganak at bawal na angkinin kita. Hihintayin ko nalang na lumabas na si baby."
Pina unan niya sakin ang braso niya at hinaplos ang buhok ko bago ako naka tulog ng mahimbing.
-*-*-*-*-
"Wake-up Sweetheart." Rinig kung saad ni Seven sakin habang hinahalikan niya ako sa leeg ko. Tinulak ko naman siya dahil nakikiliti ako.
"Sweetheart, stop! Nakikiliti ako." Pinipigilan ko siya pero itong si pito ay hindi parin tumitigil hanggang sa naramdaman ko na naman ang sakit ng tiyan ko.
"A-aray!" Bigla naman siyang tumigil at hinawakan ang magkabilang bakilita ko.
"Sorry! Nasaktan ba kita?" Alalang tanong niya sakin. Umiling naman ako bago mariin na pumikit dahil sa sakit.
"Sumakit na naman ang tyan ko." Hinalikan niya ang noo ko bago siya tumayo. "Pupunta tayo sa hospital, i think you're on labor. " Wala na akung nagawa kundi sumunod nalang sa kanya. Inuna niyang binaba ang bag kung saan nandon na ang kailangan ko. Rinig ko ang pag-akyat ni Seven at alam kung tumatakbo ito. Bumukas naman ang pinto at nanlaki ang mga mata kung si Aslin pala ang narinig ko at hindi si Seven, anong ginagawa niya dito?
"What are you doing here?" Hindi ko pinahalata sa kanya ang sakit na dulot ng tyan ko. Lumapit ng siya sakin at pinasan ako ng pang-bridal style.
"Hinihintay na tayo ni Seven. Wag kanang malikot." Hinayaan ko nalang siya dahil masakit na talaga ang tyan ko.
Baby wag mo namang pahirapan si Mommy oh.
Ramdam ko ang ingat niya ng bumaba siya sa hagdan at lumabas ng bahay. Natanaw ko naman si Seven na nasa drivers seat na. Lumabas naman siya at pinagbuksan kami ni Aslin ng pinto.an. Ingat parin si Aslin sa pagbaba sakin sa kotse at umusog naman ako para maka-upo siya. Pinagpapawisan na ako kahit malamig naman dito sa kotse.
"Sweetheart, inhale, exhale." Ginawa ko ang sinabi ni Seven habang nakapikit ang mga mata ko. Nagulat naman ako ng pinahiran ni Aslin ang mga pawis ko sa noo ko. Nagmulat ako ng mga mata at nasalubong ko ang kanya. Nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya pero ningitian ko nalang siya bago pimikit ulit at mas naramdaman ko pa ang sakit.
"Pwedeng bilisan mo, Seven!" Sigaw ko dito dahil hindi ko na talaga kaya eh. Hinawakan ko ang kamay ni Aslin at binaliwala ang ilang bultaheng naramdaman ko. Pinisil ko ito bago sumigaw ng mahina.
"s**t! Ang sakit..." Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko sa aking pisngi ng dahil sa sakin. Hinalikan ni Aslin ang noo ko na nagpagulat na naman sakin. Why is he acting this way na para siya ang ama ng anak ko. Ano nalang ang iisipin ni Seven pagnakita niya yun.
"We're almost there." Hinahalikan parin niya ang noo ko pero hindi ko iyon inintindi dahil sa sakit na naramdaman ko.
"Can i ask you something?" Mahinang tanong. Nong araw na nag-away kami ni Aslin ay gusto ko itong itanong sa kanya pero hindi na siya nagpakita sakin kaya ngayum ko ito tatanungin.
"What ?" Mahinang tanong din niya sakin. Pumikit ako ng mariin bago ko siya tignan sa mata.
"Minahal mo ba ang asawa mo kahit 10% lang ?" Natigilan siya sa tanong ko pero agad ding nakabawi. Hindi ko alam kong bakit sobrang curious ako sa asawa niya.
"Kahit 1% ay hindi ko talaga siya minahal." Pumikit ako dahil naramdaman ko na naman itong sakit na hindi ko maipaliwanag. Patuloy kung tinatanong ang sarili ko kung bakit ang ang nasasaktan eh hindi naman ako ang asawa niya.
"We're here." Rinig kung sabi ni Seven. Inalalayan naman nila ako hanggang sa pinahiga ako ng mga nurse sa stretcher. Nakapikit parin ako at tumutulo parin ang mga luha ko sa sakit. My OB checked me sabi niya at manganganak na daw ako pagkaraan ng tatlong oras o higit pa. Kinakabahana na nga ako ngayun dahil hindi ko alam kung pano ko ilalabas ang anak ko sa loob ng tyan ko at kung kakayanin ko ba ito. Hindi ko pa kabuwanan ngayun. Natatakot akung mamatay dahil gusto ko pang makasama ang anak ko at gusto ko ding magkaroon niya ng mga kapatid niya dahil balak kung magka-anak ng lima! Sabihin niyong nakapatibay ng matress ko pero gusto ko talaga yun eh. Ayaw ko kasi ng dalawa lang dahil feeling ko napaka-boring ng bahay pagdalawa lang ang anak ko.
Pagkatapos na icheck ako ng OB ko ay ipinasok nila ako sa isang private room. Bumukas naman ang pito.an at lumabas na ang dalawang nurse na naghatid sakin dito, pumasok naman si Seven at Aslin na mukhang natatae. Ano bang problema ng lalaking ito?
Nilapitan ako ni Seven ang hinalikan ako sa labi ko. Hindi iyon smack kundi torrid kiss ang binigay niya sakin na binigay ko don. Humiwalay siya sakin at nakita ko ang pag-alala sa mga mata niya.
"Nag-alala ako ng husto sa inyong dalawa ng baby ko." Hindi ko alam pero rinig kung diniin niya ang salitang 'baby ko' sino ba ang pinaparinggan niya.
"Lalabas na daw si baby girl natin, sweetheart." Hindi ko mapigilang hindi mapaluha. Excited at kinakabahan kasi ako eh.
"Aren't you happy? Why are you crying?" Hinalikan niya ako sa labi ko pero dampi lang. Hindi ko mapigilang hindi mapahagulhol.
"What if i can't deliver her properly? What if i die and i can't see her growing up? I want to see her , i want her to be safe." Umiiyak na saad ko sa kanya. Niyakap naman niya ako kaya nakita ko si Aslin na nakatingin sakin na may lungkot sa mga mata niya.
******
Nasa labas si Seven at may tinatawagan kaya si Aslin muna ang kasama ko dito. Hindi naman kami nagkibuan dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"Are you excited?" Napatingin ako kay Aslin ng tanungin niya ko.
"Syempre naman sino ba ang hindi? But Im scared. Takot akung hindi ko siya mapanganak ng normal at baka may maging kumplekasyon." Sagot ko sa kanya. Kinakabahan
Kasi ako baka may mali akung nagawa sa pagbubuntis ko at baka may mga side-effects yun.
Hindi siya kumibo at walang pasabing lumabas lang. Hindi ko iyon inintindi dahil mas sumakit na ang tiyan ko at naramdaman ko ang pagdaloy ng tubig sa hita ko. Ramdam ko na ang hindi maipangalang sakit. Pinindot ko ang intercom at patuloy lang sa pagdaing dahil sa sakit.
"Asan kana ba Seven!" Sigaw ko at bumukas naman ang pintuan at pumasok ang dalawang nurse kasama ang isang doktor at si Seven. Agad nila akung nilapitan at inilipat sa DR. Nakahawak lang si Seven sa kamay ko at patuloy na binubulungan na hindi ko na maintindihan dahil sa sakit na naramdaman ko. Nang makapasok na kami sa DR ay umiiyak na talaga ako sa sakit. Pinaghiwalay ng doktora ang magkabilang paa ko bago magsalita.
"In the count of 3." Tinignan naman ako nito at ramdam ko ang pawis sa noo ko.
"Okay, 1.....2.....3.....Push!" Sinunod ko naman siya pero parang wala itong epekto dahil wala naman akung maramdaman kon' di ang sakit.
"Sweetheart, Be strong okay?" Garalgal na pagkasabi Seven sakin. Umiiyak lang ako habang pinapatuloy ko ang panganganak ko . Gagawin ko lahat maligtas ang anak ko.
"1......2.......3...... push!" Umiri ako at ibinuhos ko lahat ng lakas ko pero hindi pa talaga lumalabas ang baby girl ko.
"Kailangan natin itong bilisan dahil nauubosan na ng tubig ang tyan mo Ms, Sanchez at hindi ito makakabuti sa baby at sayo." Umiiyak na ako sa sakit at kahit wala pang sinasabi ang doktora sakin ay umiri ako ng napakalakas at naramdaman kung may lumabas. Napangiti ako dahil nalabas ko na ang baby ko pero wala akung narinig na iyak. Bakit ganon?!
"Hindi humihinga ang baby niya." Nakita ko ang pagkataranta ng doktora at tinapik-tapik ang anak ko pero hindi parin ito umiiyak.
"Baby! Breath for mommy, please." Kahit hinang-hina na ako ay nagawa ko pangsumigaw at napapikit nalang ako at hindi parin humihinga ang baby girl ko.
Seven POV
Pagkatapos sumigaw ni Alic ay nahimatay siya at mas nagulat ako ng makita ko ang flat line na nakakunekta kay Alic. Niyugyog ko siya at pinilit na gisingin pero hindi parin ito gumigising.
"No! Sweetheart! Wake-up please..." Niyugyog ko siya pero pinalabas ako ng mga nurse at sinabihan ko silang iligtas silang dalawa. Gagawin ko lahat mabuhay lang sila kahit ano pa kahit isuli ko pa silang dalawa sa totoong pamilya nila.
"What happened? Where's Alic?!" Napalingon ako kay Aslin na tumatakbo palapit sakin. Yumuko lang ako hinilamos ang mukha ko sa mga kamay ko. Ayaw kong magsalita kasi sobrang kinakabahan na ako.
"The baby is not breathing pariha sila ni Alic." Nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha niya at hindi na ako magtatanong kung bakit. Pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya bumalik ito sa pagiging bato na walang ekspresyon sa mukha.
"Uuwi na ako." Yun lang ang sinabi niya at tumalikod na sakin. Hindi ko nagustohan ang sinabi niya kaya tumayo ako.
"Bakit ka ganyan? Asawa't anak mo ang nandon!" Sigaw ko. Oo anak ni Aslin ang kasama ni Alic sa DR at hindi sakin. Alam niya iyon pero wala parin siyang alam. How can he be this cruel? I know i made mistakes but i will never give away my family!
"Wala akung pakialam kay Alic! Kahit mamatay na siya okay lang basta wag ang anak ko!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinuntok ko siya. Hindi naman siya nanlaban.
"Wala siyang ginawa sayo kon 'di ang mahalin at magpakatanga sayo! Ano bang kasalan ng isang babaeng totoong nagmamahal sayo!? Ginamit mo pa at blinackmail mo pa si Lesly para lang paniwalain si Alic na may relasyon kayo para layuan kana niya!" Totoo yun. Walang relasyon si Lesly at Aslin at blinackmail niya lang si Lesly para sumangayon ito sa plano na ayaw naman gawin ni Lesly para sa kapatid niya. Ang gusto lang naman ni Lesly ay lumayo na sa kapatid niya dahil nasaktan niya ito noon pero hinanap parin siya ni Aslin at ginamit. Hindi ko alam kung anong bagay ang pinangblackmail niya kay Lesly pero alam kung napakaimportante iyon.
"Marcella Alexandra ang ipangalan mo sa ANAK KO at wag kanang makialam sakin. Sayo na si Alic kahit hindi mo pa yan ipakita sakin ulit wala akung pakialam basta't saakin ang anak ko." Gusto ko siyang bugbogin pero ang pangbubugbog sa kanya ay hindi makapagbabago sa nangyayari ngayun kaya hinayaan ko nalang siyanh umalis at iwang ako dito samantalang an mag-ina niya ang nag-aagaw buhay sa loob ng DR.
Napasabunot ako sa buhok ko at natamaan na ako ng konsyensya. Sana ay hindi ko nalang kinuha si Alic sa Canada para hindi maging ganito sa komplekado ang buhay niya. Sana tinanggap ko nalang na hindi magiging akin ang babaeng minahal ko sa tanang buhay ko.
Magkaklase kami ni Alic noon sa Florida at ako ang bestfriend niya sa mga panahon na yun. I call her devil because of her name 'devin' close na close kami at don ko nalaman na mahal ko na pala siya kaya hindi ako nagpaligoy-ligoy at pinagtapat ko iyon sa kanya pero sinabi niyang kaibigan lang talaga ang tingin niya sakin kaya nagwala ako at lumayo sa kanya pero hahanapin ko siya ulit at kukunin.
Nagtataka ba kayo kung bakit naging akin si Alic? Isang gabi ay race kami ni Aslin at balak ko sanang talunin at patayin siya nong gabing yun pero nagbago iyon. Natalo siya at tinanong ko siya kung ano ang ibabayad niya sakin na higit billion. Ang akala ko ay handa siyang magbayad ng bilyon pero imbes na bagay o pera ang binayad niya ay mismong asawa niya ang binayad niya sakin, hindi naman ako tumanggi dahil alam kung mapapadali ang proseso na makuha lo si Alic dahil sa tulong ni Aslin. Kaming dalawa ni Aslin ang kumuha kay Alic sa Canada non ang napag-usapan lang namin ang kunin si Alic pero may itinurok itong drugs para makalimutan ni Alic ang nakaraan niya. Hindi naman kami nabigo dahil umipekto naman. Habang tulog pa si Alic dahil sa drugs na tinurok sa kanya ni Aslin ay nabigla ako ng napansin lumaki ang tyan nya kaya tumwag ako ng doctor at napag-alaman kung buntis pala siya. Hindi ko na pwedeng tanungin kay Aslin kung anak ba niya ang dinadala ni Alic dahil obvious naman. Hindi alam ni Aslin non na buntis si Alic kaya nong nalaman niya ay binibisita na niya si Alic sa bahay. Sinabi niya saking kukunin niya ang anak nila ni Alic pagnanganak na ito. Gaya ng sabi nilang isang demonyo si Aslin Gunner Heldon at kung ano ang gusto nito ay mahahawakan niya. Pero ang apilyedo lang niya makukuha sa anak niya dahil hindi ako papayag niya na kunin ang isang bagay ma pag-aari ni Alic.
_________________________________________________
Dire-diretso akong pumasok sa front door.
"Sinong yung kalandi.an mo sa labas?" Natigilan ako at napaharap ako sa living room. Nakita ko si Aslin na may hawak na basa ng alak.
"Hindi ako lumalandi, Aslin. Kaibigan ko lang siya." Sagot ko sa kanya. Lumapit naman siya at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.
"Ma-sakit A-aslin... Bitawan mo nga a-ako." Nagpupumiglas ako sa hawak niya pero sadyang mahigpit ang hawak niya sakin.
"Sumasagot kana sakin ha?! Nawala lang ako ng ilang buwan dito nakikipaglandi.an kana?! " Sigaw niya sakin.
"Ikaw nga kakadating mo lang magkas*x kana- "He cut me off by slapping me hard.
Dahil sa lakas ng sampal niya sakin ay natumba ako. Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya, ang sakit lang. Pinahiran ko ang dugo sa gilid ng labi ko.
Hinawakan niya ng mahigpit ang buhok ko at pinatayo. " Tangina mo! Bweset ka talaga sa buhay ko ?! Dahil sayo hiniwalayan ako ng babaeng mahal ko... Nagpakasal ako ng maduming katulad mo." Napadaing nalang ako sa sakit at pilit na kumawala sa kanya. Hindi kuna mapigilan ang hindi umiiyak sa sakit na ginawa niya sakin.
Marahas niya akong binitawan kaya natumba na naman ako. Humikbi lang ako ng humikbi para akong na pepe.
****
Gumising ako nang maaga ngayun para asikasuhin ang asawa ko. Pinonytail ko ang buhok ko saka magbihis ng loose shirt at short shorts ng masatisfied ako sa itsura ko ay nagjog ako pababa at nagluto na.
Sakto naman na tapos akong manghain ay bumaba na si Aslin na naka office attire na.
"Goodmor-"
"Manahimik ka nga maririndi ako sa boses mo." Basag niya sakin bago umupo at simula ng kumain. Tiningnan niya ako kaya naman ngumiti ako para hindi niya makita ang lungkot sa mga mata ko.
Kinuha ko ang coffee niya at inilapag sa lamesa. Umalis muna ako at pumunta sa sala para manoud muna ng TV. Hindi muna ako sumabay sa kanya sa pagkain baka magalit naman siya sakin.
Nakatoun ang atensyon ko ngayun sa palabas sa TV kaya nagulat nalang ako ng sumigaw si Aslin.
"AY PUTA KANG BABAE KA! BINGI KABA!? SABI KO LIGPITIN MUNA ANG PINAGKAINAN KO WALANG KWENTA!" Lumapit ako sa kanya at ningitian na naman siya. Kahit saktan niya pa ako at sigawan hinding hindi ko pagsasawaang ngitian siya kahit sa kaloob looban ko ay nasasaktan na ako.
Inayos ko ang tie niya at pinagpag ang pangitaas niya. I feel him stiff that makes me happy, kahit papano ay may epekto parin pala ako sa kanya.
"Have a good day Mr Heldon. Take care, i love you." E ki-kiss kuna sana siya sa pisngi niya ng tinulak niya ako ng napakalakas dahilan para madapa ako at bumangga ang tuhod ko. Gusto kong sumigaw sa sakit pero pinigilan ko kaya napaluha nalang ako.
"M-malalate kana, Aslin." Hindi ko siya hinarap at patuloy lang na nakayuko.
*****
Hinakot ko lahat ng mga damit nila Aslin at Lesly para malabhan ang mga damit nila. Bumaba ako at dimeretso sa labahan para makapaglaba. May washing machine kami pero mas panatag ako pagikakamay ko. Narunong naman ang maglaba eh dahil ako mismo ang lumaba ng damit kung may mga dugo para di ako mapagalitan ng papa ko noong nagrerebelde ako.
Kumuha ako ng dalawang balde at hinati ang mga white shirts sa mga colored shirts inilagauy ko ito sa nga balde bago lagyan ng mga tubig . Nilagyan ko ng Ariel powder ang dalawang balde at nagsimula ng maglaba. Inuna ko munang labhan at ang mga colored shirts bago ang mga white shirts.
Nang matapos na akung maglaba ay sinampay ko na ang mga nilabhan ko kaya ng matapos ako ay halos humiga na ako sa couch sa pagod. Ang dami kasing damit ni Letse na nilabhan ko eh ang sarap ngang sunogin!
"HEY WAKE UP!" Napamulat nalang ako ng sumigaw sa harapan ko si Letse at naka cross arms pa ang bruha. I just give her s 'Duh' look.
"Akala mo siguro no na nakalimutan kuna ang ginawa mo sakin kanina? Well you're wrong!" Tumayo ako at boring na hinarao siya.
"Alam mo Lesly paghindi ako nakapagtimpi papatulan na talaga kitang bweset ka!" Sigaw ko din pabalik sa kanya. Walanghiya to! Ako pa ang pinalaba ng mga damit niya at ngayun aawayin niya pa ako edi bweset siya!
Craaashhh*
Galit niyang binasag ang vase at sinabunutan ako kaya ako tong si hindi nagpapatalo ay pinatulan na ang bruha. Mas sanay ako sa kanya sa mga ganito kaya madali lang sakin na itulak siya. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang front door at iniluwa nito si Aslin na halatang nagulat pero kalaunan ay napalitan ito ng galit at dali-daling naglakad palapit sakin at sabay sampal.
"HOW DARE YOU! , WHO DO YOU THINK YOU ARE? You have no rights to push her, Alic she's pregnant with our baby!" Halos mabulagtan na ako sa kinatatayoan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kung ako ang mabuntis pero hindi ko gustong magka-anak si Aslin sa iba!
Binitawan niyo ako ng marahas kaya napa-upo ako sa mga bubog nagaling sa basag na vase. Tinignan ko lang silang dalawa na nagyakapan at hawak naman ni Aslin ang tiyan ni Lesly.
Malakas ko siyang tinulak sabay sagot sa kanya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akung naging yelo at wala manlang maramdaman na sakit dulot ng mga sugat pero nararamdaman ko ang sakit ng puso ko. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko at hindi ko man ito magawang punasan.
Magkaka-anak silang dalawa. Masaya sila sa isa't-isa. Mahal nila ang isa't-sa at ako lang ang sagabal sa kanila.
Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kung tumayo at nilagpasan lang silang dalawa at alam kung nakatingin sakin si Aslin. Umakyat ako sa taas at nagkulong.
Minulat ko ang mga mata kung punong-puno ng luha... He hurt me again. Pero mas masakit ang ginawa niya ngayun sakin. Naalala ko ang araw na nag-usap kami ni Aslin at sinabi niyang malas lang sa buhay niya ang anak namin. Yes, i remember everything now. Asawa ko si Aslin noon at si Seven ay kaibigan ko noon, the two of them betray and lie to me. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayung alam ko na ang lahat. Napa-iyak ako hanggang sa bumukas ang pintuan at bumungas sakin ang isang nurse na may daling folder. Nagulat naman siya ng makita ako at agad na nilapitan ako.
"Ma'am are you okay? May masakit po sayo?" Umiling lang ako ar pinahiran ang mga luha mga mata ko.
"Ilang araw na ako dito?" Tanong ko sa kanya.
"Mag dadalawang linggo na po kayo dito, ma'am. Good thing you survive po at pati ang baby girl niyo." Napangiti naman ako ng marinig ko ang tungkol sa anak ko. Akala ko ay mawawalay na siya sakin ng tuluyan.
"Can you bring my baby here? At pwede paki discharge niyo na ako." Madaliang sagot ko. Baka kasi maabutan pa ako ni Seven at Aslin dito.
"Sge, pero hintayin lang po natin ang kasama---" i cut her of.
"No need. I can handle myself so would you please bring my daugther here and discharge me." Puno ng awtoridad saad ko sa kanya. Alam kung nakakatakot ang boses ko pagginawa ko yun pero wala akung pakialam. All i need now is to get rid of Aslin.
Sure as hell i will give him back the nightmare that he give to me.
I hate him very much.