Aliyah's POV (Adi) Ngiting-ngiti si Governor Sandoval habang pinagmamasdan kami ni Gelyn na nanonood ng live parade dito sa plaza ng bayan ng San Mariano. Simula nang lumapit siya sa amin kanina ni Iverson at pinaalis niya ito ay hindi na rin umalis si Governor Sandoval sa pwesto namin. Ang dalawang bodyguards niya na parehong may mga malalaking pangangatawan ay nasa likuran lang niya habang nagmamasid ang mga ito sa kapaligiran. Kanina pa tumitili ng mahina si Gelyn sa tabi ko sa tuwing napapasulyap sa amin si Governor Sandoval. Para raw siyang hihimatayin dahil sa kagwapuhan at kabaitan ng batang Gobernador namin. Kapag nakita lang talaga ni Goyong ang inaasal nitong nobya niya ay paniguradong magagalit at magseselos iyon kay Gelyn! "Sa tingin ko talaga ay may type sa'yo si Governor

