Tumawa ang ginang sa naging reaksyon ko. “Umupo ka muna at mag usap tayo ng masinsinan.”
Nang maupo na ako sa tapat niya ay kaagad ko siyang hinarap at inulan ng maraming tanong.
“Paano ko po sila aakitin? Uhmm… At bakit po kasi hindi ko maintindihan. Kayang kaya po nilang mamili ng babaeng gusto nila sa i-itsura at… sa k-kanilang pangangatawan. Kaya, bakit po?”
Sumeryosoo ang senyora at malalim na napabuntong hininga.
“I'm afraid that my son is gay…”
Nalaglag ang aking panga. I was shocked by what the elder said. Hindi ko mawari kung totoo o nagbibiro lamang siya.
Seryoso lamang ang ginang habang nakatitig sa akin. Hindi nga ito joke time dahil hindi sila nakangisi ngayon.
Napailing ako. Imposible.
Hindi ako makapaniwala na bakla si senyorito! Marami akong kaibigan na bakla at alam ko ang kilos at galaw nila kahit na lalaking lalaki ang suot nila.
“Hindi po ako naniniwala, senyora,” mahina kong sinabi.
Tumango siya na para bang naiintindihan niya ako. “Alam ko, that's why I'm conniving with you to seduce my son. Let’s make my theory wrong,” napabuntong hininga siya at napahilot ng sintido. “There’s nothing wrong with being gay. It’s just that he couldn’t get the courage to show his true self. Gustong gusto ko ng magkaroon ng apo. Tumatanda na ako at… nalulungkot. Kapag tinatanong ko siya sa bagay na ito ay iniiwasan niya ako. Bilang ina ay alam kong may tinatago siya sa akin pero… paano ko malalaman kung patuloy siyang umiiwas?”
Napalunok ako. “P-paano ko po iyon gagawin?”
Nagkibit balikat ang ginang. “That's up to you. Patunayan mo lang sa akin na lalaki ang anak ko.”
“Pero bakit po ako?”
Ngumiti siya ng marahan. “You're beautiful… Every man will get on their knees if you start seducing them. If… my son is one of them, of course.”
Namula ako at napayuko. Nahihiya sa papuri ng aking amo. “Sa totoo lang po parang mahihirapan po ako sa gusto niyong gawin ko dahil hindi ako pinapansin ni senyorito.”
Ngumisi ang senyora kaya napakunot ang noo ko. “Hindi ka ba nagtataka na sayo lang siya nagsusungit?”
“Nagtataka po…”
“Kaya alamin mo, hija. Dahil may hula na ako pero hindi ko lang mapatunayan.”
Napakamot naman ako ng ulo ngayon.
“Pag isipan mo muna, hija,” ani ni senyora.
Napatingala ako at napabuntong hininga. I bit my lower lip before asking the question that I’m really curious about. “Pero… kung sakali pong hindi ko po mapatunayan na lalaki sila… pag aaralin niyo pa rin po ba ako?”
Ngumiti siya. “Oo naman. If our plan fails, I'm still going to give you a full scholarship to any university that you want. This is my last resort, Madeline. Susuko na ako kapag wala talaga. Kaya pag isipan mong mabuti dahil hindi ka matatalo dito sa kasunduan natin.”
Tumango ako. “Bibigyan niyo po ba ako ng oras para makapagdesisyon?”
“Oo, hanggang mamaya na lang!”
“Ho!?” halos mapatayo na ako sa taranta. Mukhang aatakihin yata ako sa puso dahil sa gulat sa mga sinasabi ni senyora.
Tumawa siya at sumandal sa kanyang upuan. “I already told you that I’m desperate. Bibigyan kita ng isang oras para magdesisyon. Huwag ka munang magtrabaho. Magpahangin ka sa labas para makapag isip ka ng maayos. Ako na ang bahala kay Nana Narsing.”
“S-sige po… mauuna na po ako.”
Tumango lamang si Senyora habang nakangiti. Napanguso lang ako at lumabas na. Dumiretso hanggang sa tapat ng mansyon na may puno ng matandang kamatsile. Nagpahinga lang ako saglit at nagpatuloy ako sa paglalakad habang nag iisip.
Kailangan kong mag-relax upang makapag isip ng maayos.
Pag aaralin daw ako. Malaking bagay na iyon para sa akin. Ito na ang pinaka pangarap ko. Malapit ko ng mahawakan pero… paano ako makakapag bigay kina nanay kung sakaling humingi sila sa akin ng pera?
Hindi ko pwedeng isipin lang ang pansariling kagustuhan ko dahil madadamay ang mga kapatid ko. Mahal na mahal ko sila at hindi kakayanin ng konsensya ko na tiisin sila.
Kung tutuusin ay madali lang ang pinapagawa ni senyora sa akin. Madali lang namang mang akit ng lalaki.
Marurupok ang mga uri nila at kahinaan nila ang mga sexing babae. Katulad na lamang ng ex ko.
Anim na buwan din kami na naging magkasintahan. Siya ang may ari ng bakery na pinag-trabahuan ko. Mabait si Ronald. Ngunit may pagkakataong humihingi siya ng pabor sa akin at iyon ay s*x. Hindi pa ako handa. At isa pa, hindi pabor ang kanyang nanay sa relasyon namin dahil kalat sa lugar namin na anak ako sa pagkadalaga ng aking ina. Isa daw iyong kahihiyan kapag nagpakasal ako sa may magulong pamilya.
Nakipaghiwalay ako sa kanya dahil gusto niya na akong pakasalan at anakan ngunit hindi pa ako handa. Nalaman ko na lamang na nagtatalik na sila ng isang tindera din sa bakery. Matagal ng may gusto sa kanya ito at nagkaroon siya ng pagkakataong akitin ang boyfriend ko. Kumalat ang balitang nabuntis niya ito.
Nasaktan ako dahil hindi biro ang anim na buwan ng pagiging magkasintahan namin at siya ang kauna unahang lalaki na tinanggap ko bilang nobyo ko. Dahil lamang hindi pa ako handa sa gusto niya ay kaagad siyang natukso sa iba.
Nagsisi kaagad si Ronald sa nagawa niya. Hindi daw niya sinasadya na mabuntis ito at gusto niyang makipagbalikan sa akin. Araw araw niya akong kinukulit. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos kung patuloy niya akong iniistorbo. Ayoko ng makipagbalikan sa kanya. Kung totoong mahal niya ako ay hihintayin niya ako. Kaya nagresign ako. Mabuti na lamang ay kaagad akong nakapag apply dito sa Hacienda de Sevilla.
Sa paglalakad lakad ko. Hindi ko namalayan na napunta ako sa kwarda ng mga kabayo. Napahinto ako ng makitang naka topless si senyorito at nagpapaligo ng kabayo niyang si Rayleigh.
Napalunok ako ng makita ang katawan niyang na kumikintab sa pawis. Batak na batak ng kanyang katawan. Moreno ang kutis niya at lalaking lalaki siya tignan. May mga guhit pandesal sa kanyang tiyan at ang mga braso niya na alaga sa buhat ay lumalabas ang ugat kapag nagbubuhos ng tubig. Ang kanyang lumang pantalon at itim na boots ay basa na din.
Nakapaganda niyang lalaki. Hindi mo aakakalin na lalaki din ang gusto niya.
Kapag napatunayan ko ba lalaki siya ay hindi naman siya siguro manghihingi ng s*x? Kailangan ko lang siyang akitin at patunayan nga na lalaki talaga siya? Sana hindi dahil mapapahiya siya. Alam ko sa sarili ko na hindi ako maaakit sa isang lalaki lamang. Kahit na mayaman pa ito. Nakikita ko ang angking kagwapuhan nila pero hanggang doon na lamang iyon.
Kaagad akong umakyat sa library ng matapos ang isang oras na binigay sa akin ni senyora.
“Kung aakitin ko po ba si Senyorito ay mababayaran pa rin po ba ang oras ko sa pagtatrabaho? Hindi po kasi ako pwedeng mawalan ng pagkakakitaan.”
“Oo naman, hija, para hindi masyadong halata sa ibang kasambahay na may kasunduan tayo.”
Tumango ako at malalim na bumuntong hininga. “Papayag na po ako pero sa isang kondisyon…”
“Ano ‘yon?”
“Kapag… napatunayan ko na po na lalaki si Senyorito at nag aaral na ako… pwede po ba akong mag sideline dito sa mansyon kapag may extra akong oras?”
Napangiti ng malaki ang senyora habang tumatyo sa kanyang kinauupuan. “Iyon lang ba?”
Tumango ako.
“Natutuwa ako at napakasimple mong bata. Siguradong hindi ako magsisisi na ikaw ang pinagkatiwalaan ko sa bagay na ito,” lumapit sa akin si senyora at niyakap ako ng mahigpit. “It's a deal, hija. Ako na ang bahala sa gusto mo. Uuwi na ako ng maynila bukas. I will check on you from time to time so make sure that you always answer my calls, okay?”
“Opo, senyora.”