Chapter 3

1533 Words
Nang marinig ko ang mahina niyang paghilik ay umikot ang mata ko sa kanyang kwarto. First time kong makapasok dito kaya napahanga talaga ako. Napakaganda at napakasimple ng kanyang kwarto. Walang halos mga gamit kaya wala din kalat. Napakamot ako tuloy ako ng aking ng noo. Anong lilinisin ko dito? Nang may nakita akong pinto, hula ko ay iyon ang kanyang cr. Kaagad akong humakbang papunta roon. Sana ay may kalat dito para may linisan ako. Pero wala pa rin. Kumikintab sa kinis ang kanyang banyo. May nakita ulit ako ng pinto sa tabi ng sink. Binuksan ko ito at hindi na ako nagulat ng malinis ang kanyang walk in closet. Dahil hindi naman ako pwedeng tumunganga lamang dito ay kinuha ko ang marumihan niyang damit at lalabhan ko na lamang ang ilang pirasong nakalagay dito. Dahan dahan akong lumabas sa kanyang kwarto. Nakita ko sa malaking wall clock sa gitna ng hagdan na alas otso pa lamang ng umaga kaya may isang oras pa ang tulog ni Senyorito. Pumunta ako ng laundry area at nag umpisa ng maglaba. Hindi naman ako nahirapan dahil automatic ang washing machine nila kaya habang naghihintay ako ng matapos ang labahin ay nagkape muna ako kasabay nina Ella. “Oh, kamusta ka sa bago mong tungkulin?” Lumingon siya sa paligid bago bumulong sa akin. “Hindi ba masungit si Senyorito sayo?” Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kanina. Ito ang kauna unahang pag uusap namin ni Senyorito kaya natuwa talaga ako na hindi niya ako sinungitan. Bukod kasi kay Richelle ay si Ella lang ang nakakaalam na masungit si Senyorito sa akin. “Hindi naman. Nagulat lang siya…” “Mabuti naman kung gano’n.” Nang matapos ang labahan ko ay umakyat na ako sa kwarto ni Senyorito. Wala pang alas nueve kaya nagpunas na lang ako ng tv kahit na wala namang alikabok dito. Hindi ko alam kung sino ang nakatoka dito sa paglilinis pero hindi ko mapigilan na mamangha dahil kahit suluk sulukan ng kwarto ay walang makikitang dumi. Nakita ko ang oras at sa wakas ay dalawang minuto na lamang bago mag alas nueve. Nagpunas muna ako ng pawis sa mukha bago ako lumapit kay Senyorito. Yumuko ako. Napahinto ako sa balak kong pagtapik sa kanya. Kahit na natutulog si Senyorito ay napakaganda na lalaki pa rin niya. Ang buhok niya na malinis ang gupit, ang kilay na makapal at nanatiling nakunot kahit tulog, at higit sa lahat ang labi niyang mapula. Napalunok ako at hindi ko pa rin maalis ang mga mata ko sa kakatitig sa kanya. Napaupo ako sa kanyang kama at nahi-hipnotismo sa taglay na kagwapuhan ni Senyorito. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako naka appreciate ng ganito sa isang lalaki. Hindi naman ako mahilig sa gwapo dahil wala akong panahon upang titigan o kamanghaan sila. Pero ngayon na nasa harapan ko na ang isang katulad niya ay parang ang sarap niyang titigan. Kahit na buong araw pa ay hindi ako magsasawa. “Done, staring at me?” Halos mapatalon ako sa gulat ng magmulat siya ng mata. Tatayo na sana ako dahil sa kahihiyan pero mabilis niya akong hinila. Napatili ako ng binuhat niya ako pahiga sa kanyang kama. Nakatagilid kaming pareho at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang ulo niya ay siniksik niya sa pagitan ng aking balikat at leeg. “S-senyorito…” nakikiliti ako dahil nararamdaman ko ang paghinga niya sa sensitibong parte ng leeg ko. “Shh…” Napapikit ako ng mas mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap niya sa akin. Napakat ako ng labi ng mas lalo kong maramdaman ang init ng kanyang katawan sa aking likuran. Hindi ko alam kung tulog siya dahil hindi ako makagalaw sa higpit ng yakap niya. Napaungol ako ng mahina ng mas lalo siyang siniksik ang mukha niya sa aking leeg. “Damn it. You smell so good…” Nanlaki ang mga mata ko. Nag init ang mukha ko at napapikit sa kahihiyan. “A-alas nueve na po, S-senyorito…” “I know…” aniya habang nasa leeg ko pa rin ang mukha niya. Gumalaw ako ng kaunti dahil hindi komportable ang paghiga ko. “Stop…” Narinig ko ang mababang ungol ni Senyorito. Nararamdaman ko sa bandang pwetan ko na may matigas na bagay na naipit sa pagitan namin ni Senyorito. Ano ‘yon? Tanong ko sa isipan ko. “f**k…” Pagkasabi niya ay mabilis niyang inalis ang kamay niya na nakapulupot sa akin at bumangon. Sa isang iglap ay nawala si Senyorito. Narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan niya sa banyo. Umupo ako at pinakiramdaman ko ang mukha ko dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din na nag iinit ito. Huminga ako ng malalim at pinaypayan ang aking sarili. “Diyos ko, ano ba ang nangyayari sa akin?” Tumayo na ako bago pa lumalim ang iniisip ko. Inayos ko ang kama ni Senyorito at nag vacuum na ako sa sahig habang hinihintay ko siyang matapos sa pagligo. Halos isang oras ay natapos si Senyorito sa pag ligo. Napatayo ako ng maayos ng lumabas siya sa kanyang walk-in-closet. Nakasuot siya ng itim na tshirt na kapares ng kupas na maong at itim na sapatos. Hindi ko na naman pigilan na tumitig sa kanya. Dahil sa kakatitig ko sa kanya ay hindi ko namalayan na nakatingin din siya sa akin habang nakangisi. Nahihiya tuloy ako kaya napayuko ako. “Bumaba na tayo,” aniya paglipas ng ilang sandali. Napasinghap ako ng magkatitigan kami. Nag init na naman ang mukha ko. Umiwas na ako ng tingin dahil hindi ko na kaya ang intensidad ng titig niya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Let’s go…” Nagmadali akong sumunod sa kanya. Binuksan niya ang pinto, akala ko ay lalabas na siya pero hinintay niya pa akong makalapit sa kanya. Sinenyasan niya sa ako na mauna na akong lumabas. Hinintay ko siya sa harap ng pinto at siya na ang nagsara ng kanyang kwarto. Pagbaba namin sa hagdan ay bumungad sa amin si manang. “Mukhang maganda ang gising mo, hijo. Akala ko ay nakasimangot kang bababa dahil napuyat ka.” Ngumiti lamang siya kay manang at nagkibit balikat. Tinulungan ko si Manang na maghanda ng almusal ni Senyorito. Hindi ko alam na si Manang pala ang naghahanda ng almusal niya. Madalas kasi na ganitong oras ay tumutulong ako sa labas upang maglinis ng hardin. Nagbabasa ng dyaryo si Senyorito habang kami ay naghahain. Nang matapos kami ay nagpasalamat siya sa amin ni manang. Tumayo ako dalawang hakbang ang layo sa gilid niya. Tinignan niya ako at nagtaas ng kilay. “Umupo ka muna…” “H-hindi na po. Dito na lang ako hanggang sa matapos ka sa pagkain…” Naputol ang tinginan namin ng magsalita si Manang. “Anthony, maiwan ko muna kayo at sisilipin ko kung maayos pa ang pagbabawas nila ng d**o sa likod.” Tumango si Senyorito. Nang iniwan na kami ni Manang sa dining ay nagsalita siyang muli. “Nag almusal ka na ba?” marahan niyang tanong. “O-opo, k-kanina…” Tumango siya at nag umpisa ng kumain. Napakurot ako sa aking palad. Shemay, bakit ba ako nauutal? Nakakahiya. Pagkatapos mag almusal ni Senyorito ay hindi ko alam ang gagawin ko kaya sumunod na lang ako sa kanila. Naglalakad na siya patungo sa kanyang opisina malapit sa farm. Maya’t maya ang paglingon niya sa akin. Napapahinto ako sa paglalakad kapag humihinto siya dahil lumilingon siya sa akin. Napapakunot ang noo ni Senyorito kapag tumitingin siya sa distansya naming dalawa. Masyado bang malapit ang dalawang hakbang na layo namin sa isa’t isa? Dapat pa ba akong lumayo? Tuluyan ng napahinto sa paglalakad si Senyorito ng nilapitan siya ni Mang Fabio, ang asawa ni Nana Narsing na namumuno sa mga magsasaka. Habang hinihintay ko sila matapos sa pag uusap ay nakatayo lamang ako at nakatulala sa may puno. Biglang nag init na naman ang magkabila kong pisngi ng naalala ko ang pag amoy ni Senyorito sa aking leeg. Mabango daw ako? Hindi ko pa ginagamit ang pabango na binigay ni Richelle dahil masyadong matapang para sa pang amoy ko. Hindi ako sanay kaya hindi na din ako naglagay. Kumaripas ako ng lakad ng makita ko na tapos na si Senyorito na makipag usap. “Maganda umaga, Mang Fabio.” “Maganda umaga din sayo, Madeline. Mauuna na ako sa inyo,” pormal na bati nila sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nang mawala sa paningin ko si Mang Fabio ay nagulat ako ng malapit na si Senyorito sa akin. Nakakunot at nakahalukipkip. “Bakit ayaw mong tumabi sa akin habang naglalakad? Ayaw mo ba akong kasabay?” “Ha?” umiling ako at kinakabahan na tumawa. “Hindi naman sa ganon pero hindi ba na dapat ay nakasunod lamang ako sayo?” “Ayoko ng nasa likuran kita. Simula ngayon ay magsasabay na tayong maglakad.” “O-okay, po…” “And stop saying ‘po’. I don’t want to hear that word from you. Tara na…” Sumabay na ako sa paglalakad niya bago pa siya magalit. Napatingin ako sa kanya at seryoso lamang siyang naglalakad. Ayaw ba niya na galangin ko siya? Bakit kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD