Bawat segundo ang lumilipas ay para akong nakalutang sa ulap. Naghatid ako ng champagne glass sa bar area ay nakita ko Anthony at Yanel na may kausap na matatandang negosyante. May hawak si Anthony na baso na may lamang alak. Nagkatinginan kami. Ngumiti ako sa kanya at pasimple naman siyang tumango. Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa at ikinaway sa akin. Napakunot ang noo ko. Nang marealize ko ang sinasabi niya ay tumango ako. Tumalikod na ako sa party at kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa. In-off ko pala ito kanina kaya hindi ako macontact ni Anthony. Kaagad na nag ring ang cellphone ko pagbukas ko nito. “Gagawa ako ng paraan para makatakas sa mga bisita.” Natawa ako at napakagat ng labi. “Asikasuhin mo muna sila. Dinayo ka nila dito para icelebrate ang birthday

