Chapter eleven: Slap

3090 Words
"Seah Euvilla." Pagpapakilala ko rin sa kanya. Nagtitigan lang kaming dalawa na parang ilang taon kaming hindi nagkita kaya ganon kami katagal nagkatitigan. "Please take a seat." Umupo naman siya at umupo rin ako sa isang pang couch na nasa harapan niya. Nilagay niya ang dalawang siko niya sa magkabilang tuhod niya bago tumikhim at nagsalita. "Im Seven's friend. I think you're his..." Tumigil siya na para bang lason ang susunod niyang sasabihin."Fiancee." "Oh, yes i am. So may kailangan kaba kay Seven?" Tanong ko sa kanya na hindi inaalis ang tingin ko sa mga mata niya. "Actually nandito ako para lang makipag-usap sa kanya." Plain na sagot niya sakin. "Aslin, Can you tell me about your self? Nakilala naba kita noon? Sorry kung hindi kita maalala na aksidente kasi ako kaya ako nagka-amnesia." Nagbabakasakaling nakilala ko na siya noon dahilan para maging ganito ang reaksyon ng katawan ko. "Nga-ngayun lang tayo nagkakilala." Napatango nalang ako dahil gusto kung iwaksi ang pagkadismaya ko. "Tell me about yourself then." Ningitian ko siya at ang mga titig naman niya sakin ay nakakahawa. "Im Aslin Gunner Heldon. Im turning 28 next month and i have 2 siblings. I own a shipping line company." Saad niya pero parang may gusto pa akung marinig mula sa kanya kaya bago ko mapigilan ang bibig ko at nasabi ko na. "Are you single?" Agad kung nasapo ang bibig ko sa nagawa ko pero bago pa ako makapag-sorry ay naunahan na naman ako. "Im....Im Divorce." Tinitigan niya ako at halos mahigit ko na ang hininga ko sa narinig ko. Bakit sila nag divorce ng asawa niya? "Why are you two split up?" Wala sa wisyo kung tanong sa kanya. Bigla naman akung nahiya sa titig na ipinukol niya sakin. "Cause i don't love her. And i never will." Diin na sabi niya. Para namang gumuho ang mundo ko sa sagot niya. Hindi naman ako ang asawa niya pero bakit ako nakaramdaman ng ganitong sakit? Magtatanong pa sana ako kung bakit niya pinakasalan ang babae kung hindi naman pala niya ito mahal pero bago ako makapagtanong ay... "Sweetheart." Awtomatiko naman akung napatayo ng marinig ko ang boses ni Seven. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi ko sa harapan ni Aslin. "Nandita kana pala, Aslin." He smiled to Aslin pero pagtingin ko kay Aslin ay nakatitig lang ito sa kamay ni Seven na nasa malaking umbok na tyan ko. "Hindi mo nasabing buntis pala siya." Diin ang pagkakasabi ni Aslin kaya nagulat naman ako. Pero mas nagulat ako ng makita ko ang pagkuyom ng kamao niya. __________________________________________________ Nandito parin si Aslin at hindi ko alam kung hanggang kailan siya mags-stay dito sa bahay namin. Hindi naman sa ayaw kung nandito siya kasi itong puso ko...hindi tumitigil sa pagtambol pagnakikita siya kahit wala naman siyang ginagawa sakin. Nasa kusina ako ngayun at nagluluto ng pananghalian namin ni Aslin. Nasa trabaho kasi si Seven ngayun at day-off naman ang dalawang kasambahay namin pati rin si Manong kaya kami lang dalawa ni Aslin sa bahay. Hindi ko siya nakita kanina dahil late na akung nagising at wala akung kasama sa pagkain kanina. Halos 15 minutes na ang nakalipas simula ng matapos akung maghain kaya napagdesisyonan kung pumayak at tawagin siya sa guestroom kung san siya natutulog. Huminga ako ng malalim bago ako kumatok sa pinto.an pero wala namang sumagot. "Aslin?" Tawag ko sabay katok at gaya kanina ay wala paring sumagot. Pinihit ko ang siradura ang pumasok. Nilubot ko ang paningin ko pero wala si Aslin. "Asli--" Narinig ko ang pagsara ng pinto.an mula sa likuran ko. Para naman akung naestatwa sa kinatatayuan ko dahil hindi ko man lang magawang lingunin iyon. Nasa harap ko ang pinto.an na pinasukan ko at ngayun alam kung ang pinto.an na ngayuy narinig ko ay ang pinto.an ng Cr. Hinay-hinay akung humarap na sana ay hindi ko nalang ginawa. Aslin is half naked and his abs is screaming of hotness. His body is wet and the water from his hair is dripping down to his board chest. Nahiya ako dahil sana ay hinintay ko nalang siya sa labas ng kwarto niya. Nilipat ko ang tingin ko sa mga mata niya at ngayun naman ay tinititigan na naman niya ako ng napakadiin. "Ahm--sorry kung pumasok ako. Gusto ko lang sabihin sayo na handa na ang pagkain." Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. Naglakad siya palapit sakin bago nagsalita. "Ilang buwan kanang buntis?" Tanon niya sakin. Mas nagulat pa ako ng lumuhod siya. "Can i touch it?" Balik tanong niya na hindi inaalis ang tingin niya sa tyan ko. "I-im 7 months pregnant at okay lang na hawakan mo." Naramdaman ko naman ulit ang elektrisidad ng hawakan niya ang tyan ko. At mas nagulat ko ako ng hinalikan niya ito at gumalaw ang baby girl ko. "What was that?" Takang tanong niya. "She kicked." Ngumiti naman siya at dinamdaman ang bawat pagpatid ng baby girl ko. "Babae pala siya." Manghang saad niya habang hinimas-himas parin ang tyan ko. "Anong ipapangalan mo sa kanya?" Ngayun ay tinignan na niya ako. I can see happiness in his eyes. "Marcella Alexandra." Sagot ko naman sa kanya. Tumayo na siya at ang lapit-lapit ng katawan niya sakin. "Apelyido?" Nabalik ang tingin ko sa mga mata niya ng dumiin na naman ang pagkakabikas niya. Ano bang problema nito? "Mag-uusap pa kami ni Seven dahil hindi pa kasi kami kasal." Malumanay kung sagot. Yumuko naman siya at tumalikod sabay lakad palapit sa kama niya. Sumasabay ang mga muscle niya sa bawat paglakad na ginagawa niya. Ngayun ko lang napansin na mag tattoo siya sa tagiliran niya numbers ang lahat ng iyon. '1 4 3 1 3 2 4 5 5 ' Na-isipan kung lumabas na dahil nakaka-awkward na kasi eh. "Aslin, Labas na ako at hihintayin nalang kita sa kusina. Sabay na tayong kumain." Hindi paman siya nakasagot at tumalikod na ako saka pinihit ang siradora. Pagkalabas ko palang ay huminga ako ng malalim dahil feeling ko nasuffocate ako sa loob ng kwartong iyon na kasama si Aslin. Pinagpag ko ang damit ko kahit wala namang dumi tsaka naglakbay patungo sa paraiso ng mga pagkain! Nagugutom na ako sobra... Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain kasama ko Aslin ng magring ang phone niya. Kumunot naman ang noo ko ng sinagot niya ito sa harapan ko. "Hello.... Eran?" Sagot niya habang matiim na nakatingin sakin. Eran... pagkarinig ko palang ng pangalan na yun ay may kung anong ligaya mula sa kaloob-looban ko. "I try my very best to find her pero hindi ko parin siya nakikita." Diin parin ang pagkakabigkas niya. Sino kaya yung hinahanap nila? Hindi naman siguro yun importante kung hindi nila yun hinahanap diba? So that girl must be important to them... Pero hindi naman lahat ng hinahanap ay importante diba? Nakipag-usap pa siya sa 'Eran' na sinasabi niya hanggang sa matapos kaming kumain at nahugasan ko na lahat ng pinggan na ginamit namin. Lumabas ako ng at naglibot-libot. Hanggang sa mapunta ako sa likod ng bahay. Nakakita ako ng isang canvas at ilang painting tools. Nangati naman ang mga kamay at ang sunod kung ginawa ay nagpaint ako pero hindi ko alam kung ano. I started to paint the face shape then to the eyes which i colored it into a crystal gray eyes then to its nose down to the pinkish lips. After that i started to paint the hair that is colored by red. May inayos pa ako sa mukha niya, hindi ko nga alam kung sino ang babaeng ito pero familiar siya peeo hindi ko naman alam ang pangalan niya. Dinala ko ang canvas papasok sa bahay habang tinititigan ko parin ito. "Hey." Awtomatikong nabitawan ko ang canvas na dala ko dahil sa gulat. Pinulot naman ito ni Aslin. "Why did you paint this?" Tanong niya habang madiin na nakahawak sa canvas. "I don't know. Bigla ko lang na paint yan. Hindi ko nga kilala ang babaeng yan." Pagtutukoy ko sa paint na ginawa ko. "Hindi mo ba talaga kilala ito?" Umiling ako dahil hindi ko naman talaga kilala ang babaeng yan. "I have a question for you." Mahina pero diin na naman niyang sabi. Those dark brows that him more handsome with his brownish eyes. "Ano yun?" "If your memories will comeback. What will you do?" Kuryusong tanong niya. Napakunot naman ang noo ko. Bakit ba interesado siya? Sino kaba talaga?! "Hindi ko alam. Pero gusto kung bumalik na ang memorya ko para hindi na ako nalilito ng ganito. Dahil hindi madaling makalimut." Mahabang saad ko. Pumikit siya ng madiin bago niya ako yakapin na nagpagulat sakin. "Sana hindi ko nalang ginawa..." ******** Nagising ako sa sinag ng araw mula sa kurtinang medyo naka bukas. Babangon na sana ako ng may naramadaman ako sa tyan ko. Braso pala ni Seven nakapulupot sa bewang ko. Dahan-dahan ko itong tinanggal dahil gutom na rin ako kaya magluluto ako. Naligo na ako at nagbihis pagkatapos. Bumaba na ako at dumeritso sa kusina. Wala na si Aslin noong nakaraang araw lang. Pagkatapos niya akung bigyan ng nakakagulat na yakap ay hindi na siya bumalik pa. Hindi ko rin alam kung bakit ko pa siya  hinahanap-hanap. Bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy nalang sa pagluto. "Goodmorning sweetheart." Seven kiss my cheek then to my lips. Bagong ligo din siya at tinulungan niya ako sa paghain . Pina-upo na niya ako at sumunod siya sa pag-upo sa harapan ko. "What do you want to do today?" Tanong niya habang nasa kalagitnaan pa kami ng pagkain. "Wala ka bang trabaho, Sweetheart?" Balik tanong ko sa kanya. "Wala. So may time ako ngayun sa mag-ina ko." He smile. Ang cute talaga ni Seven. "Alam mo ang cute mo!" Inabot ko ang pisngi niya at kinurot ito ng napakadiin. Nanggigigil kasi ako . "Nabibinat na mukha ko, Sweetheart. Pero pag ikaw ay okay nalang kahit masakit. Kasi tatanggapin ko ang lahat ng sakit para sayo." Alam kung double meaning iyong dahil nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko nalang inintindi iyon at tumawa nalang. "Sweetheart, Can you buy me some Strawberry and pinapple?" Nagpuppy-eyes ako para epektado at para bilhan niya ako sa gusto ko. "Anong gagawin mo?" Nakakunot noong tanong niya. Binigyan ko naman siya ng boring look. "Seven Euvilla, Kailan ka naging bobo? Ang strawberry at pineapple ay pagkain kaya obviously kakainin ko yun!" Umismid ako dahil sa kabobohan nitong si Seven. Tinawanan lang ako ng unggoy at nilapitan ako. He pinch my nose and give me a quick kiss. "Sweetheart, Smile okay? Baka paglabas ni baby ay nakasimangot din siya." Kabobohan na naman. "Sweetheart, syempre sisumangot si baby dahil iiyak siya paglabas niya alangan naman paglabas niya ay sumayaw siya  ng twerk it na saya? Kabobohan earth."  Pamilosopo ko. Humagalpak naman siya sa tawa at niyakap ako. "Hintayin mo ako dito at bibilhan ka ng hari mo ng pagkaing gusto mo. Dahil ang hari na ito ay gagawin lahat mapasaya ka lang." Agad na nawala ang saya sa mga mata niya at napalitan ito ng lungkot. Bago pa ako makapagtanong ay mabilis ako nitong hinalikan at nagjog palabas ng kusina. "Wait for me, Sweetheart!" Rinig kung sigaw ni Seven. Napagtanto ko lang na parang may iba kay Seven ngayun. Hindi sa kilos kundi sa pananalita mismo. Bakit ang mga tao sa nagdaang araw na ito ay napaka weird? Tumayo nalang ako at hinugasan ang pinagkainan namin ni Seven at nagmartsa papunta sa sala para manoud ng TV. Ang boring kasi dahil wala ako nakaka-usap dito, hindi pa kasi bumalik ang kasambahay namin dito pati narin si Manong driver... Nasa kalagitnaan ako ng panonoud ng tumunog ang phone ko. Hudyat na may nagtext sakin. Unknown number Seah... Sino naman to? Ayaw ko namang e-seenzone ang tao kaya nag-reply ako. Sino to? ***send Tumunog ulit ang phone ko kaya binasa ko ang text. Unknown number It's me, Aslin. Halos mabitawan ko ang phone ko ng dahil lang sa nabasa ko. Bakit ganito anh reaksyon ko? It's me, Aslin lang naman ang nakalagay wala namang i love you, Seah.  At bakit yun ang naisip ko?! Tong utak ko ay malandi rin. May kailangan ka? Wala si Seven, umalis. ****send Aslin I know, nasa likud mo ako. At ngayun ang nahulog na talaga ang phone ko at naestatwa ako sa kina-uupo.an ko. Nasa likud ko siya? Bakit di ko napansin ang pagpasok niya? Dahan-dahan akung tumayo at saka hinarap si Aslin na ang dalawang kamay ang nasa bulsa niya at naka white muscle tee and black jeans lang siya. Lumunok naman ako ng ikabente dahil para akung guest sa iaang photoshoot at si Aslin ang model. "Na-ndito ka pala? Hindi ko na pansin." Gawd! Bakit parang na pepe ako sa harapan niya? Para naman akung isdang nahuli nito at hindi na makahinga. Hindi siya sumagot at naglakad lang siya palapit sakin. Mas nahigit ko naman ang hininga ko sa bawat paglapit na ginagawa niya. Then i feel his breath against my cheeks. His luscious lips was slight open it's like his inviting mine . Mariin akung pumikit at yumuko. Shet tong pusong kabayo na ito. "Anongg kailangan mo, Aslin?" Nakayuko paring tanong ko. Ayaw kung salubungin ang mga matang malalamig. "I want to tell you that i know the person you paint." Napa-angat naman ako sa ulo ko. Hindi maari yun. "Nagkakamali ka. It was just a paint. Ang mukha na iyon ay hindi nag-exist at imposible namang magpaint ako sa taong hindi ko naman kilala diba? Kaya nagkakamali ka lang talaga." Lumayo ako ng kunti sa kanya kasi nagiging close na kami. "No, i know her. And you know her too." Umulan ba ngayung ng kabobohan? "Ay bobong-gwapo. Anong pinagsasabi mong i know her dyan?! Bumaliktad ba yang utak-brain mo at nagkaganyan ka? Hindi ko siya kilala mamen!" Inikot ko ang ilong ko- este ang mata ko pala dahil gosh stress lang si buntis. "Yeah, you're so smart. How can you recognize her if you lost your memory? diba wala kang maalala edi nakalimutan muna siya. Hayyy bobo." Well nahawa siguro ako sa kabobohan ni Seven at nakalimutan ko ng nagka-amnesia pala ako. Nanlaki ang mga mata ko. Hinawakan niya ang sintido niya at " stress." Bakla na itong gwapo na 'to? "So... sino siya?" Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang bewang ko at seryoso siyang tinignan. "She's Ian Andrews. Pinsan mo siya at asawa niya si Jeph. May tatlong anak na sila na sina Frazel, Hazer  at Light at ngayun ay isang buwang buntis." Napaawang ang labi ko. Wala akung kaalam alam na ang babae pala sa paint ko nong isang araw ay anh pinsan ko pala. Gusto kung maiyak dahil para akung tanga na walang alam. Hindi ko nga alam kung ano ang pangalan ng mga kapatid ko pato pangalang ng tatay at nanay ko ay nakalimutan ko narin isali mo pang ang mga mukha nila na hindi ko matandaan. Bago pa ako maiyak ng tuluyon ay tinanong ko ulit si Aslin kung ano pa ang kailangan niya. "May kailangan kapa ba?" Mahina kung tanong habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. "I want you to wait." Seryosong saad niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Naka-shabu kaba? Anong wait ang sinasabi mo dyan?" Itong si Aslin ay mukhang galing mental at hindi pa nakamove-on. "Damn, Yang bunganga mo Alic..." Nangunot ang noo ko sa narinig kung pangalan. "And who the f**k is Alic?" Tanong ko naman. He lick his lower lips then blink twice. "Sorry, she's my ex-wife." Napatayo naman ako ng maayos sa narinig ko. Okay tinawag niya ako sa pangalan ng dati niyang asawa. "Wala kana bang balak balikan siya?" Nagulat siya at nagulat rin ako sa tanong ko pero bahala na. Gusto ko ring malaman kung balak paba niyang balikan ang ex-wife niya. "Hindi ko na kinakain pabalik ang sinusuka ko. It means wala akung balak balikan ang babaeng iyon. ******* Hindi ko alam pero malakas kung sinampal si Aslin sa narinig ko. Nag-init ang gilid ng mga mata ko dahil sa galit. "What kind of a father are you? Pati anak mo idadamay mo sa kagaguhan mo! I know that i don't have the right to be mad at you but you can't blame me! Im a mother too at alam kung masakit yun pagnalaman mong pati ang anak mo ay kinamumuhian din ng asawa mo. Buti din siguro na pumayag ang asawa mong mag-hiwalay kayo dahil wala kang kwentang asawa." Pinahiran ko ang luha na lumandas sa pisngi ko. Bakit ba ako ang nasasaktan ng ganito eh hindi naman ako ang asawa na tinutukoy niya.  Tinignan ko siya ng mariin ng sumagot siya. "Siya ang dahilan kung bakit hindi ako naging malaya sa panahong sakal ako!" Sigaw niya sakin. Bakit ganito siya? "Kung siya ang pinoproblema mo wag mung damayin ang anak niyo-" Hindi ako na tapos dahil biglang dumating si Seven na nakakunot noo. "What did you do to my wife?" Diin na tanong ni Seven habang bagya niyang tinulak si Aslin. "I didn't do anything. She keeps on asking me at nagalit siya sa sagot ko." Binalingan niya ako ng tingin." Bakit ka nagre-react ng ganyan hindi naman ikaw ang asawa ko." Ramdam ko ang sakit na dumaloy sa puso ko. Para akung pinana sa at sa puso mismo ito tumama. May sinabi pa si Seven pero nabingi ako sa sinabi kanina ni Aslin. "Sweetheart, Are you okay?" Alalang tanong niya. Napagtanto ko na wala na pala si Aslin. Tumango ako kay Seven at niyakap siya ng mahigpit. "Bakit ganon siya sa asawa't anak niya? Bakit dinadamay niya ang anak niya sa problema niya sa asawa niya." Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg ni Seven at patuloy na umiiyak. "Don't worry i will never let you feel the way he reject his wife and his child. " Mahinahon na saad ni Seven bago ako halikan sa ulo ko. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya bago humiwalay. "Nabili ko na ang strawberry at pineapple mo. Kainin nalang natin to." Maglalakad na sana siya palapit sa couch ng pinigilan ko siya. "Sinong may sabing makikipag-share ako sa strawberry at pineapple ko?" Sumingot naman siya. "Ikaw sweetheart ha. Nagiging madamot kana sakin." "Anong madamot! Sa ibang kwarto ka matulog ngayung gabi dahil sinabihan mo akung madamot!" Nanlaki naman ang mga mata niya at madalian akung nilapitan at pina-upo sa couch. "Sweetheart. Sige kain kana magpakabusog kaha? At hinay-hinay lang baka mabulunan ka." Inirapan ko nalang siya at simulang kainin ang dinala niya. Jurine POV "Ano na Charl? Na nahanap mo na ba si Aslin?" Rinig kung tanong ni Jonna kay Charl na abala sa paghahanap kay Aslin sa computer. Hindi na kasi ito nagpapakita at ngayun ay mag iisang taon ng wala si Alic. "Walang Aslin Dushton Yhuli dito." Sabay naman kaming lahat na napatingin sa kanya. Nagtaka naman siya. "Bakit? May nagawa ba akung mali?" Tanong niya na nakakunot na nakakunot ang noo. "Nagpapatawa kaba?! Anong DUSHTON YHULI PINAGSASABI MO! NA AMNESIA KABA?! ASLIN GUNNER HELDON PANGALAN NI ASLIN OY! " Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig niya mula kay Reyiel. "Eh yun ang pakilala niya noon sakin eh." "Kaya pala hindi mo mahanap hanap eh." Lahat kami napabuntong hininga. Kaya pala. "May kutob akung hindi lang basta bastang tao ang tumago kay Alic." Napatingin kaming lahay kay Jeph na ngayun ay nakatingin sakin ng seryoso habang naka-upo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD