Sa pagdaan ng oras ay napuno na ang hardin sa mga bisita ni Senyorito. Bigatin ang mga ito. Mapa pulitiko man o mapa negosyante. Sa lahat ng utos na sinusunod ko ay para akong robot. Wala na akong maramdaman. Gusto ko lamang magampanan ang trabaho ko para matapos na at makauwi na. Naglalagay ako ng champagne glass sa tray ng marinig ko ang anunsyo nila na nakarating na si Senyorito. Tumaas ang balahibo ko ng marinig ang malakas na hiyawan at palakpakan sa labas. Nandito na silang mag asawa? Napakagat ako ng labi. Nag iinit na naman ang magkabila kong mata. “Mamaya niyo na ipagpatuloy ang ginagawa niyo. Lumabas na tayong lahat para makantahan natin ng Happy Birthday si Anthony…” utos ni Nana Narsing sa lahat. Excited silang binitawan ang mga ginagawa nila. “Excited na akong makaki

