Trigger warning: Mention of drugs. Reader discretion is advised. Hinatid ako ni Anthony papunta sa ospital. Habang nasa biyahe ay taimtim akong nagdadasal na sana maging maayos ang operasyon ng kapatid ko. Nang makarating kami ay agad akong nagtungo sa loob. Hinanap ko kung saan ang kapatid ko at tinuro naman ng nurse ang daan papuntang operation room. Hinihingal ako ng makita ko si Nanay na nakaupo at tahimik sa labas ng operating room. Hinawakan ni Athony ang kamay ko bago kami tuluyan na makalapit kay Nanay. “Mag usap muna kayo ng Nanay mo. May kakausapin lang ako sandali…” Tumango ako. Malambing niyang hinalikan ang aking noo bago ako tumulak papunta kay Nanay. “Nay!” Tumayo siya ng makita niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit habang humihikbi. “Maraming salamat at nakagawa

