Pagkatapos kong sabihin sa kanya na mahal ko siya ay niyakap niya ako ng mahigpit. Niyakap ko din siya pabalik at hinayaan ko ang sarili ko na umiyak sa bisig niya. Naramdaman ko din ang pag iyak niya. Ni minsan sa mga naging pantasya ko ay hindi sumagi sa isipan ko na iiyakan ako ni Anthony ng ganito. Akala ko ako lang ang mahina pagdating sa aming dalawa pero ngayon alam ko na na kahinaan namin ang isa’t isa. At hindi pa rin ako makapaniwala na hindi pa nga siya kasal sa ibang babae. Parang kanina ay gusto ko ng umalis sa buhay niya pero ngayon ay nandito na ako sa bisig niya. Habang yakap niya ako ay ilang hakbang ang ginawa ni Anthony. Pagkatapos ay umupo siya sa kama. Ikinandong niya ako sa isang hita niya at pinaharap niya ako sa kanya. Hinaplos ko ang natuyong luha sa kanyang pi

