Nag aayos na ako ngayon ng mga gamit ko dahil susunduin ako ni Anthony. Ihahatid niya ako sa school. Ngayong araw kasi ang exam ko. Isang araw lang ay nagawan kaagad ni Anthony ng paraan upang makahabol ako sa examination ng Mayor's Scholarship. Inayos ko ang gusot ng dress ko. Medyo maikli na pala sa akin ito. Hindi kasi ako nakapag handa ng iba pang damit sa susuotin dahil biglaan ang exam ko. May nagbusina ng tatlong beses sa labas. Mabilis akong lumapit sa bintana at sinilip ito. Napasinghap ako ng makita ko si Anthony na palabas sa kanyang sasakyan. Nagmadali kong kinuha ang bag ko at ang envelope na laman ang mga dokumento ko. Saktong pagbukas ko ng pinto ay nasa harapapan ko na si Anthony. Napaka gwapo niya at napaka bango niya. He smiled warmly at me. Kinuha niya ang envelope

