Hindi na ako nagulat ng dalhin niya ako sa mansyon. Buhat niya ako hanggang sa kwarto niya. Marahan niya akong nilapag sa tiles ng kanyang shower at sabay kaming naligo. Tahimik si Senyorito dahil busy siya sa pagsabon ng katawan ko. Ilang beses na akong na paliguan ni Senyorito kaya pumasok sa isipan ko na kung siya naman kaya ang paliguan ko? Siguro ay dala na din sa kalasingan ay… medyo malakas ang loob ko ngayon. Kumuha ako ng sabon. Inilapat ko ito sa katawan ni Senyorito. Marahan at malamyos. Napatigil siya sa pagsasabon ng katawan ko. Nagulat sa ginawa ko. Kinagat ko lamang ang ibabang labi ko at nagpatuloy kahit na natutuyo ang lalamunan ko sa paraan ng pagtitig niya. Sinabon ko ang leeg niya, papunta sa kanyang balikat… sa braso… sa tiyan. Napasinghap ako ng nakita kong unti u

