Malalim ang iniisip ni Senyorito habang papunta kami ng kanyang opisina. Nagtagal ang pag uusap nila. Mukhang katulad din sa mga baka ay may problema din si Senyorito sa Poultry. Pero kahit na tahimik siya ay maya’t maya niyang halhalikan ang gilid ng aking tenga at nilalanghap ang aking buhok. Napapakagat na lamang ako ng aking ibabang labi dahil sa kiliti na nararamdaman. Pagdating namin sa opisina ay nagbabad sa trabaho si Senyorito buong magdamag. Nagdala ako ng meryenda niya at tanghalian. Hindi muna siya humarap ngayon sa mga trabahador dahil sa dami ng papeles na kanyang inaasikaso. Nag aantay ako ng pwede niyang iutos sa akin pero nabibigo lamang ako dahil tumatawag siya ng ibang trabahante kapag may mga kailangan ibigay na papeles sa labas. Kaya sa huli ay kumikinang ang m

