Sa pagtatrabaho ko ng ilang araw sa maisan ay hindi ko napansin na nagbago na pala ang kulay ng balat ko. Ilang minuto kong tinitigan ang braso ko sa salamin at nagbabakasakali na bumalik ito sa dati nitong kulay pero alam ko naman na imposible. Pagpasok ko sa mansyon ay dumiretso ako sa kwarto ni Senyorito. Naabutan ko siyang nakatayo malapit sa paanan ng kanyang kama. Bagong ligo at handa ng magtrabaho. “Magandang umaga, Anthony…” ani ko sa kanya pagkatapos kong isarado ang pinto. Ngumiti siya pabalik. Kinuha niya ang papel sa kamyang kama. Inabot niya ako at niyakap. “Good morning, baby…” hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo kaya napapikit ako at ninamnam ang kanyang halik. “Ano ‘yan?” turo ko sa papel na hawak niya. Inabot niya sa akin ang papel. Binasa ko ito at isa itong ap

