Binuksan niya ang pinto ng opisina. Iginaya niya ako papasok bago siya sumunod.
Tumayo ako sa gilid upang hindi ako makaistorbo sa kanya. Binuksan niya ang aircon at umupo na siya sa kanyang lamesa.
Tumingin ako sa paligid. Mayroong malaking sofa sa harap ng bintana. May dalawa din na upuan sa harap ng kanyang lamesa. Mayroon din siyang maliit ng dining table katabi ng sofa. Katulad ng kwarto niya ay simple lang din ang kanyang opisina.
Nag umpisa na siyang magtrabaho. Hindi ako makatiis na nakatayo lamang sa gilid kaya naghanap lamang ako ng gagawin.
May nakakalat na mga papeles sa dining table niya kaya iyon na ang in-una kong linisin.
Tinignan lamang ni Senyorito ang ginagawa ko pero bumalik siya kaagad aa kanyang tinatrabaho. Wala naman siyang sinabi na huwag gagawin ito kaya ipinagpatuloy ko na lamang.
Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog ito sa bulsa sa suot kong puting apron na kapartner ng palda bilang uniform namin.
Senyora:
You can do it on your first day. I trust you!
Napangiti ako sa text ni Senyora. Nagreply ako sa kanya.
Ako:
Salamat po, Senyora.
Binalik ko na ang cellphone ko sa bulsa pagkatapos. Nawala ang ngiti ko ng makita ko na nakatitig si Senyorito sa akin.
Napasinok ako ng titigan niya ako ng masama. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito kapag ganyan ang titig niya.
“Are you texting your boyfriend?” mariin niyang tanong.
Umiling ako. “H-hindi po, Senyorito,” napakagat ako ng labi. “Kinakamusta lamang ako ni Senyora… at w-wala po akong boyfriend.” Hindi ko alam pero parang kailangan kong nagpaliwanag sa kanya.
Nawala na ang pagka-kunot ng noo niya at para ba siyang nakahinga ng maluwag. Sumandal siya sa kanyang upuan at inikot niya ang kanyang upuan paharap sa akin.
“Really? How about your baker boyfriend?”
“Si Ronald?” Napasimangot na naman siya kaya napakamot ako ng aking ulo. “Matagal na kaming wala ni Ronald…”
“Why?”
Nagkibit balikat ako. “Nabuntis po niya ang katrabaho ko,” sinabi ko na parang maliit na bagay lamang iyon.
“That fucker cheated on you!?” kung galit siya kanina ay mas lalo na ngayon.
Umangat ang gilid ng labi ko. Sa lahat ng nasabihan ko ng bagay na ito ay siya lang ang kaisa isang lalaki na mas apektado pa sa sakin.
Ang cute ni Senyorito.
“How did that make you feel?” tanong niya ng maka recover siya.
Nag isip ako sandali. Hindi ko na masyadong maalala dahil isang taon na ang nakalipas. “Nasaktan ako nung una pero mas maganda ng nangyari ‘yon dahil… ibang bagay lamang ang habol niya sa akin,” humina ang boses ko sa huling salitang sinambit ko.
“Kailan ito nangyari?”
“Bago ako mag umpisang magtrabaho dito ay wala na kami…”
“He only wanted s*x? That motherfucker…” kumuyom ang kanyang kamao at bumigat ang paghinga niya.
“O-okay na po sa akin ‘yon. Naka move on naman po ako at hindi ko na sila kinakausap o kinakamusa sa iba.”
He released a frustrated breath. “f**k! I shouldn't have ignored you...” mahina niyang bulong sa kanyang sarili habang nakatingin siya sa akin.
Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya kaya lumapit ako sa kanya. Tumigil ako isang hakbang ang layo.
“Anong sabi mo, Senyorito?”
Napansin ko na kumislap ang mga mata niya habang nakatingala sa akin. Hindi naman ako katangkaran pero medyo matangkad ako sa kanya ngayon dahil nakaupo siya.
“You’ve been single for a year now. I didn’t had a f*****g single clue…”
Huh? Interesado siya sa mga relasyon ko? Bakit?
He cleared his throat when he realized that I’m confused. But he quickly smirks when he realizes something.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Yumuko siya upang magtama ang mata naming dalawa. Napatigil ako sa paghinga. Sobrang lapit naming dalawa at amoy na amoy ko ng pinaghalong mint at pabango niya.
“Tell me honestly,” he said in a low manly voice. “Ano ang totoong rason kung bakit ka inutusan ng aking ina na maging personal maid ko?”
Kumabog ang puso ko sa kaba. Nanginig ang labi ko. “Uhmm… ano…”
Humakbang siya palapit sa akin kaya napatras ako. Tuloy tuloy siyang humakbang hanggang sa wala na akong aatrasan at tumama ang likod ko sa malamig niyang pader.
“I want you to be honest, Madeline. I’ll punish you if I caught you lying to me. You want that, hmm?”
Napapikit ako. Hindi ko alam kung nananakot siya o nang aakit ba. Sa sobrang baba ng kanyang boses ay tumatayo ang balahibo ko sa braso. At ang mabango niyang hininga at nanunuot sa ilong ko. Parang ang sarap niyang amuyin buong araw.
“Maddie...”
Napapitlag ako at napamulat ng mata.
“Baby, I’m waiting for your answer…”
Nagkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo. Pagkatapos ay sumusuko akong napabuntong hininga.
“B-baka matanggal po ako sa trabaho kapag sinabi ko sa inyo ang totoo. A-ayoko umalis dito dahil maganda ang pasahod niyo sa amin. Hindi na ako makakahanap pa ng iba pa ng ganito kaganda na trabaho...”
“Don’t worry. I’ll vouch for you…”
Hindi ko siya kayang titigan pa sa mga mata kaya tumingin na lamang ako sa kanyang labi. “Inutusan ako si Senyora na akitin ka at patunayan na lalaki ka…”
Napayuko ako. Panigurado na mag aaway sila ni Senyora nito. Paano na ako?
Nagulat ako ng malakas siyang tumawa. Halos maluha na siya sa sobra niyang saya.
Napanguso ako. Ano ba ang nakakatawa?
“f**k! That is so f*****g hilarious.”
Unti unting humina na ang tawa niya. Nanatili akong nakatitig sa kanya ng puno ng pagtataka.
“Do you think I’m gay?” bakas pa rin ang tuwa sa boses niya.
Umiling ako. “Hindi, Senyorito.”
“Then why the hell did you agree with my mother?”
“Desperado na kasi siya at maganda ang kapalit na bibibigay niya sa akin kaya tinanggap ko ito...”
Mas lalo siyang lumapit sa akin. Nakangisi pa rin siya. “How can I prove to you that I'm not gay?”
Nag init ang magkabila kong pisngi at umiling sa kanya.
“I’m curious. Paano mo mapapatunayan na hindi ako lalaki?” tinaasan niya ako ng kilay.
“A-aakitin d-daw kita…”
Dumilim ang paningin niya. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa katawan ng napatingin ako sa dila niya na humagod sa kanyang ibabang labi.
“Paano mo naisip na maakit ako sayo?” mas lalo ang kanyang boses. Bumigat ang paghinga ni Senyorito kagaya ko.
Nagkatitigan kami ng ilang sandali bago ako umiling. Bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya mas lalo akong hindi makahinga.
“H-hindi ko din alam kung bakit ako ang inutusan ni Senyora. Hindi ko alam kung paano mag uumpisa. Ang alam ko lang na gawin ay kailangan kong mapalapit sayo…”
Senswal niyang dinilaan ang kanyang ibabang labi habang nakatingin pa rin sa labi ko. Napasinghap ako ng nakita ko ang kanyang dila.
Ano ba ito? Bakit ba parang lahat na lang ng gawin ni Senyorito ay naakit ako? Mali ba ang pinasok ko?
Maya maya ay may kumatok sa pinto. Napatalon ako sa gulat.
Tinitigan muna ako ni Senyorito bago siya bumalik sa kanyang lamesa. Nakita ko din ang pag ayos niya sa kanyang pantalon. Para siyang nahihirapan. Bakit kaya?
Nakahinga ako ng maluwag ng nagkaroon kami ng distansya sa isa't isa. Pinaypayan ko ang aking sarili. Bakit parang ang init init dito, eh nakabukas naman na ang aircon.
“Tuloy kayo…” ani ni Senyorito.
Pumasok si Paul at si Wilbert na tauhan nila si farm. Ngumiti sila sa akin tanda ng pagbati at ganoon din ako sa kanila.
“Magandang umaga, Senyorito…”
“Magandang umaga. Umupo na kayo…”
Umupo silang dalawa sa harapan ng lamesa ni Senyorito. Nagsimula na silang mag usap at tahimik lamang ako sa gilid.