Buong araw ay okupado ang isipan ko sa naging kasunduan namin ni Senyora. Pinag iisipan ko kung anong unang hakbang ang gagawin ko upang maisagawa ng mabuti ang aming plano.
Pag uwi ko sa aking apartment ay nagresearch ako sa aking cellphone kung paano mang akit ng lalaki. Walang matinong lumalabas kung paano mang akit. Puros mga damit na binebenta online na halos kita na ang kaluluwa kapag sinuot.
Namumutla na ako sa kaka scroll. Parang ako ang nahihiya sa nakikita kong mga babaeng halos nakahubad na. Kaya kahit masasayang lang ang load ko pang internet ay tumigil na ako.
Nakapikit na ako pero napabangon ako ng naalala ko si Richelle, ang kaibigan ko na kasambahay din. Nakaleave siya ngayon dahil may sakit ang anak niya. Kaya naisipan ko siyang puntahan. Hindi naman kalayuan ang bahay niya dito sa apartment ko kaya kayang kaya ko itong lakarin. Siya lang ang pwede kong mapag-tanungan tungkol sa bagay na ito. Alam kong hindi niya ako huhusgaan sa problema kong ito.
Nagpalit ako ng damit. Dala ang cellphone ko at ginamit ko itong flashlight ay nagmamadali ako patungo sa kanilang bahay. Nang makarating ako ay naabutan ko ang asawa niyang nagpapatay ng ilaw.
Lumapit ako sa kanilang gate na kahoy na hanggang sa may leeg ko lang ang taas. “Magandang gabi, Edward. Gising pa ba si Richelle?”
Nagtataka siyang lumapit sa akin. “Oh, Madie. Oo, gising pa siya. Gabing gabi na ah?”
“Ah! May kailangan lang kasi akong itanong sa kanya tungkol sa trabaho. Pwede ko ba siyang maistorbo kahit ilang minuto lang?”
“Oo, sige. Tulog na naman na si Kael. Pumasok ka muna at tatawagin ko lamang siya…”
Binuksan niya ang gate nila at pinasok niya ako sa kanilang sala. Maliit lamang ang bahay nila at gawa sa kahoy. Pero nang nilagyan nila ng mga palamuti ay maaliwalas na ang kanilang bahay.
Umupo na ako sa kawayang upuan nila. “Salamat, Edward. Pasensya na sa istorbo…”
“Naku wala ‘yon…” iniwan niya ako at dahan dahan siyang nagbukas ng pinto ng kwarto nila. Iniiwasan niya siguong magising ang anak nila. Ilang segundo lamang ay lumabas na ang kaibigan ko na halata na hindi kumpleto ang tulog.
“Maddie, anong ginagawa mo dito? Mag-isa ka lang? Aba’t delikado sa daan ngayon! Babaita ka!” bungad sa aking ni Richelle.
Natawa ako at umiling. “Kamusta si Kael?”
Tumabi siya sa akin. “Salamat sa diyos at bumaba na ang lagnat niya. Pero next week na ako makakapag-trabaho dahil wala din ang manugang ko dito.”
“Mabuti naman kung ganon,” tumikhim ako bago ako nagsalita muli. “Tungkol sa papunta ko dito… May importante lang kasi akong itatanong ngayon.”
“Bakit hindi mo na lang ako tinawagan?”
“Baka hindi tayo magkaintindihan sa tawag kaya pinuntahan na kita.”
Umayos siya ng upo, humarap siya sa akin at naiintrigang naghihintay ng sasabihin ko. “Sige, ano ba ‘yon?”
Kinwento ko ang buong detalye sa kanya. Mula sa usapan namin ni Senyora at sa pagpayag ko sa kasunduan namin.
Natulala siya. Mabilis kong niyugyog ang katawan niya. “Hoy! Anong nangyari sayo?”
“Gaga ka!” tili niya pero mabilis niyang tinakpan ang bibig niya dahil baka magising ang anak niya. “Hindi bakla si Senyorito! Ano ba naman ang tinitira ni Senyora at ganyan siya mag isip?”
“Nag aalala lang siya dahil sa edad ni Senyorito ay hindi pa siya nakakapag-pakilala ng mapapangasawa niya.”
Tinitigan niya ako ng ilang segundo. “Seryoso ka talaga at pumayag ka?”
Nagkibit balikat ako. “Ito na lang ang tanging paraan upang makapag aral ako,” yumuko ako at pinaglaruan ko ang mga daliri ko na nakapatong sa hita ko. “Ang gusto kong itanong ay… paano ko maakit si Senyorito? Paano ko malalaman na lalaki siya? Nahihirapan ako kung paano ako mag umpisa… at ikaw lang ang pwede kong pagsabihan tungkol sa bagay na ‘to.”
Malalim siyang bumuntong hininga at nag isip. “Kung buo na ang desisyon mo… willing ka na bang isuko ang bataan?”
Nanlaki ang mga mata ko. “Ha!? Bakit kailangan kong isuko ang bataan ko?”
“Engot ka pala eh! Ang sinabi ni Senyora, aakitin mo ang anak niya? Eh paano kung maakit nga sayo? Hindi ka na makakatanggi kapag nag iinit ka na at kapag nasa harapan mo na!”
Laglag ang panga ko sa sinabi niya. “A-ano ka ba! Hindi ko k-kayang gawin ‘yan!”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Talaga ba? Alam mo ba kung gaano kagandang lalaki si Senyorito? Lalo na kapag wala siyang suot na pang itaas? Diyos ko! Ang ganda ng katawan niya. Paano pa kaya kapag nakita mo na ng buo ang hubad niyang katawan? Baka kapag nakita mo na ang sandata niya ay ikaw na lang lumuhod sa kanya at magwakaawang hubaran ka niya!”
Tinakpan ko ang mukha ko. Tinawanan niya ako ng malakas at kinurot ang aking tagiliran.
“Napaka-birhen mo naman, Ineng!”
“A-alam ko na magandang lalaki si Senyorito. Crush nga siya nina Lina at ang grupo niya… Sikat din siya sa ibang bayan dahil sa gwapo siya at mabait pa. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako magpapaakit sa kanya.”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Hindi mo siya tipo?”
“Hindi!”
“Oh sige, ganito ang gawin mo. Magpakita ka ng kaunting laman…”
“Ha…” napaayos ako ng upo. “P-paano ko gagawin ‘yon?”
“Kapag kasi nagpakita ka ng s**o sa bakla naku! Magagalit pa ‘yon sayo at itutulalak pa palayo. Kapag ganoon ang ginawa ni Senyorito ay… alam mo na…”
“Pero…”
“‘Yan lang ang maipapayo ko sayo… hindi ba’t kailangan mo lang naman na patunayan na lalaki si Senyorito?”
“Oo…”
“‘Yan na lang ang gagawin mo para hindi ka mahirapan… kung hindi labag sa gusto mo.”
“Kaya ko naman na magpakita ng kaunting laman. Pero… masungit sa akin si Senyorito. Ni minsan ay hindi niya ako tinapunan ng tingin. Paano kung mapikon siya sa akin paalisin ako sa mansyon?”
Umiling si Richelle at ngumisi. “Alam mo… kaibigan kita pero engot ka talaga! Paano ka makakapag aral kung sa una pa lang ay nawawalan ka na ng pag asa? Ganito na lang ang isipin mo. Sa tingin mo ba ay nagkamali si Senyora sa pagpili sayo? Hindi ako naniniwala. Tuso ang mga mayayaman, Maddie. Hindi ko sinasabi na tuso nga talaga sila pero hindi susugal si Senyora sayo kung alam niyang sa umpisa pa lang ay talo na siya.”
Malalim akong bumuntong hininga. Sinandal ko ang ulo sa inuupuan ko at tahimik na nag isip. Parang mas lalong bumigat ang suliranin ko. Pero tama si Richelle dahil hindi pa man ako nakakapag umpisa ay nawawala na ako ng pag asa. Kahit papano ay naliwanagan ako.
“Kakayanin ko para sa pag aaral ko…”
Tumango siya at niyakap niya ako ng mahigpit. “Bilang kaibigan ay susuportahan kita sa mga desisyon mo. Masaya ako na makakapag aral ka na gaya ng pangarap mo. Gusto ko lang ay ingatan mo ang sarili mo. Madali lang mag pa-ibig pero mahirap umibig kapag ikaw lamang ang naiwan sa ere. Pag isipan mong mabuti ang mga hakbang na gagawin mo dahil mahirap mahulog sa sarili mong bitag.”
Tumango ako at ngumiti ako sa kanya. “Salamat, Richelle.”
Nakatingin sa akin si Richelle at nag iisip din pero napakunot ang noo ko ng humagikhik siya. May pagkabaliw talaga itong kaibigan ko. Parang kanina lang ay seryoso siya, ngayon naman ay tumatawa ng mag isa.
“May ibibigay din ako sayo na pabango. Galing pa ng Japan! Bigay ng pinsan ko. Ginagamit ko ‘yon kapag gusto kong mag-siping kami ng asawa ko. Effective naman dahil nakakailang round kami!”
Sabay kaming humalakhak sa sinabi niya. Wala man akong experience sa mga ganyang bagay ay nahahaluan na ng berde ang utak ko dahil sa kaibigan kong ito.
Puyat na puyat ako, madaling araw na ay hindi pa ako tulog dahil hindi makatulog kung paano ko uumpisahan. Nakaka stress dahil wala man lang akong maisip na paraan.
Kinabukasan ay muntik na akong mapahiyaw sa tuwa ng pinadali ni Senyora ang gagawin ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Nana Narsing. “Simula ngayon ay ikaw ang magiging personal maid ni Senyorito Anthony. Bawal kang magreklamo dahil utos ito ni Senyora.”
Tumikhim ako upang pigilan ang gumuguhit na ngiti sa aking labi. “O-opo, Nana Narsing…”
Malalim siyang bumuntong hininga at tinapik ako sa aking balikat. “Hindi ko alam kung bakit kailangan ni Senyorito ng personal maid, eh wala naman siyang madalas na inutos. Pero ang alam ko lamang ay namomroblema si Senyora dahil nakakaligtaan ni Anthony na kumain sa tamang oras. Trabaho at kumilos lang ang kaya niyang gawin kaya nag aalala siguro ang kanyang ina. Kaya ikaw na ang bahala sa kanya.”
Tumango ako. Nang umalis na siya sa harapan ko ay tumalon talon ako at paimpit akong tumili.
Nang mahimasmasan na ako ay inayos ko ang buhok.
Tumitig ako sa salamin at bumuntong hinga ng malalim. Ang uniform na pinili ko ngayon ay sinadya kong maikli kaysa sa normal na uniform ko ng nakaraan. Nakalabas ang kalahating hita ko, tama lang upang hindi madaling makita ang panty ko kapag humangin. At ang dalawang butones ng uniform ko ay binuksan ko upang lumabas ng kaunti ang cleavage ko.
“Kaya mo ito, Madie. Para sa pag aaral mo!” pangtataas ko sa aking sarili.
Dahil maaga pa ay panigurado na nasa kwarto pa si Senyorito. Dali-dali akong umakyat sa itaas upang katukin siya sa kanyang kwarto.
Mahina akong kumatok ng tatlong beses. “Senyorito…” naghintay ako ng ilang sandali pero walang sumagot. Kumatok akong muli pero wala pa rin.
Napakamot na lang ako ng batok pero nagulat ako at napatalon sa atras ng bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Senyorito na bagong gising at ang tanging suot niya ay boxer shorts lamang.
Natulala ako ng makita ang mapupungay niyang mga mata dahil pa sa antok. Ang kanyang tiyan na mukhang matigas kahit na hindi ko pa nahahawakan. Pababa sa kanyang boxer. Napalunok ako ng makitang may bukol sa ginta nito. Napatitig ako doon ng matagal.
“What is it?”
Bumalik lamang ako sa kasalukuyan ng marinig ang malalim niyang boses.
“Uhm… A-ano po, Uhmm… kasi… gusto ko lang sabihin po sa inyo na nautusan po ako ni Senyora na maging personal maid niyo,” napalunok ako sa takot ng kumunot ang kanyang noo. “G-gusto niyo po bang dalhin ang almusal niyo dito?”
Napaatras akong muli ng tumayo ng maayos si Senyorito sa harapan ko. Tinanggal niya ang pagkakahawak niya ng pinto at humalukipkip.
“What for?”
Halos manginig ako sa lamig at lalim ng kanyang boses. Napayuko ako. Hindi dahil sa kahihiyan kundi dahil hindi ko kaya ang intensidad ng kanyang titig. Sa unang pagkakataon ay ngayon niya lang ako tinitigan ng ganito. Hindi ako sanay… para akong matutunaw.
“Hindi ko po alam, Senyorito,” pinaglalaruan ko ang aking daliri habang nagsasalita.
Ilang segundong naghari ang katahimikan. Nang hindi ako makatiis ay umangat ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung namamalikmata lamang ako dahil may nakita akong multo sa kanyang labi. Pero mabilis siyang sumeryoso at malakas na tumikhim.
“Come in, linisin mo ang kwarto ko,” aniya at mabilis niya akong tinalukuran. Dumiretso siya sa kanyang higaan at padapang humiga sa kanyang higaan. “Wake me up at 9. I’ll just sleep more. Napuyat ako ng ihatid ko si mama sa Maynila. Feel free to touch my things,” he murmured while his eyes were closed.
Tumango ako kahit hindi naman niya kita. “Opo, Senyorito.”