Pagkatapos kong magluto ng pancit canton ay inayos ko na ang lamesa habang hinihintay ko na maluto ang sinaing ko. Tumayo si Senyorito upang tulungan ako pero wala naman na siyang maitutulong dahil pancit canton lang at itlog ang maipapakain ko sa kanya kaya pinaupo ko siyang muli. Tinawag ko na siya ng maluto ang sinaing. Umupo na kami sa lamesa. Nagsandok siya ng kanin mula sa kaldero at ako ang unang nilagyan niya ng kanin bago ang pinggan niya. Pagkatapos ay nilagyan niya ng pancit canton ang pinggan ko. “Kahit kailan ay hindi ka pa nakakakain nito?” alanganin na tanong ko. Tumango siya. “Si Manang ang nag de-desisyon kung anong lulutuin sa mansyon kaya hindi pa. Ngayon pa lamang…” Napayuko ako. Bigla akong nakaramdam ng kahihiyan. Unang punta niya lamang dito ay ito ang ipapaka

